Archive for the People's struggle Category

Kabataang Pinoy : KUMILOS, MANINDIGAN

Posted in CHACHA, People's struggle, Statements, Student solidarity with tags , , , , , , on June 10, 2009 by S.O.R.A.L

Sa harap ng kasalukuyang sitwasyong pulitika, may mahalagang tungkuling kailangang ganpanan ang kabataan at mamamayan. Itinutulak ng pagnanais ng gobyerno na manatili sa kapangyarihan gamit ang Charter Change ang bawat makabayang Pilipinong nagmamahal sa kalayaan na magkaisa at kumilos.

Hindi na tayo maaaring manahimik o manatiling walang pakialam. Hindi na tayo maaaring magsawalang bahala habang niluluray ng mga bwitre sa Kongreso at Malakanyang ang ating mga pampublikong institusyon at ang ating mismong kinabukasan bilang bansa at mamamayan. Kapalit ng ating pananahimik ay tagumpay ng masasamang balakin ng mga ganid sa kapangyarihan.

Itinuturo ng kasaysayan na kailanman hindi magtatagumpay ang tiraniya laban sa kolektibong pagkilos ng nagkakaisang sambayanan. ngayon ang panahon na manindigan at ipagtanggol ang demokrasya at bayan laban sa pagkaganid ng gobyerno at kasakiman sa kapangyarihan.

Cha-Cha at Gloria, Ibasura!

Makiisa at kumilos :

People’s Protest vs Cha-Cha

June 10, 5PM – Ayala Ave. cor, Paseo de Roxas

Rizal Day Youth Concert vs. Cha-Cha

Ituloy ang laban ng Kowloon : via teh internet!

Posted in Kowloon House, People's struggle, Propaganda with tags , , , on December 5, 2008 by S.O.R.A.L

Paglaganap ng kamulatan ukol sa mga 73manggagawang tinanggal sa Kowloon House.

Parami na ng parami ang nakikita kong Boykot Kowloon driven blogs, visual arts at video footage.

Bukod sa pagpunta ng personal sa picket line sa West Ave QC para mamahagi ng inyong tulong at donasyon at bukod sa lahat ang pinaka importante : Ang inyong moral support para sa mga manggagawa, Maari rin nating ipalaganap at ipropaganda ang isyu ng Kowloon House dito sa sa blogosphere. Partikular sa mga social networking sites tulad ng Friendster, MySpace at Facebook.

Isang malaking tulong na rin ang simpleng pagkalat ng mga Boykot Kowloon Images at videos tulad ng YouTube sa Friendster at iba pang social networking sites.

Kaya ano pa ang hinihintay natin? Ituloy ang laban sa Kowloon House.

Join the Bowkot Kowloon campaign here in teh intwerwebs.

Paano sumali :

  1. Pinaka epektibo ay gumawa ng mga blog entries katulad nito para mas lumawak ang mga taong nakakaalam ng isyung pinaglalaban natin laban sa management ng Kowloon House.
  2. Ikalat ang mga propaganda materials katulad ng nasa baba sa inyong mga kaibigan sa Friendster, Multiply atbp.

Mga Images na maaaring ikalat

Boykot Kowloon!

<img src=”http://i462.photobucket.com/albums/qq342/progresiboaktibismo/Boycott-Kowloon-Poster-BIG.jpg”>

<img src=”http://i462.photobucket.com/albums/qq342/progresiboaktibismo/kowloonvisuals.jpg”>

<img src=”"http://i462.photobucket.com/albums/qq342/progresiboaktibismo/kowloonvisuals2.jpg>


Mga Propaganda materials mula sa YouTube

Ang simpleng pagpapakalat ng mga images at videos na yan ay malaking tulong na rin upang mas maraming masa ang maka alam at mamulat sa nangyari sa 73 manggagawang tinanggal sa Kowloon House. Sa simpleng pagpasa ng mga yan sa pamamagitan ng comments sa friendster ay malaking ambag na sa paglaban at paggiit sa karapatan na ating ipinaglalaban. Kaya ano pang hinihintay natin?

Ang simpleng pagpapakalat ng mga images at videos na yan ay malaking tulong na rin upang mas maraming masa ang maka alam at mamulat sa nangyari sa 73 manggagawang tinanggal sa Kowloon House. Sa simpleng pagpasa ng mga yan sa pamamagitan ng comments sa friendster ay malaking ambag na sa paglaban at paggiit sa karapatan na ating ipinaglalaban. Kaya ano pang hinihintay natin?

Free Randall Echanis!

Posted in Ka Randall Echanis, People's struggle, Propaganda with tags , , , on December 3, 2008 by S.O.R.A.L

Sa totoo lang, hindi pa ako nagkaroon ng pagkakataon para makita si Ka Randy Echanis sa personal. Siguro sa dahilang, nooong mga panahong sya ay dinakip ng gobyerno ay hindi pa ako mulat. Mulat sa toong nangyayari sa ating bayan. Pero palagi kong naririnig ang kanyang pangalang idinadaing ng mga progresibo sa tuwing akoy makakasama sa mga mass protest at pagkilos. Kaya nagsaliksik ako tungkol sa kanya at doon ko lang napagtanto ang kababuyan at kabuktutang ginawa ng ating gobyerno kay Ka Randy. Sya ay dinakip noong January 28, 2008 dahil sa mga fabricated charges na sya ay di umanoy nakikipag ugnayan sa Partido Komunista ng Pilipinas. Si Ka Randy isang lider-pesante ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ay dinakip sa pamamagitan ng pag ugnay sa kanya sa natagpuang Mass Grave sa Leyte na halata namang politically motivated na naging dahilan ng kanyang pagkadakip.

At dahil dyan ay nararapat lamang nating ipaglaban at ipagkait at kanyang paglaya!. Nararapat lamang na sabihin natin sa lahat ng tao ang tunay na kulay ng kasalukuyang estado. Ang isang estado kung saan ang mga may bayag para labanan ang mali ay hinuhuli at dinadakip. Sadya ngang napaka gasgas na ng ating gobyerno sa ngayon. Kailangan na natin ng pagbabago. At ang pagbabagong yon ay dapat maganap ngayon. Ngayon na ang tamang panahon.

Ang nasa baba ay  mula sa isang online petittion para sa paglaya ni Ka Randy.

To:

Her Excellency Gloria Macapagal-Arroyo
President
Republic of the Philippines
New Executive Building
Malacañang Palace Compund
J.P. Laurel St., San Miguel Manila
Tel: +632-564-1451 to 80; +632-736-1010
Fax: +632-735-8005
E-mail: corres@op.gov.ph

Jesus D. Dureza
Presidential Adviser on the Peace Process
Office of the Peace Process
7th Floor Agustin Building I
Emerald Avenue, Pasig City 1605
Voice:+63 (2) 636 0701 to 066
Fax:+63 (2) 635 9579
E-mail: osec@opapp.gov.ph

Hon. Gilbert Teodoro
Secretary
Department of National Defense
Rm. 301, DND BuildingCamp Genereal Emilio F. Aguinaldo
1110 Quezon City, Philippines
Tel: +632-911-0488; +632-911-1746
Fax: +632- 911-6213
Website: www.dnd.gov.ph
E-mail: osnd@philonline.com

Dear Sir/Madam,

We, the undersigned, express our deep concern over the arrest of Randal Echanis on January 28, 2008. He is the external affairs deputy secretary general of the Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) for his alleged participation in the discovered mass graves in Leyte. We view this charge doubtful and politically motivated.

Randall, 59 years old, more popularly known as “Ka Randy” among his peers and colleagues was arrested by suspected military and police elements wearing bonnets (ski masks) and in civilian clothes, at the Builders Training Center in Barangay Calumangan, Bago City, Negros Occidental. He was attending a consultation with farmers and farmworkers belonging to the National Federation of Sugar Workers and Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) on the Genuine Agrarian Reform Bill (House Bill 3059) and in preparation for the National Rural Congress to be spearheaded by the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Randall was accused as a member of the Communist Party of the Philippines (CPP) Central Committee. Along with CPP founder Jose Ma. Sison and Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, Echanis was accused of multiple murder for 15 counts in connection with the so-called mass graves discovered in Hilongos, Leyte.

But the peasant leader was in detention and held under solitary confinement when the alleged crime was committed. He was arrested in 1983 by then Ministry of National Defense Security Group. He was held incommunicado from 1983 to 1984 and was transferred to Camp Adduru, Regional Command 2 Stockade in Tugegarao, Cagayan until his release in March 1986.

Since his release, Randall resumed his pro-people work by joining the group of ex-political detainees, helped in pursuing the human rights claimants’ case against the Marcos dictatorship and actively participated in the pre-formation of human rights group Karapatan, until his appointment as KMP deputy secretary general in 1999, during its 5th National Congress.

Prior to his arrest, the Supreme Court dismissed the rebellion case, in connection with the alleged Feb.24, 2006 coup attempt, against Randall, and the six progressive lawmakers popularly known as the Batasan 6— Satur Ocampo, Teodoro Casiño and Joel Virador of Bayan Muna, Crispin Beltran and Rafael Mariano of Anakpawis and Liza Maza of Gabriela Women’s Party. The high tribunal assailed the Philippine government for assaulting the civil rights of the Filipino people.

The continuing injustice committed against Randall should not be tolerated. Let us all stand up and fight for the immediate and unconditional release of Ka Randy, and the subsequent dropping of all charges filed against him by the corrupt, bankrupt and immoral government of President Gloria Macapagal-Arroyo.

The victory of Randall’s cause is the victory of all peasants struggling for their right to land, and a historical triumph for all the Filipino people fighting for a just and humane society. Let our voice be heard in the name of truth, justice and peace.

Yours Sincerely,

Name            SORAL
Country         Philippines
E-mail          tehgreatprotagonist@yahoo.com
Organisation  Anakbayan – JRU

Free Randall Echanis!

Stop Political Persecution of All Activists in the Philippines!

SIGN THE ONLINE PETITION HERE!

November 25 is a Walk Out Day!

Posted in People's struggle, Propaganda, Walk out with tags , , , , , on November 23, 2008 by S.O.R.A.L

Panawagan ng mga Kabataan : Walk Out!

(Walk out sa klase bilang tugon laban sa pasismo at Chaha)

Hindi lingid sa ating kaalaman na papalapit na ang 2010. Ito ang huling hantungan ng gasgas at atrasadong pamumuno ni Gloria Macapagal Arroyo. Kasabay ng kanyang papalapit na pag alis sa pwesto ayang patuloy na pagbulusok paibaba ng ating ekonomiya dahil sa pandaigdigang krisis pang pinansya.

Ngunit nakasisiguro ba tayo na basta basta na lang sya bababa sa kanyang pwesto ng walang alinlangan? May balak nga ba syang bumaba kahit na lingid sa kanyang kaalaman na oras na bumaba sya ay kakaharapin nya ang mga di-mabilang na anomalyang kanyang kinasangkutan?

Tulad ng “Hello Garci Scandal”, “NBN-ZTE Deal” at ang pinaka mainit ngayon : Ang PHP728M Fertilizer Scam kung saan ang perang napunta sana sa mga magsasaka ay walang pakundangang ginamit ni Arroyo noong 2004 elections. Idagdag pa dyan ang mga di mabilang bilang na kaso sa paglaban sa karapatang pantao, pagpaslang sa mga aktibista, enforced disappearances(desaparecidos) o sapilitang pagdukot at iba pa. Lahat ng anomalyang yan idagdag pa ang kolektibong galit at poot ng milyon milyong masang anakpawis na kahit kailan ay hindi naramdaman ang sinasabing “Ramdam ang Kaunlaran” ng kanyang gobyerno.

Kaya nga ba nyang harapin ang lahat ng ito? Sa tingin ko ay hindi. Dahil sa bigat ng kasalanan nya sa taong bayan ay pagbabang pagbaba nya pa lang sa pwesto ay sa kulungan na dapat agad ang bagsak nya. Kaya naman pinipilit nya paring isulong ang “ChaCha” o Charter Change, kung saan hindi nya lang mapapalitan ng isang mas atrasadong lipunan ang bulok nang umiiral na sistema, kungdi ay magiging dahilan rin ito ng ekstensyon ng kanyang termino na lalampas sa inaasahang exit nya sa 2010. Kahit na ilang beses na syang nabigo sa pagsulong sa ChaCha sa anyo ng pagkabasura sa Constitutional Assembly(ConAss) at ang mapanlinlang na Memorandum of Agreement on Ancestral Domain(MOA-AD), ay nanganganib paring maipasa ito dahil sa pursigidong pagkilos nya at kanyang mga alipores sa pagsulong sa ChaCha sa pagpasok ng 2009. At kasabay ng pagsulong sa ChaCha ay ang pagdurog sa mga progresibong organisasyong tumututol dito sa pamamagitan ng mas pina igting na dahas at pasismo.

Ngunit tayong mga kabataan ay hindi dapat matakot sa kamay na bakal g pasistang lider. Bagkus, gawin nating itong kasangkapan para lalong lumaban, tumutol at ipakita ang disgusto sa kasalukuyang rehimen.

Tayong mga kabataan ang dapat na pangunahing nakikialam at sumasama para baguhin ang bulok na sistema : Dahil tayo rin naman ang makikinabang nito sa hinaharap.

Tayong mga kabataan ay hindi dapat nagkakasya sa apat na sulok lang ng ating paaralan. Dapat tayong lumahik at maging mulat sa ating lipunan.

Tayong mga kabataan ay hindi dapat palagi nalang nakukulong sa pagiging makasarili at walang pakialam.

Tayong mga kabataan ay dapat lumabas at magtungo sa lansangan upang isigaw ang ating pag giit sa karapatan at pagbabago. At magkaisang hindi na dapat paabutin ang 2010 bago mapatalsik ang puppet, reaksyunaryo at pekeng pangulo na si Gloria Macapagal Arroyo.

Panawagan ng mga estudyante : Walk Out sa Klase!

Defy Gloria’s Tyranny! Defy Charter Change!

Irehistro ang inyong mga unibersidad! Dumalo at magpadalo sa walk out.

November25 : Youth Gathering for Change “Red Shirt Day” – UST 11am

December02 : Urban Poor’s DAy – Welcome Rotondo 11am

ANAKBAYAN, KARATULA, LFS – JRU