Archive for February, 2009

Protected: Asterisk*

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Advertisements

These Days…

Pardon me,

For these are the days where I am filled with so many questions.

These are also the days where I feel so confused, backward and hopeless.

These are also the days of regrets, damnation, self-contradiction and solitude.

And yeah, these are also one of those days where I am so over pessimistic and downright annoying.

Pardon me,

But I cant just help it. For there are shitloads of things cloudin’ up my mind. Most of em’ worthless, while some are worth pinderin’ of.

But at the very core of me lies something I cant fully comprehend. A feeling I longed for a long time, while at the same time, a feeling I want to vanish right at this very moment.

But I cant imagine what would happen to this already-messed-up-existence, if this feeling(which is the source of my temporary bliss) also disappeared?

Pardon me,

For I hate to break it to you but…

This “feeling” is also a “someone”.

And that someone,(which I just stupidly realized just now)

was YOU.

-SORAL
280209 – 0430AM

Ang dahilan ng malalaking eyebags, paghikab at pamumula ng mata habang naglalaho ang aking unti unti nang nasisirang katinuan. *

Alas dos ng madaling araw. Hindi na iba sakin na abutin ng ganyang oras na gising pa. Ang totoo nyan, maaga pa nga para sa akin ang alas dos. Natural na lang sa akin na matulog ng kahit hanggang alas singko ng umaga. Mainet na kape, ang mahimbing na tulog ni Papa at ng dalawa kong kapatid, makukulit na lamok at ako na dilat na dilat pa ang mga mata, pagal nang mga utak kakaisip at malapit nang masirang katinuan. Ito ang tipikal na eksena dito sa amin tuwing madaling araw. Idagdag pa ang nakakababasag na katahimikan kung saan ang tunog na likha lang ng elctric fan at ng makukulit na lamok lamang ang ingay namaririnig mo.

Siguroy nakakatuwang isipin, pero  para sa akin ay sa mga sandaling ito lang ako nakahahanap ng panandaliang kapayapaan sa sarili ko. Madalas ay hinahayaan kong mamatay ang oras sa pamamagitan ng pagsusulat ng kung ano anong mga bagay, karamihan ay mga bagay na walang konsepto at hindi mo alam kung may pupuntahan(o katuturan) nga ba? (katulad ng mismong entry na to’).

Ngunit hindi lamang sa pagsusulat palagi nauuwi ang pagpupuyat ko. May mga pagkakataong inaatake ako ng katakawan kaya nag fu-food trip na lang ako. Madalas ay ang napagdidiskitahan ko ay ang tirang pagkain namin para sa hapunan, kung wala naman ay nagluluto ako ng pansit canton(ung hot and spicy).

Pero nitong mga nakaraang linggo at buwan, nakasanayan ko nang magpuyat sa wala. As in wala. Literal na nakaupo lang o naka higa habang nagiisip ng malalim. Kung ano ang aking iniisip? Ang sagot ay marami. At ang mga bagay (o tao) na ito ang kriminal na dapat sisihin sa aking malalaking eyebags, paghikab at kung bakit pasado ng alas dose ng tanghali na naman ako magigising mamaya at kung bakit pasado alas singko na naman ako matutulog ngayong araw na to.

Kontradiksyon sa sarili. Isa sa mga bagay sa aking isipan na matagal tagal ko naring pinagpupuyatan. Madalas kong maisip kung ano nga ba talaga ang gusto ko sa buhay. Kung kailan ako makakawala mula sa pagkakaalipin ko sa mga bagay na nakasanayan ko nang gawin. Kung kailan ako makakatawid sa mga linyang pumipigil sa akin para gawin ang gusto ko. At kung kailan at kung paano ako makukuntento sa buhay ko. Dahil sa ngayon..Hindi ako kuntento sa buhay ko. Maging sa sarili’t pagkatao ko.

Panghihinayang sa ilang bagay(at tao). Madalas ko ring maisip kung ano kayat ginawa ko o di ginawa ang isang bagay? Dahil sa totoo lang : nabubuhay ako ng palaging may panghihinayang. Ang masama pa nito, karamihan sa mga bagay na ito’y di na mababago pa. May mga pagkakataon sa buhay na kapag nasimulan mo nang gawin ay hindi kana makakabalik o makakalingon man lang sa likod. Meron ngang nagsabing : Ang tamang bagay at panahon ay wala na ring saysay kapag wala na ang tamang tao. Ang tao pwedeng mag adjust. Pero ang bagay at panahon hindi.

Ang nakababagot ngunit di mabitawang PAGHIHINTAY. Kahit na alam kong mahirap at nakakainip ang maghintay..Isa parin ito sa mga bagay na pinaka gusto kong panghawakan sa ngayon. Kahit na di ko talaga sigurado kung may pupuntahan ba talaga ang paghihintay na to. Sa lahat ng naghihintay : Wag maging mainipin.

Ilusyon. Masarap tumakas sa masaklap na realidad paminsan minsan. Pagkakataon ito upang pansamantalang kalimutan ang ilang masasalimuot na pangyayari. Binibigyan din ako nito ng pansamantalang pag asa na magkakatotoo ang isang ilusyon. Ngunit pagkatapos ay babalik at babalik din ako sa totoong buhay. Sa masaklap na realidad. Pero libre lang naman mangarap diba? Haha.

Pagmamhal. Maka ilang beses ko na rin sinubukang balewalain ang salitang yan. Ngunit di ko alam na tatamaan pala ako nito ng matindi na parang isang hagupit. At ang salitang iyan ang dahilan ng aking ilusyon at kung bakit ako nagiintay. Sa totoo lang : Ang salitang ito ang pinaka gusto kong mawala habang ito rin naman ang pinaka gusto kong maranasan. Ngunit dahil sa kasalukuyang sitwasyon ngayon..wala akong magagawa kungdi balewalain ito ng pansamantala. Just for now. *sigh*

Lahat ng bagay na aking nabanggit  sa itaas at kasama ng isang mainit na kape o tsokolate, ang mga dahilan ng malalaking eyebags, paghikab at pamumula ng mata habang naglalaho ang aking unti unti nang nasisirang katinuan.

Bilang pagtatapos ay nais kong hilingin na naway magising ako ng maaga mamaya. Dahilo may lakad ako mamaya, at kahit na puyat ay kailangan kong puntahan ang aking mga kolektib sa JRU. Mornyt!

– SORAL
0533AM/021609
*Habang naghihintay dalawin ng antok*

*Para sa mga taong mahilig uminom ng mainet na kape o tsokolate sa kalagitnaan ng madaling araw.

Protected: Minsanang katapatan.

This content is password protected. To view it please enter your password below:

keep your coins. WE NEED CHANGE!

 

changeMarahil ay lingid sa atin na merong “Financial Crisis” na kinakaharap ngayon, hindi lang sa malalaking bansa tulad ng US kungdi ng buong mundo Ngunit kahit na anong mga artipisyal at panandaliang solusyon ang ginagawa dito ay hindi parin maitatago ang pagsasara at pagkalugi ng malalaking kumpanya kabilang dito ang tatlong dambuhalang automotive companies sa US : ang FORD, CHRYSLER at ang GENERAL MOTORS na pinakahuling nagpahayag ng pagka-bankrusy. Mahigit 100 sangay narin ng Starbucks ang nagsara sa US noong Nobyembre pa lamang. Sa European Union tinatayang malakihang tanggalan ng trabago sa North Eastern England, sa Germany may 10-15% ang inaasahang mawalan ng trabaho sa mga automative companies. Kaya hindi natin ikagugulat kung bakit libo-libong mga Overseas Filipino Workers ang nagsisiuwian sa Pilipinas. Tinatantyang mas malala pa ito kaysa sa nangyaring Great Depression noong late 1920-1930’s itoy ayon narin sa mga financial analysis ng ibat ibang bansa. Kung ating susuriin ito’y nagsimula pa sa high-tech bubbles sa Amerika noong 1995 na kung saan ang pagiinvest sa teknolohiya at internet bilang isang uri ng negosyo na tumatagal lang ng 5taon at tuluyang pagkalugi. Sinundan naman ito ng sinasabing Subprime Mortage/Housing bubbles at ang pagkalugi at pagsasara ng Wall Street Investment Bank Lehman Brothers. Malawakan narin ang pagsasara ng kumpanya at tanggalan ng mga manggagawa sa loob ng ating bansa. Isa na rito ang pagsasara ng INTEL Corp. Isa sa pinakamalaking pagawaan ng computer chip sa buong mundo. Dahil sa pagsasara ng kanilang plata sa Malaysia, Philippines at United States, mahigit 60,ooo I.T employers ang tinatayang mawawalan ng trabaho sa Pilipinas at kasabay din nito ay ang pagsasara narin ng mga Call Center sa ating bansa. Hindi ligtas sa krisis ang mga kabataan at estudyante, dahil gaganapin nanaman ang Tuition Deliberation ng mga pribadong paaralan sa buwan ng Pebrero at lubos na magpapahirap ito sa mga kabataang estudyante dahil ipipilit ng mga edukador kapitalista ang pagtataas ng tuition at kung hindi man ay pagdagdag at pagtaas sa mga miscellaneous fees at pagpasok ng mga bagong kurikulum. Inaasahan pa sa taong 2010 ay magiging limang taon na ang ilalagi ng mga estudyante sa kolehiyo sa kabila nang walang kasiguraduhan kung meron pabang trabahong makukuha ang mga estudyante sa kanilang pagtatapos. Nariyan din ang pagabanduna ng gobyerno sa mga State University at Colleges.

Ngunit sa kabila ng Global Recession at malawakang pagsasara at tanggalan ng manggagawa sa mga malalaking kumpanya sa ibat ibang bansa nananatiling kimi ang ating gobyerno at tinatago ang katotohanan na ang Pilipinas ay direktang naapektuhan sa krisis pampinansya. Ganon din wala pang magagawa ang gobyernong Macapagal-Arroyo sa trabahong ipinangako niya sa bawat State of the Nation Address na kanyang inilulunsad. Ginagawang kasangkapan ni Gloria Macapagal Arroyo ang matinding krisis sa ekonomiya para igiit ang ChaCha para sa pagpapanatili ng kanyang posisyon sa kabila ng pagkadiskuntento sa kanya ng taong bayan. Kamakailan lang tumambad sa publiko ang pakanang pagpapatalsik kay Supreme Court Chief Justice Reynato Puno ng mga kaalyado ni Arroyo sa Senado at pagpapabalik ng mga retired General sa mga bago nitong ahensya para sa pagpapaibayo ng kanyang pasismo.

Malaki ang papel ng kabataan at estudyante sa mga usapin na kinakaharap ng ating bansa bilang susunod na henerasyon. Pinatunayan na ng kasaysayan ang mahalagang papel ng kabataan para sa hinahangad na pagbabago ng ating bansa. Kailangan nang palitan ang isang lipunang nabubulok. Palitan ng isang matatag at nagtataguyod sa interes ng mamamayan at ito ay ang sosyalistang lipunan!

Sumama sa pagkilos ng kabataan at estudyante tugon sa lumalala at nabubulok na krisis na kinakaharap ng ating bansa!

February 5 2009 – Teach-In Mob@ Plaza Miranda 1PM RED SHIRT DAY!(hingil sa krisis na kinakaharap ng mala-kolonyal at mala-pyudal na bansa tulad ng Pilipinas.)

Ang Kabataan ang PAG-ASA ng BAYAN!

Labanan ang lumalala at nabubulok na sistema ng ating lipunan!

Confront the Crisis, Campaign for Change!

Papet, Pasista, Pahirap sa Masa. Patalsikin si Gloria

League of Filipino Students – ANAKBAYAN – KARATULA

pls contact this # 09238137997 or send your email at tres__zeta@yahoo.com if interested

 


Pages

Status

  • 19,217 hits

TULONG KABATAAN


ISANG MILYON. ISANG PANATA

TAYO ANG PAGBABAGO!


The Youth is on a Mission to Rock Philippine Politics. Be part.

no to CONASS!


2010 is nearing and as expected by many..CHACHA is now being pushed by the shameful CONASS! I would like to adress my shame to our Congressman Roman T. Romulo of Pasig for supporting the very unconstitutional CHACHA through the passing of HR 1109.

Come and join the widespread campaign of protesting against CONASS! Let us blog and post to all of our social networking sites such as Friendster, Multiply, Facebook our rage against the hasty passing of HR 1109.

-SORAL
(Image courtesy of : http://brianong.blogspot.com/)

Currently listenin’


Named after the traditional Navajo tobacco pipe given as a peace offering, PEACE PIPE arrives on scene bearing gifts: 10 songs with the same promise of their namesake to transport one from the natural world to the spectral world.
more at their MySpace : here

Blog scheds

February 2009
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
232425262728  

Top Posts