Dekada70

Ang Dekada70 ni Lualhati Bautista ang pinaka unang nobela na binasa ko at di nagtagal ay niyakap ko ng buong puso. Ito ang pinaka paborito kong akda ni Lualhati(Gapo,Bata Bata Pano ka ginawa?) dahil ang nobelang ito ang sumasalamin sa kung ano ako ngayon.

Hindi ako nabuhay sa dekadang ito. Ngunit sabi ko dati sa sarili ko “Sana nabuhay ako sa dekadang ito!” Gusto kong mabuhay sa panahong iyon hindi dahil maganda ang antas ng pamumuhay sa dekada70. Kungdi dahil sa partikular na dekadang ito..buhay na buhay at napaka aktibo pa ng mga kabataan at halos lahat ng mamamayan ay lumaban at nagbuwis ng buhay para labanas ang pasismo at represyon ng isang diktador at mga imperyalistang naghaharing uri.

Ang Dekada70 ang isa sa mga pinaka madugong dekada sa ating bansa. Marami ang naganap na patayan at pagdukot. Marami ang inabuso at umabuso. At higit sa lahat ito ang panahon kung saan ang malayang pamamahayag ay ikinulong sa isang kahon. Binusalan at minapula ang media. Pinatay ang mga mamamahayag. Dinukot ang mga aktibista. At pinatay ang lahat ng mga taong may bahid ng “subersibong kaisipan”.

Tagapagpaunang hudyat ang Dekada70 sa panibagong paggiit ng mga manunulat sa laya ng mapanlikhang imahinasyon. Sa panahon ng rehimeng Martial Law, ang imahinasyong iyan ay napilitang pailalim sa mga pagbabawal ng panahon upang magkaroon ng pagkakataong malathala ang likha ng manunulat. Sa ganyang paraan naganap ang pagpapakulong ng maraming manunulat sa mga paksang makitid kung hindi mas gasgas, palaiwas kung hindi man tahasang eskapista.

– Bienvenido Lumbera

So there you have it. Kung i dedescribe natin ang Dekada70..One word suits : Chaos. Total chaos. Ultimo mga kriminal natakot gumawa ng krimen. Ang panahon kung saan ang tanging gumagawa ng krimen at karahasan ay ang mismong estado. Sa madaling salita..monopolyado ng pasistang estado ni Marcos at ng Imperyalistang US ang pandarahas at krimen.

Siguro sa ganyan kagulong panahon ay iisipin nyo na baliw ang sinuman nanaisin na mabuhay sa dekadang iyan. Pero ako. Sana talaga naranasan kong mabuhay noong Dekada70. Sa Dekada70, namulat ang malawak na masang Pilipino na kailangan nilang ipaglaban ang kanilang karapatan. Sa Dekada 70, natuto tayong makibaka para sa pambansang demokrasya at pagkakaisa. At higit sa lahat..ang Dekada70 ang naging hudyat para wakasan ang pasista at berdugong diktaturya ni Marcos at ang kanyang Imperyalistang amo..ang US.

Noong unang beses kong nabasa ang nobelang ito ay marami akong terminolohiyang hindi maintidihan. Mga salita tulad ng pasismo,,imperyalista,,CPP-NPA,,kapitalista,, at marami pang iba. Nito ko lang napagtanto ang mga salitang iyan. At nito ko lang niyakap ng buong puso ang nobelang ito. Sa kadahilang sa yugtong ito ng buhay ko ay nararansan ko first hand kung ano at sino at kung paano ang maging isang aktibista.

Oo. Isa akong tibak. Isa akong aktibista sa panahon kung saan ang lahat ng kabataan ay nahuhumaling sa paglalaro ng DOTA. Isa akong aktibista sa panahon kung saan lahat ng tao ay nagmimistulang bulag at wala nang pakialam sa mundong ginagalawan nya. Isa akong aktibista sa panahon kung saan lahat ay Apathetic sa mga bagay na dapat pagusapan.

Oo. Kahit sa panahong ito meron parin at buhay parin kaming mga aktibista. Hanggat nandyan ang malawak na masang naapi. Hanggat may represyon at pasista. Asahan nyo hindi kami mawawala.

Ok. Bumalik tayo sa Dekada70.

Nakakalungkot isipin na para bang hindi tayo natuto sa Dekada70. Para bang dumaan lang ito sa kaliwang tenga at lumabas sa kanan.  Dahil sa Dekada70..natuto tayong lumabas sa kalye at magkaisa noong EDSA Revolution. At dahil doon napatalsik ang isang pasistang diktador. Pero mula noong EDSA..bakit patuloy parin tayo sa paglukluk ng mga tuta at pasistang lider? Bakit hindi parin natin nakikita na ang ugat lahat ng kahirapan ay ang Imperyalismo,,Burukrata Kapitalismo at Pyudalismo. King babasahin nyo (o kung nabasa nyo na) ang libro ng Dekada70.

Ikaw. Ano ang masasabi mo sa dekada na para sakin ay isa sa mga pinaka mahalagang dekada ng ating panahon? Ano ang aral na makukuha sa nakalipas na panahon sa ating kasaysayan? Bakit paulit ulit parin nating ginagawa ang mga bagay na nagpahirap sa ating mga kapatid noong Dekada70. Bakit sarado na ang mata nyo at kaisipan sa mga bagay na dapat pa nga ay pinakikialaman natin? At kung isa ka sa mga nabuhay sa Dekada70 ngunit ngayon ay wala kang pakialam..Ang tanong ko sayo eh : Bakit ka pa nabuhay noong Dekada70?

S.O.R.A.L
11:20AM
In a computer shop near my home

Advertisements

4 Responses to “Dekada70”


  1. 1 robegelie a.k.a. netaholic September 9, 2008 at 5:45 pm

    “Bakit sarado na ang mata nyo at kaisipan sa mga bagay na dapat pa nga ay pinakikialaman natin?”

    hindi naman siguro lahat ee sarado na ang isipan about these things. ^^
    ayun,
    my answer to that is:

    ako kasi, may pakialam pa rin naman ako, pero tulad ng sabi mo, mas maganda ang pamumuhay noon dekada 70 kesa ngayon, so:

    mas inu una ko ko paano ba ako mabubuhay ng hindi umaasa sa gobyerno 🙂

  2. 2 robegelie a.k.a. netaholic September 9, 2008 at 5:50 pm

    “Ano ang masasabi mo sa dekada na para sakin ay isa sa mga pinaka mahalagang dekada ng ating panahon?”

    magulo..
    but i idolized those characters in this novel because they fought for their rights. 🙂

  3. 3 aian September 10, 2008 at 5:14 am

    makikita talaga natin na sa dekadang to, hindi nageexist ang tinatawag nating “Human Rights” ..people are killed with all haste, basta maclear out lang ang mga lansangan, at matupad lang ang mga kagustuhan ng mga kurakot na nagpapayaman.

    bakit sarado ang utak ng iba?

    simple. teknolohiya. media. dota. those are the things that mislead all of us. read real news. find things out for yourself. it’s the best way to be informed. hindi tayo dapat umaasa sa gustong ipalabas ng ibang tao. dapat naghahalungkat tayo.

    anong masasabi ko sa dekada 70?

    ang masasabi ko lang.. mamumulat lang ang karamihan (at ang kabataan) kung kinakailangan. kung may urgency. kung hindi pa magkakaroon ng ganyang conflict eh hindi sila kikilos.. hindi ba?

  4. 4 jaxx February 17, 2009 at 12:36 am

    …anong masasabi mo sa mga kabataang rebelde ngayon? sila ang mga kabataan na nakikita sa mga lansangan at nakikiisa sa mga rally. may kakilala akong taong kaisa nila. nag paliwanag siya pero hindi ko pa rin maintindihan ang layunin nila. sana po sagutin niyo ang tanong ko…-jaxx.,.,


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Pages

Status

  • 19,217 hits

TULONG KABATAAN


ISANG MILYON. ISANG PANATA

TAYO ANG PAGBABAGO!


The Youth is on a Mission to Rock Philippine Politics. Be part.

no to CONASS!


2010 is nearing and as expected by many..CHACHA is now being pushed by the shameful CONASS! I would like to adress my shame to our Congressman Roman T. Romulo of Pasig for supporting the very unconstitutional CHACHA through the passing of HR 1109.

Come and join the widespread campaign of protesting against CONASS! Let us blog and post to all of our social networking sites such as Friendster, Multiply, Facebook our rage against the hasty passing of HR 1109.

-SORAL
(Image courtesy of : http://brianong.blogspot.com/)

Currently listenin’


Named after the traditional Navajo tobacco pipe given as a peace offering, PEACE PIPE arrives on scene bearing gifts: 10 songs with the same promise of their namesake to transport one from the natural world to the spectral world.
more at their MySpace : here

Blog scheds

September 2008
M T W T F S S
« Aug   Oct »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Top Posts


%d bloggers like this: