06-10-09
Mamis, JRU
Bago ang malawakang mob sa Ayala kontra CONASS at CHACHA
06-10-09
Mamis, JRU
Bago ang malawakang mob sa Ayala kontra CONASS at CHACHA
Parame na ng parame
De kotseng estudyante!
Sa state university!
4x
Walang efficiency
Mga government employees
Sa State University!
4x
Antique na laboratory
Bulok na facilities
Sa state university!
4x
Administration policy
Itaas ang tuition fee
Pati na din ang dorm fee
Baket walang nagrarally?
Kahit may demolition
Private corporation
Barat na allocation sa education
Commercialization, colonialization
Privatisation, kawawang oblation!
Sa state universtiy!
State u! hate u!
5x
State university (til fade)
Kung mabibigyan ako ng pagkakataon, mas gugustuhin kong mapabilang sa State U, kaysa sa mga pa sossy o pa sosyal na burges na estudyante dito sa JRU, Pero hindi ako nagka chance, siguro may chance, hindi ko lang hinablot. Hindi kasi ako nagkaroon ng pagkakataong subukan ang aking dunong at kumuha ng UPCAT o kaya ng PUPCAT.
Pero ano bang meron sa mga State U? Iniilagan yan ng karamihan dahil sa kesyo bulok daw ang mga facilities, walang airconditioning at pagpapawisan ka dahil sa isang electric fan lang ang pagsasaluhan nyo sa isang room kung saaan para kayong sardinas sa dami. Marami pang ibang kapintasan ang makikita sa mga State U. Pero meron ang mga State U na hindi ko nakita sa aming pamantasan : Kalayaan.
Oo. Kalayaan. Malaya kasing naipapahayag ng mga estudyante ang kanilang saloobin at nararamdaman. Hindi katulad sa mga so called “private institution” , eh parang nakakulong kami eh. Kesyo “magaral na lang daw” kami at wag makialam sa mga usaping pulitikal. “Isipin nyo na lang ang sarili nyo” “Think of the job youll get after finishing your course”, at iba pang mga payong makasarili at self centered.
At kapag sumuway ka at “binasag ang katahimikan sa payapang kampus”. Represyon at expulsion ang isasagot sayo. Well, siguro medyo marami na rin ang nakarinig sa sinapit namin dito sa aming mahal na paaralan.
Balik tayo sa usaping State U. Minsang napadaan ako sa PUP para kumuha ng ED(Un ung mga panahong suspeded kami..). At nang makita ko ang mga gusali nila..”Hardcore dre!” Haha. Biruin ba namang lagyan ng “Papet, Pasista, Pahirap sa Masa..Patalsikin si Gloria” ang pinaka tuktuk ng isa sa mga building dun? Na elibs talaga ako. Sana napunta na lang ako sa State U. At least tunay na tao ang mga kaharap ko, kaysa sa mga happy-go-lucky na burgis dito.
Pero may kaunting problema lang ako, hindi sa mga State U. Kungdi sa gobyerno na dapat nagaalaga at nagpapayabong sa mga Public colleges and universities. Tila nakakalimot sila na sa mga State U, nagmumula ang mga matatalinong lider at propesyunal ng hinaharap. Ngunit sa kadahilanang karamihan sa mga State University ay yumayabong ang Student Activism, ay tila pinipilay nila sa pamamagitan ng pinansya ang ating mga iskolar ng bayan. Tama ba namang gipitin ang mga student publications at Student Councils? Pati ang mga Student Regent ayaw nilang patawarin? Bakit represyon ang sagot sa pagusbong ng nasyonalismo at militanteng pakikibaka para sa lupa, sahod, trabaho at karapatan? Bakit dinudukot ang mga aktibista-estudyante tulad nila Sherly Cadapan at Karen Empeno? Ganito na ba kalala ang kasalukuyang estado?
Ngayon, sabihin mo sa akin. Sa kabila ng mga masasamang balita ng pagpapabaya ng ating lipunan sa mga State University..Magaaral kapaba dito? Ang tanging sagot ay OO.
OO. dahil sa State University mo lamang matatamasa ang kalayaan. At nasa State University mo makikita ang mga kabataang katulad mo na sa kabila ng globalisado at kolonyalisadong panahon, ay nanatiling makabayan at palaban.
Hay, sana ngay nasa State U nalang ako. Haha. hindi ko kasi ang pakiramdam ng kinakahon eh.
Pasismo. Yan ang dahilan kung bakit ayaw kong ilabas ang aking pagkakakilanlan dito sa blogospere. Ako si S.O.R.A.L ng intarwebs at na-kukupalan talaga ako kung bakit kailangan ko pang magtago sa pen-name na to. Eh kasi naman, sa aming paaralang Jose Rizal University..ay masyadong malala ang represyon sa loob ng campus.
Please lang, Kung magco comment po kayo sa blog ko ay wag nyo na po muna ko i address sa aking tunay na pangalan. Masyado kasi kaming mainit ngayon sa loob. Daig pa sa mga kriminal ang turing samin ngayon. Tsk tsk. Talagan nakakalungkot.
Isang mainam na halimbawa ay ang walang habas na pagsuspindi sa 19 aktibista-estudyante nitong nakaraang July 17 2008,Thursday. Isa na ko sa mga nasuspindi Naisipan lang naman kasi naming mag snake rally sa loob ng aming mahal na paaralan. Isang practice lang naman ito ng aming freedom of expression at campus freedom. Ngunit ano ang sinagot ng ADMIN? Sinuspindi kaming lahat ng mahigit dalawang linggo,,nakabalik naman ang 15 samin..Ngunit ang 4 ay tuluyan nang na Forced Transfer.
Masakit. Para raw kasi kaming bumangga sa pader. Masyado daw kaming subersibo kaya ayun daw ang napala namin.
Nakaka-irita. Dahil ang tanging nais lang naman namin ay isang pagsasabuhay ng aming karapatan. Ngunit ang sinagot nila ay PASISMO.
Ngunit tuloy ang laban. Dahil sa darating na Byernes ay naka schedule kaming magsampa ng kaso laban sa ADMIN para sa maling pagtatanggal sa apat naming kamag-aral. Sa Mandaluyong Regional Trial Court yan kaibigan. Sana makapunta tayong lahat. Ang kitaan ay sa Chowking-RTU BONI at martsa patungong Mandaluyong RTC. Around 1PM ipuputok ang programa. Kita Kita tayo.
- SORAL
September 24 2008, 10:00 PM
Sa isang pribadong computer shop