October11.
Sa isang di inaasahang pangyayari ay tuluyan nang nawala ang pinakamamahal kong CP. Siguro ay korni kung gagawan ko pa to ng isang blog entry; pero para sakin kase ay napakalaki ng sentimental na halaga nito. Bukod sa bigay sakin yun ng ermat ko; naging imbakan din kase yun ng mahahalagang pangyayari at ng mga signipikanteng indibidwal na dumaan sa buhay ko. Naging photo album din iyon ng mga larawan ng pakikibaka : ng mga makasaysayang kilos protesta-maging LR man o malakihang mob.
Sa blog entry na to’ hayaan nyong balikan ko ang ilang indibidwal at pangyayari-mula sa data folder ng CP ko..
Minsan sa Morayta..
Ang litratong ito ang isa sa mga pinaka unang litratong nalikha sa cp ko. Ako at ang aking dood. Teh good old days.. Kinunan ang larawan noong ika 3 ng Hunyo, 2008. Kung bakit sa gilid ng lansangan ng Morayta namin naisip gawin to’ ay hindi ko alam. Siguro sa kadahilanang parehas kaming walang pera nung araw na yun. Kaya sa gilid nalang ng MCDO kami umupo; sa tapat ng dati nyang pamantasan, FEU. Natatawa parin ako minsan kapag naaalala ang araw na yon. Iyon kasi ang unang beses na nagkita kami ng personal. At ako; sa isang pyudal na isipang kailangan ang lalaki ang nanlilibre ng tanghalian sa babae; ay walang ibang dala kungdi pamasahe pauwi. Parehas kaming broke ng araw na yon. Nagkasya nalang kami sa Oishi bilang meryenda..pewro wag ka; dahil busog naman kami sa kwentuhan. Yun siguro kasi ang panahahon na literal na bestfriend palang ang trato ko sa kanya. Di kasi nagtagal at naging iba ang turing ko sa kanya. At ako bilang isang mapangahas ay tumawid sa mga linyang hindi dapat tawiran sa pagitan naming dalawa. Naging lampas sa pagiging kaibigan ang tingin ko sa kanya at isang araw ay tuluyan na akong nalunod-sa kanya..
Pero tapos na yun.
Salamat nalang at naresolba na ang lahat sa pagitan namin; sa tulong ng ilang indibidwal na tinuturing kong pamilya at sa tulong din nya ay naitama na ang lahat at nito lang ay nakipag rekonsila na ako sa kanya. The fact na malaya ko nang nakwekwento to ay isang manipestasyon na ok na ang lahat sakin.
Ano’t ano pa man. Bigla ko na namang naalala si dood. Siguro’y dahil sa pagkawala ng CP ko..
VSF at Pale
Ang sunod namang buong giliw kong ipinapakita ay ang larawan ng tinuturing kong naging isa sa pinakamatalik kong bestfriend (pinakamatalik+bestfriend=redundant? haha). Si Vane o VSF(na pinahabang Vanene..ay! wag na pala ang korni. haha)
Si Vane; hindi pa naman ganun katagal mula nang naging magkaibigan kami, pero sa maikling panahong iyon ay naging matalik na kaibigan ko sya agad. Siguro kung hindi nya ako pinilit na pumuntang SM North para pag ayusin kuno ang magka LQ’ng anak nyang si Jien at Laecey; kung hindi nya siguro ako nilibre ng monster float na minadali naming ubusin sa Ortigas station para makabili na agad ng ticket; kung hindi nya siguro ako nilibre ng manipis na librong Das Kapital ni Karl Marx(published by Ibon books) at lastly; kung hindi nya siguro nakuha ang atensyon ko kahit na napaka dali nyang makasundo, makatawanan at kung hindi siguro sya masarap kasama-siguro ay hindi kami magiging ganto ka close ngayon.
Walang dull moments pag kasama ko si VSF. Naalala ko yung mga panahong hindi pa sya ganun ka-occupied. Both sa pagaaral at lovelife. Iyun yung mga panahong kasama ko pa sya palagi kaharap ang isang mesa na may pitchel at matador. Madalas kaming uminom. Drinking buddy nga ang turing ko dyan eh. Minsan umiinom kami ni VSF para may magawa lang; pero madalas ay umiinom kami para makalimot. May kanya kanya kasi kaming rants na nare resolba lang pag nainom kami. Isa pang naalala ko ay kapag nagsusunog kami ng oras sa powerbooks. Siguro dahil sakin ay nagiging palabasa din sya ng libro. Pero anut ano paman; isang manipestasyon lang yon na pede pala akong maging good influence. Teh heck? haha.
Camwhore din si VSF. Kapag tinignan mo nga, sa dami ng litrato nya sa CP ko ay aakalain mong kanya ang CP ko.
Pero ang isa sa pinaka paborito kong larawan ay ang nasa kanan na nakikita nyo. Ito ay kinunan noong June 05, 2009. Galing syang Cavite nun. Kasalakuyan akong nasa klase nun nang bigla syang mag txt na pauwi na daw sya. Sa kadahilanang wala naman kaming prof ay kinita ko sya sa EDSA Central. Sakto naman dahil ganado ata sya manlibre nung araw na yun. Nilibre nya ako ng fries sa MCDO at dun kami nagkwentuhan. Medyo matagal din kasi kaming di nagkita nun. Siguro ay nasarapan sya sa panglilibre dahil pagkatapos ng kainan at kwentuhan sa Mcdo ay nilibre nya naman ako ng isang bote ng Pale sa katabing inuman ng serbesa sa Edsa Central, at dun ay tinuloy namin ang walang katapusang kwentuhan.
Teh good old days…
Ito yung mga panahong hindi pa siguro ramdam ni VSF na graduating student na sya. Ito rin yung mga panahong hindi pa sya okupado sa lovelife. Di tulad ngayon. Pero kahit ganun paman ay hindi naman ako nagtatampo. At least, shes having the time of her life. Masaya rin ako na nakikta syang kuntento sa kasama nya ngayon. Iyon naman kasi talaga ang gusto namin ni VSF eh-ang maging masaya at kuntento. Sa lovelife. Sa kasamaang palad nga lang ay hindi pa ko resolve sa usaping yan, pero at least sya ok na. Tama ba VSF?
Mga larawang wala nang naiwang bakas
Marami pa sana akong gustong ipakita. Ngunit sa kadahilanang hindi ko na nagawang i-upload ang mga to sa online photo album ko ay hindi ko na tuloy sila maipapakita ngayon.
Karamihan sa mga larawang ito ay mga larawan ng pakikibaka sa lansangan. Ito yung mga sandaling pinakamasarap talaga sa pakiramdam. Kasama ang buong kolektib habang nagmamartsa papunta sa lugar ng programa. At sa kalaunan ay kasama naman ang lahat ng handang makipag pukpukan sa mga pulis.
Isa saga hindi malilimutang alaala ay nooong kinubkob namain at pinapula ang Mendiola. Nagulat din ako nun. Hindi ko naman kasi akalaing mapapasok talaga namin ang Mendiola. Pero dahil siguro sa malakas ang ulan noon at mas malakas ang diwa ng lahat ng kabataan na makapasok sa Mendiola; nagawa naming pasukin ang Mendiola at ng mga sandaling yon ay nagmistulang pinagpalang purok ang lugar na yun. Hindo malilimutan ang muka ng mga kasama; masayang masaya sila na may kasamang agit na ngiti. Hehe. Maraming larawang inuluwal ang CP ko nung araw na yun. Pero sa kasamaang palad ay hindi ko na sila nagawang iupload.
Ilan lang ang mga ito sa mga mahahalagang indibidwal at pangyayari na iniluwal lahat ng data folder ng cp ko. Ngunit gustuhin ko mang panghinayangan ito ng mas matagal; wala na rin naman akong magagawa at kung iisipin; hindi naman dapat maging masyadong upset dahil dun. Dahil nawala ang CP ko habang papunta kami sa isang relief operation. Hindi tulad ng unang pagkawala ng cp ko kung saan nawala ito habang nagpapaka burgis ako sa isang gig. Nawala ang cp ko habang sinusubukan kong makatulong sa iba. Hindi bat sapat na dahilan na iyon para hindi ako manghinayang ng sobra sa pagkawala nito?
sama na kayo sa isang araw na puno ng mga talakayan, pagsasanay at bonding moments!





