from Rep. Mong Palatino: “as of yesterday, kabataan partylist already has 417,000 votes. salamat po. we only received 220,000 votes in 2007” || Gusto mong sumali? Mag-apply sa kabataanpartylist.com/join

-Mula sa official Facebook ng Kabataan Partylist

Sa mga oras na binabasa nyo to; ay ilang araw nang tapos ang pambansang halalan ng 2010. Muli, ang mga pampulitikang pwersa sa bansa ay nabalasa; marami ang nawala sa kapangyarihan at marami rin ang nanalo. Bagaman natalo ang ating dalawang progresibong senador, hindi naman ako ganun nalungkot dahil nakapasok padin naman ang ating mga progresibong Partylist – Isa nga dyan ang Kabataan partylist.

Ngunit dapat pakatandaan : Ang pagkapanalo ng ating mga Partylist sa Kongreso ay, oo, makakapagbigay ng malaking ganansya at tulong sa mamamayan. Pero dapat pakatandaan din, ayon nga kay Teo Marasigan : Walang Ilusyon sa Eleksyon.

Ang mga larawan sa baba ay galing sa aking kolektib kung saan nakapag imbak sya kahit papano ng ilang mga alala nitong nakaraang elektoral na kampanya.

Maraming salamat! At magandang umaga!

Advertisements

Kape, Ala una ng madaling araw, at ilang alaala ng katatapos lang na elektoral na kampanya

Isang mainit na kape sa kalagitnaan ng madaling araw dito sa aming bahay. Pagkatapos ng matagal na panahon ay ngayon ko lang ulit naranasan ito.

Kung itatanong kung bakit ngayon lang ulit ay kailangang sariwain ko ang mga naganap nitong mga nakaraang buwan. Kung saan para sakin na unang beses na sumabak sa elektoral na kampanya, ay masasabi kong naging mahirap at masalimuot ng ginawa naming pangangampanya; While at the same time masasabi ko ring naging napakasaya din naming lahat sa gitna ng hirap at salimuot na dala ng elektoral na kampanya.

Mahirap at masalimuot dahil napakarami kaming bagay na isinakripisyo para lamang makapag kampanya ng puspusan. Nandyan, pangunahin, ang pansamantalang pag alis muna namin sa sari-sarili naming mga tahanan para sumentro sa HQ ng Kabataan Partylist sa Kamuning. Nangahulugan ito ng pansamantala naming pagkakalayo sa aming mga pamilya, pero ang dinatnan naman namin sa HQ ay matatawag ding isang pamilya : isang napakalaki at masayang pamilya na nabubuhay sa konsepto ng kolektibong pamumuhay. Sa pamamalagi ko sa HQ ng mahigit isang buwan ay mas lalo kong nakilala ang mga katulad kong aktibista na palagi ko lang dati nakikita sa mob.

At syempre, mas lalo ko ring nakilala ang mga kolektib ko. Hindi kalakihan ang bilang namin, pero kahit na manipis kami, masasabi ko namang sa paglahok namin sa eleksyong ito ay ibinigay naman namin ang aming makakaya. Although may mga pagkakataong di nagkakaintindihan, mas nanaig padin ang aming kolektibong hangarin na ipanalo ang ating Partylist at dalawang senatoriable.

Bukod sa pansamantalang pag alis sa sarili naming mga tahanan; Kinailangan din naming mag adjust para sumabay o sumalubong sa masikhay na pangangampanya. Isa sa mga pinaka hindi ko malilimutan ay ang kada gabing OD (Oplan Dikit). Kung saan halos nilibot na namin ang lahat ng parte ng Maynila(minsan labas pa) para magdikit ng poster ng KPL at nila LM at SO. Madalas ay nagsisimula ang OD ng madaling araw na at natatapos naman ng bukang liwayway na.

Sa mga oras na to, isa ang OD sa pinaka namimiss ko(although noong mga panahong nag OOD kami ay hindi ko naisip na mami miss ko sya). Ang amoy ng gawgaw, ang mga walis at roller, ang poster ng Kabataan at ni Satur at Liza, at syempre pa, ang bagsik ng liquid sosa na minsan nang sumunog sa kanang palad ko. Napaka deserving at worthy din ng meryenda kada tapos ng OD : tasty bread at mayonaise na may kaparehang kape o kaya nama’y softdrinks. Pagkatapos na pagkatapos na kumain ay diretso tulod na. Ang iba nga minsan, sa sobrang pagod ay hindi na inaatubiling kumain, diretso tulog nalang dahil sa pagod.

Bukod sa OD’s, nariyan rin ang pangunahing sangkap para manalo sa kampanya. Ito ay ang paglubog sa mga komunidad para ikampanya at ipropaganda ang ating PL at dalawang senatoriable. matyagang pagpapaliwanag sa masa ng kahalagahan ng pagboto sa ating mga progresibong kandidato. Kahit pa minsan ay likas na katunggali and masa dahil ayaw nya sa mga kandidato ng Kaliwa. Kaakibat ng araw araw na  House to House(H2H) ay ang araw araw na pagkapagod o pagkapagal ng mga paa sa mahabang lakaran, ang pagkababad sa tirik na sikat ng araw at ang minsanang pagkaubos ng boses kakasalita at kakapaliwanag sa masa.

Napaka signipikante ng ating H2H, dahil di tulad ng mga tradisyunal na pulitiko o Trapo na dinadaan nalang sa vote buying ang lahat para manalo(tulad ng LPGMA sa aming lugar); sa H2H, nagagawa nating makipag integrate sa masa. Malaman ang pulso nya, ang kanilang pampulitikang paninindigan at higit sa lahat : kung paano sila lilinyahan ng tamang prinsipyo at ideolohiya. Sa pamamagitan ng H2H ay napaalam natin sa masa ang uri ng pagbabago na isinusulong natin.

At kaiba sa mga tradisyunal na pulitiko na ang hangad lang ay ang makaganansya ng boto..Ang ginawa nating istilo ng kampanya ay hindi lamang para ipaalam sa masa ang ating mga numero sa balota, kungdi pagbibitbit din pambansang kalagayan kung saan kahit na lumalahok tayo sa elektoral na kampanya, hindi padin natin nakakalimutang maglingkod at makisangkot sa mga isyung panlipunan.

Ang kampanyang masa ay ginagawa naman natin kahit walang eleksyon. Ngunit ang pagbibitbit ng kampanyang masa sa panahon ng eleksyon ay ang pinaka tumpak ding panahon para pag usapan ito.

Ang H2H sa buong maghapon sa komunidad at ang gabi gabing OD ay ilan lang sa mga bagay na hahanap hanapin ng katawan ko, ngayong tapos na ang elektoral na kampanya.

Pero sa pagtatapos ng araw, ang panahon lang naman ng eleksyo ang natapos at hindi ang panahon ng tuloy tuloy na pakikisangkot at pagkilos para sa batayang karapatan. Ngayong tapos na ang eleksyon ay babalik na naman tayo sa pinapakatan nating mga erya tulad ng komunidad at mga eskwelahan para patuloy na magmulat, mag organisa at mag mobilisa.

Dahil sa huli, hindi naman ang eleksyon o ang bagong pangulo ng bansa ang syang mapagpasya kungdi ang sama sama at tuloy tuloy na pagkilos, kasama ang masa, para sa pambansang demokrasya.

13May10
0258am
SORAL

Feb 25, 2010 is Blog Action Day : The real heroes of EDSA

Twenty four years ago, our people toppled a tyrant.    On February 25, 2010 let us re-tell their stories.

On Thursday, we are enjoining all young Filipinos to blog about the stories of the real heroes of EDSA: our parents, grandparents, ates and kuyas, titos and titas, ninong and ninangs.

We may have been too young then or were not even born yet, but we can ask them to recount their tales of real-life heroism to us. What prompted them to join the uprising? What were their thoughts and feelings? What did they wear, eat, chant? How did it feel to be able to be surrounded by overwhelming unity and patriotism among millions of other heroes marching in the streets on those three historic days.

Since EDSA was mainly about the people’s resistance to martial law, you can ask them their experience during the martial law era, how they fought,  even before the culmination of the people’s mass movement that was the EDSA People Power Uprising. You may also post old photos, artworks and/or anti-martial law memorabilia.

Link your blog entries to this post and grab the button below by copying the link to mark your participation. We will start posting links of entries in our website at exactly 12:00 noon on February 25.

On February 25, let us give proper honor and citation to the millions of Filipinos who made EDSA People Power possible. ###

A call to arms!

Kabataan ang pag asa ng Bayan – RIZAL
But does the youth, which Rizal says  “Pag-Asa” ng Bayan will still be the “Pag-Asa” ng Bayan if they would fail to enroll next sem because of their schools uprising trend in tuition fee?

fellow Rizalian’s!

we would like to inform you that on Feb26,2010 there will be a tuition fee consultation at Tower62, 5pm which the upcoming tuition fee increase would be discussed. we would like to ask for your sympathy against any increase on our tuition fee.

as the admin says, one of their reasons why they should increase their tuition is because of the newly acquired “Autonomous” Status of our school. wherein they say that a school with such status can no longer be bothered by CHED, specifically on tuition fee increases.

but that reasoning is not true, because, the CHED cannot intervene with JRU(w/ its Autonomous Status) on opening on new courses only. it doesnt mean that having the Autonomous Status would be their reason for any increase on our tuition.  but what’s happening is, they, the school admin – is using the school’s autonomous status to gradually increase our tuition again.

we should not confer to that. we as students, can only guard our good education by preventing such tuition fee increases. a simple logic : if the school, once again increase its tuition – that would be a burden to our parents. and  the trend of drop out rates on our university will gradually increase again. is that the quality and good education they are bragging? yes, we got “the gold standard of academic excellence”, but by what measures? by increasing tuition fee which would cause us to stop come next academic calendar 2010-2011?

we have to do something. and yes, we can do something.

we are inviting you participate on our BLACK SHIRT DAY on Febryary26, 2010 at the our school campus. and also, there will be a massive mobilization at the front of our school wherein students from different academe in Metro Manila will conduct a program as a sign of solidarity to us Rizalians.

because of our schools repressive orientation, we understand that there are some fears on your thoughts, if you cant join the mobilization at the front of our school, you can express your sympathy by wearing black shirt on that said date(Feb26). you could also watch the program at the front of our school at around 4:30 – 5:00pm.

Remember :

1.Black shirt day on Feb26 2010 as a sign of protest against our schools tuition fee increase.

2. Make the Tution Fee Consultation Public!

We would also want to tell you that the consultation that will happen on Feb26 is only limited to central student council heads and org heads. that is so few compared to the nearly 9000 students of our school. what if, all of them are biased at our schools tuition fee increase? should we be the one to carry the burden? that is why we are demanding that the tuition fee consultation should happen in a public place, somewhat like the quadrangle wherein the majority of the students wil be the audience.

lets fight the massive commercialization on our school!
let us fight against Tuition Fee and Other Increases!
Black Shirt Day on Feb26!

with solidarity,
KabataanPartylist, JRU

 

Video of the day

sarap kantahin ng paulit ulit. hehe.

Kahapon (Enero 22), ay ang ika 23 anibersaryo ng masaker sa Mendiola kung saan labing tatlong magsasaka ang namatay para sa tunay na repormang agraryo.

Pero sa kadahilanang ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makagamit ng internet(dahil sa nag vigil ako sa DAR), ay ngayon ko lang na ipublish ito.

Pasensya na kung late.

Nang minsang nagpuyat ako sa DAR…

Mag-aala singko ng umaga.

Madaling araw parin ngayon. Ngunit hindi ito ang tipikal na madaling araw na kinasanayan ko…

Naririnig ko parin ngayon ang ingay na likha nga mga sasakyang kanina pa padaan daan

Nararamdaman ko parin ang kakaibang lamig dulot ng semento na ginawang higaan.

Naamoy ko parin ang kakaibang simoy ng paligid – dulot ito marahil ng kakaibang ahitasyon sa tuwing maiisip ko na hindi ako nag iisa dito sa kalsada.

Pasado ala singko ng umaga

Nandito ako sa tapat ng Department of Agrarian Redorm – ang departamento ng gobyerno na responsable sana para sa pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo. Kasama ang libo libong magsasaka, kami ay pansamantalang natulog dito, dahil bukas ay kulminasyon na ng Mendiola Massacre.

Kung hindi mo alam kung anong meron dito….

Ito ang Lakbayan.

Ang makasaysayang Lakbayan ng mga magsasaka. Kung saan ang mga magsasaka mula sa ibat ibang rehiyon ng bansa ay nag martsa papuntang Maynila para sa lupa at Katarungan.

LUPA

…na matagal nang ipinagkait sa kanila – sa pamamagitan ng mga huwad na reporma sa lupa tulad ng CARP at CARPER.

at Katarungan

…para sa patuloy na pagdurusa nila mula sa ibat ibang rehimen. Katarungan para sa mga magsasakang naging biktima ng Masaker sa Mendioa at Hacienda Luisita.

Ito nga ang Lakbayan

Kung saan ang mga magsasaka ay hindi inalintana ang napakainit na araw, gutom, panghaharang at pandarahas ng mga pulis, – lahat ng yan para lang mairehistro nila ang kanilang demokratikong karapatan.

Ang uring magsasaka ang pinaka malaking sektor ng ating lipunan. Ngunit sa kasamaang palad ay sila pa ang pinaka napagsasamantalahan.

Ang lupang kanilang binubungkal ay iba ang nakikinabang. Ang pawis at pagod na dulot ng araw araw na pagtatanim ay kanilang tinitiis.

Ngunit bakit ang sinagot ng mga uring Panginoong May Lupa ay makauring pagsasamantala?

Sinong makaklimot sa Mendiola Massacre?


Kung saan labing tatlong magsasaka ang nagbuwis ng buhay.

Ang kanilang sinisigaw noong mga panahong ay pareho parin naman ngayon.

Tunay na repormang agraryo. Reporma sa lupa na magsisilbi sa interes ng mga magsasaka at hindi ng sa panginoong may lupa tulad ng CARP noon at CARPER ngayon.

Ngunit pasismo ang sinagot ng estado.

Enero bente dos, taong 1987.

Taon kung saan sinasabing kakapanumbalik palang ng matagal nang natulog na demokrasya dahil sa pasistang rehemeng Marcos.

Ngunit anong demokrasya ba ang nanumbalik?

Isang  demokrsya na nagsisilbi sa mga naghaharing uri?

Ngayon…

Dalawamput tatlong taon na ang nakalipas.

Ang masaker ay hindi nabaon sa limot ng mga mamamayan.

Hindi ito nag anak ng takot sa mamamayan – bagkus ay nagluwal lamang ito ng mas marami pang rebolusyunaryo para sa panlipunang pagbabago.

Nagsisimula nang magising ang mga kasama. Bukas na ang kulminasyon ng kanilang sampung araw na paglalakbay…

Dala siguro ng antok ay tahimik pa sila. Ngunit sa ating pagdaluyong mamaya sa tarangkahan ng Mendiola, tiyak kong mag iingay sila.

Malapit nang sumapit ang ala sais ng umaga.

Dito sa tabi ng DAR sa mismong araw ng komemorasyon sa Mendiola Massacre…

Nasan kaba ngayon?

Sana nandito ka…

-SORAL
22JAN10
DAR



Pages

Status

  • 19,217 hits

TULONG KABATAAN


ISANG MILYON. ISANG PANATA

TAYO ANG PAGBABAGO!


The Youth is on a Mission to Rock Philippine Politics. Be part.

no to CONASS!


2010 is nearing and as expected by many..CHACHA is now being pushed by the shameful CONASS! I would like to adress my shame to our Congressman Roman T. Romulo of Pasig for supporting the very unconstitutional CHACHA through the passing of HR 1109.

Come and join the widespread campaign of protesting against CONASS! Let us blog and post to all of our social networking sites such as Friendster, Multiply, Facebook our rage against the hasty passing of HR 1109.

-SORAL
(Image courtesy of : http://brianong.blogspot.com/)

Currently listenin’


Named after the traditional Navajo tobacco pipe given as a peace offering, PEACE PIPE arrives on scene bearing gifts: 10 songs with the same promise of their namesake to transport one from the natural world to the spectral world.
more at their MySpace : here

Blog scheds

October 2017
M T W T F S S
« May    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Top Posts