
Hindi ko talaga alam kung paano sisimulan ito. Hindi rin malinaw sakin kung paano ito tatapusin. Na para bang nawala na naman lahat ng lohika ko at hindi ako makapag isip ng maayos. Ewan. Epekto siguro ng kasalukuyang iniisip ko. Kung ano ito ay hindi ko sigurado kung paano sasabihin. Lalo na sayo. Pero nandito kana rin naman kaya wala na akong magagawa.

Ganto kasi yun. Sampung buwan na ang nakakaraan ay nagkaroon ako ng isang infatuation(paghanga) sa isang tao. Pero dahil siguro sandali lang sya namalagi sa Manila + nahulog ako sa iba ay naglaho rin agad ang nararamdaman kong infatuation. At nang mga oras na yon ay sising sisi nga ako sa sarili ko dahil nakaalis na sya’t lahat ay hindi ko man lang nasabi iyon sa kanya. Na para sakin ay napaka lamya(lame).
Pagkatapos ay humayo kami sa sarili naming mga buhay. Nanatili kaming magkaibigan. Magkaibigan hindi sa antas na sobrang kilala at kabisado na namin ang isat isa kungdi antas “acquaintance” lang. Tung tipong kakamustahan at kabalitaan lang. Dumaan din kami sa magkahiwalay na pagkabigo sa pagsubok na sumaya ngunit nanatili parin ang antas acquaintance na pagkakaibigan namin.
Hanggang sa wakas ay nagkaroon uli kami ng tyansa para magkasama. At nang mismong oras na yon ay parang kabute na bumalik ang akala-koy-naglaho-nang-infatuation. Isang bagay na nakakainis at nakakatawa sa parehong pagkakataon. Nakakainis dahil pakiramdam ko na naman ay nakalambitin sa isang mataas na bangin(kahit na hindi ko pa talaga yan nararanasan literally). Nakakawatawa dahil para akong sira ulo na bigla na lang napapangiti kapag naaalala ko sya.(Isang malinaw na manipestasyon ng pagiging praning)
Ayon sa istorikong materyalismo : Walang bagay na basta basta na lang sumusulpot.Bago umusbong ang isang bagay ay mayroon munang materyal na kondisyon kung bakit ito naganap. Kung gagawin kong halimbawa ang problema ko ngayon ay ganto ang magiging itsura : Hindi basta basta na lang lumitaw ang infatuation ko sa kanya; ang kanyang witty at provoking(dahil palagi akong napapaisip tuwing katalakayan ko sya) personality ang nag create ng material condition para magustuhan ko sya. Sa parehong paraang kaya siguro napaka baba ng aking moral(self esteem) ngayon. Ang pagiging late bloomer(mabagal) ko ang naging dahilan kung bakit nawala na naman ang tyansa ko na sabihin sa kanya ang lahat. Kung bakit ba palagi nalang ako wala sa timing..ay hindi ko rin alam.

kelan ko kaya to magagawa sa kanya? haha
Ganto kasi yun. Siguro ay lalabas na napaka suhetibo(subjective) ko kung sasabihin kong dahil lang sa aking kutob(instinct) ay alam ko na mayroon na syang KR(Ka Relasyon) ngayon. Parang ang sarap iuntog ng ulo ko sa peder dahil sumablay na naman ako sa pangalawang pagkakataon.
Ang isa ko pang kinatatakutan ay baka mag create ang infatuation ko ng panibagong material condition para maging dahilan ng pagkasira ng aming magandang pagkakaibigan. Hindi na bago sakin ang ganyang mga tagpo dahil nasaksihan ko na noon kung paano masira ang pagkakaibigan ng dalawang indibidwal dahil sa ginusto ng isa na tawirin ang linya na hindi naman dapat tawirin sa pagitan nila.
Kaya siguro tama narin ang desisyon ko na umiwas nalang muna. Sa pagkakataong ito ay pinili kong maging konserbatibo(play safe) kaysa pagiging adbenturismo(risk taker). At tsaka masyado pa naman talagang maaga para sabihing nahuhulog na talaga ako sa kanya. Sabi ko nga..infatuation o paghanga palang ito. Pero diba lahat naman ay nagsisimula muna sa paghanga? Pagkatapos ay magkakaroon ng material condition kung saan aangat ito sa mas mataas na lebel.
Pero sa ngayon : hahayaan ko na lang muna ito at magiging kontento na lang muna sa paghigop ng mainit na kape. Pangalawang refill ko na pala ito para sa madaling araw. Ramdam ko na ang tadyak ng kape. Malamang sa malamang ay hindi na naman ako makakatulog nito.
Tama! Siguro ay magpapabangag na lang muna ako sa kape habang naghihintay. Sabi nga ng isang kolektib : MAHALIN ANG PAGHIHINTAY.
-SORAL 081809/0315AM




parang kilala ko toh. HEHE
haven’t been in touch ei?
well, not with me though.
yes, you do know who that is. and newsflash : I already stated my facts dun mismo sa harap nya and..lets just say i got a C? haha
chie, may advantages at disadvantages din ang pagiging risk taker.
pero one things is, theres a lot of risks. dont go boating on a same risk over and over na obvious sa blog mo na di mo naman gustong gawin without prior brought-up. gets mo ba ko?
basta yun. mahalin ang paghihintay. may tama ka jan.
“pain is inlove with us so it wont go away”
waiting is our new bestfriend.
MiSZ.MURDER :siguro tama ka dyan. at kung susumahin : dalwang beses na akong naging risk taker at hindi ganun kaganda ung result. pero ang point ko naman dun eh..kung hindi ko kasi sasabihin ay baka mapraning na ako at hindi na ako maging produktibo. gets nio?
but sometimes, waiting for too long doesn’t do you good.
sometimes you just got to step forward and blurt the THING right out.
but yeah, give it a little time.
waiting is indeed your new bestfriend.
chloelen : yup. just like what happned before. goog ol days huh? haha. seriously..ayun nga. the time na inamin ko na ang lahat sa isang tao dati ay masyado nang huli ang lahat. hay, nakakapang hinayang at much worse : nagkaroon ng lamat ang frinedship namin.