Archive for August, 2009

Kung bakit napaka baba na naman ng moral ko ngayon.

Hindi ko talaga alam kung paano sisimulan ito. Hindi rin malinaw sakin kung paano ito tatapusin. Na para bang nawala na naman lahat ng lohika ko at hindi ako makapag isip ng maayos. Ewan. Epekto siguro ng kasalukuyang iniisip ko. Kung ano ito ay hindi ko sigurado kung paano sasabihin. Lalo na sayo. Pero nandito kana rin naman kaya wala na akong magagawa.

Ganto kasi yun. Sampung buwan na ang nakakaraan ay nagkaroon ako ng isang infatuation(paghanga) sa isang tao. Pero dahil siguro sandali lang sya namalagi sa Manila + nahulog ako sa iba ay naglaho rin agad ang nararamdaman kong infatuation. At nang mga oras na yon ay sising sisi nga ako sa sarili ko dahil nakaalis na sya’t lahat ay hindi ko man lang nasabi iyon sa kanya. Na para sakin ay napaka lamya(lame).

Pagkatapos ay humayo kami sa sarili naming mga buhay. Nanatili kaming magkaibigan. Magkaibigan hindi sa antas na sobrang kilala at kabisado na namin ang isat isa kungdi antas “acquaintance” lang. Tung tipong kakamustahan  at kabalitaan lang. Dumaan din kami sa magkahiwalay na pagkabigo sa pagsubok na sumaya ngunit nanatili parin ang antas acquaintance na pagkakaibigan namin.

Hanggang sa wakas ay nagkaroon uli kami ng tyansa para magkasama. At nang mismong oras na yon ay parang kabute na bumalik ang akala-koy-naglaho-nang-infatuation. Isang bagay na nakakainis at nakakatawa sa parehong pagkakataon. Nakakainis dahil pakiramdam ko na naman ay nakalambitin sa isang mataas na bangin(kahit na hindi ko pa talaga yan nararanasan literally). Nakakawatawa dahil para akong sira ulo na bigla na lang napapangiti kapag naaalala ko sya.(Isang malinaw na manipestasyon ng pagiging praning)

Ayon sa istorikong materyalismo : Walang bagay na basta basta na lang sumusulpot.Bago umusbong ang isang bagay ay mayroon munang materyal na kondisyon kung bakit ito naganap. Kung gagawin kong halimbawa ang problema ko ngayon ay ganto ang magiging itsura : Hindi  basta basta na lang lumitaw ang infatuation ko sa kanya; ang kanyang witty at provoking(dahil palagi akong napapaisip tuwing katalakayan ko sya) personality ang nag create ng material condition para magustuhan ko sya. Sa parehong paraang kaya siguro napaka baba ng aking moral(self esteem) ngayon. Ang pagiging late bloomer(mabagal) ko ang naging dahilan kung bakit nawala na naman ang tyansa ko na sabihin sa kanya ang lahat. Kung bakit ba palagi nalang ako wala sa timing..ay hindi ko rin alam.

kelan ko kaya to magagawa sa kanya? haha

Ganto kasi yun. Siguro ay lalabas na napaka suhetibo(subjective) ko kung sasabihin kong dahil lang sa aking kutob(instinct) ay alam ko na mayroon na syang KR(Ka Relasyon) ngayon. Parang ang sarap iuntog ng ulo ko sa peder dahil sumablay na naman ako sa pangalawang pagkakataon.

Ang isa ko pang kinatatakutan ay baka mag create ang infatuation ko ng panibagong material condition para maging dahilan ng pagkasira ng aming magandang pagkakaibigan. Hindi na bago sakin ang ganyang mga tagpo dahil nasaksihan ko na noon kung paano masira ang pagkakaibigan ng dalawang indibidwal dahil sa ginusto ng isa na tawirin ang linya na hindi naman dapat tawirin sa pagitan nila.

Kaya siguro tama narin ang desisyon ko na umiwas nalang muna. Sa pagkakataong ito ay pinili kong maging konserbatibo(play safe) kaysa pagiging adbenturismo(risk taker). At tsaka masyado pa naman talagang maaga para sabihing nahuhulog na talaga ako sa kanya. Sabi ko nga..infatuation o paghanga palang ito. Pero diba lahat naman ay nagsisimula muna sa paghanga? Pagkatapos ay magkakaroon ng material condition kung saan aangat ito sa mas mataas na lebel.

Pero sa ngayon : hahayaan ko na lang muna ito at magiging kontento na lang muna sa paghigop ng mainit na kape. Pangalawang refill ko na pala ito para sa madaling araw. Ramdam ko na ang tadyak ng kape. Malamang sa malamang ay hindi na naman ako makakatulog nito.

Tama! Siguro ay magpapabangag na lang muna ako sa kape habang naghihintay. Sabi nga ng isang kolektib :  MAHALIN ANG PAGHIHINTAY.

-SORAL
081809/0315AM

*

Sa wakas matapos ang isang dekada ay natapos ko na rin ang blog post ko para sa yumao nang lider ng bansa. Si Tita Cory. Gusto kong magpasalamat sa blog post na makailang ulit kong binalikan para humalaw ng ideya. Ang skeptism ni kapirasongmantika ay nagbigay sakin ng dahilan para mapaisip na oo, mali na ilagay si Tita Cory sa pedestal na kinalalagyan nya ngayon dahil sa anti-mamamayan na mga panukala na naisabatas noong kanyang termino. Ang lively debate naman sa blog ni kapirasongkritika ang nakapag paintindi sakin na hindi sapat na ipaalala lang sa masa ang mga negatibong pangyayari noong panahon ni Tita Cory. Dapat ay linyahan natin ang masa : Mula sa kanilang simpatya kay Tita Cory tungo sa mas progresibong linya. Ang unang larawan sa baba ay galing sa PinoyWeekly at ang natirang dalawa ay mula sa Time na una ko namang nakita sa blog ni kapirasongkritika. Salamat! Madami talaga akong natutunan.

—–

Ang blog post naman sa itaas ay produkto ng dalawang refill ng matapang at mainit na kape kaninang madaling araw at ng pagkalito sa isang partikular na bagay. Isang bagay kung saan palagian nalang nauuwi sa pagiging atrasado ko at marupok.

Marupok dahil hindi ko alam kung bakit pati ang historical materialism ni Karl Marx ay ginamit ko sa pagsusuri sa aking problema sa pagibig. Kaya pasensya na po ng marami. Masyado lang lumipad ang utak ko kaninang madaling araw. At siguro ay dahil narin sa padyak(sipa) ng dalawang kape kaya hindi na ako nakapag isip ng maayos.

Si Tita Cory.

August 01, 2009. Tuluyan na ngang namaalam ang naging unang babaing Presidente ng Pilipinas. Si Corazon Aquino o mas kilala sa tawag na “Tita Cory” ng mamamayang Pilipino. Si Tita Cory na masasabi nating naginbg pinaka popular na lider ng ating panahon. Isang lider na tinangkilik ng masa. Si Tita Cory na di-umanoy nagbalik ng demokrasya sa ating bansa.

Si Tita Cory ang nagsilbing pigura(figure) at icon(simbolo) para sa mga mamamayan nang mamatay ang kanyang asawang si Ninoy. Si Tita Cory na kahit walang kaalaman at hilig sa pulitika ay nangahas parin na mamuno at lumaban kay Marcos at sa kanyang pasistang rehimen. Sa kanyang paglaban kay Marcos(habang nasa likod nya ang suporta ng malawak na mamamayan) ay nakamit ang inaasanm na tagumpay sa pamamagitan ng mapayapang People Power Revolution sa EDSA noong Pebrero ng 1986.

Ang kaibahan ni Tita Cory sa mga naging lider ng ating bansa.

Kahit na nangingibabaw sa akin ang mga trahedyang mga naganap noong syay namumuno ay hindi parin maikakaila na sa lahat ng naging Presidente ay sya ang pinaka hindi corrupt. (siguro ay dahil hindi na nya kailangang mangurakot dahil sya ay nagmula sa naghaharing uri) Ayon sa Philippine Center for Investigative Journalism umangat lamang ng (around)4% ang kanyang yaman nang syang nanungkulan bilang Presidente mula 1986 hanggang 1992.

Isa pang kakaibang katangian nya ay ang pagiging madasalin. Kung sabagay..wala naman talaga sa plano nya ang maging isang Presidente. Nakasanayan nya ang pagdarasal mula pa noon. Bagay naman na mas lalong nakapag pahakot ng kanyang popularidad dahil karamihan din naman ng mga Pilipino ay relihiyoso.

Ngunit ang pinaka tampok na nagustuhan ko sa kanya ay ang hindi pagka ganid sa kapangyarihan. Sa pagbabasa ko sa mga tribute para sa kanya mula sa mga pahayagan ay nalaman ko ang ginawa nyang pagtanggi nang minsang udyukan syang tumakbo mula para sa isa pang panibagong termino noong 1992 elections. Kung tutuusin ay pwede syang pumayag dahil alam nyang marami paring suporta ang makukuha nya sa malawak na mamamayan. Ngunit tinanggihan nya ito at tinawag iyon na isang “kahangalan”. Bagkus ay nagtalaga pa sya ng isang transition team upang maayos na mailipat ang kapangyarihan sa kung sino man ang mananalo sa eleksyon. Isang magandang halimbawa ng isang lider na hindi nagawa ng kasalukuyang Pangulo.

At ang isa pang magandang katangian ni Tita Cory ay hindi sya tumigil sa paglilingkod sa sambayanan kahit pa natapos na ang termino nya. Aktibo parin syang lumalahok sa mga kilos protesta kung kinakailangan. Matatandaang isa sya sa mga pangunahing personahe na nanawagan sa pagbaba sa pagka pangulo ni Erap. At nito lang ay nanawagan narin sya sa pagbaba ng kasalukuyang Presidente dahil sa kanyang pagkasangkot sa patong patong na anomalya tulad ng Hello Garci Scandal, Fertilizer Scam at NBN-ZTE Deal.

Ang mga larawan kung saan kasama ni Tita Cory ang masa sa mga kilos protesta(sa aking opinyon) ang lalong naghihiwalay sa kanya sa ibang mga naging Presidente(Isang halimbawa ang isang lider na nakahiwalay sa masa sa pamamagitan ng mga barbed wires at riot police). Si Tita Cory kaisa ang mga mamamayan ay isang imahe na lalong nagpapatingkad at nagaangat sa kanya.

Si Tita Cory sa pedestal.

Dahil siguro sa pagiging popular ay hindi na naiwasan ang labis (exxagerated) na paglagay kay Tita Cory sa pinaka mataas na pamantayan o paglagay sa kanya sa isang pedestal. Kasunod ng kanyang pagpanaw ay paglabas ng ibat ibang panukala bilang parangal sa kanya. Mga panukala tulad ng paglalagay sa kanya sa tabi ng kanyang yumaong asawa sa 500peso bill, ang pagpapangalan ng mga landmark tulad ng paaralan at kalye at maging ang panukalang gawin syang isang santa.

Mga parangal na para sa karamihan ay tama at nararapat na sa palagay ko ay hindi naman kinakailangan. Dahil lumalabas na ang tingin natin kay Tita Cory ay sya lang ang dahilan ng pagtatagumpay ng People Power, na para sa akin ay mali. Dahil si Tita Cory; na isa lamang indibidwal ay hindi magwawagi kung wala ang sama sama at kolektibong pagkilos ng mamamayan. Para sa akin ay dapat na pantay lang ang rekognisyong ibinibigay natin kay Tita Cory sa rekognisyong dapat ibigay sa mamamayan.Bagaman pwede nating sabihing sya ang naging pinaka mabait na Presidentel ay ibig nang sabihin na naging perpekto na ang kanyang pamumuno.

Si Tita Cory at ang mga trahedya ng kanyang rehimen.

Ilan sa masasabing kamalian sa panahon ng pamumuno ni Tita Cory bilang Presidente ay ang Mendiola Massacre, ang pagsasabatas sa pekeng reporma sa lupa o CARP, ang pagsasabatas ng Herrera Bill na pumipigil sa manggagawa sa pag-uunyon, at nito lamang 2004 : Ang Hacienda Luisita Massacre.

Para sa akin, ang pinaka nakakalungkot na trahedya ay ang naganap na masaker sa Mendiola kung saan 13magsasaka ang walang habas na pinaputukan ng mga authoridad sa makasaysayang pook ng Mendiola noong January 22, 1987. Walang ibang hinangad ang mga magsasaka kungdi ang pagbasura sa pekeng repormang agraryo o CARP at ibigay ang tunay na repormang agraryo na magsisilbi sa interes ng malawak na magsasaka at hindi sa iilang makapangyarihgang panginoong maylupa. Pero naging mapanupil ng authoridad. Humantong sa isang masaker ang lahat na nagiwan sa madami ng takot at hinagpis. Walang dala ang mga magsasaka noong araw na iyon kungdi ang kanilang batayang karapatan ngunit bala ang sinagot ng mga may kapangyarihan.

Ang Mendiola Massacre ay ilan lamang sa mga bagay na ikinalulungkot ko ay nangyari sa panahon nya. Sa panahong sinasabing naibalik na ang demokrasya. Sa panahong sinasabing lahat ay malaya na. Ngunit ang lahat ng iyon ay isa lamang ilusyon. Halos wala paring nagbago. Yumayaman parin ang mga mayayaman at lalong naghihirap naman ang mga mamamayan. Marahil ay hindi dapat isisi ang lahat kay Tita Cory, mas dapat sigurong sisihin ang bulok na sistemang umiiral sa ating lipunan na magpasa hanggang ngayon ay umiiral parin. At kahit sinong pangulo ang humalili sa pwesto ay mananatili paring napaka atrasado ng lipunan hanggat hindi nagkakaroon ng isang radikal na pagbabago.

Kung ako ang tatanungin ay hindi siguro ginusto ni Tita Cory ang nagyaring masaker sa Mendiola. Naging biktima lang sya ng sitwasyon-o ng umiiral na sistema. Ang masasabing ugat ng lahat ay ang pagsasabatas ng CARP kung saan nagsilbi lang naman sa interes ng mga Panginoong May Lupa at mga naghaharing uri-ang uring pinagmulan ni Tita Cory bilang isang Cojuangco.

Siguro ay hindi na natin muli matatanong kay Tita Cory ang kanyang opinyon hindil sa mga nangyari noong kanyang termino. Pero hindi tama na basta nalang natin kalimutan ang mga nangyari kahapon. Ang Mendiola Massacre, kasama ang patayan sa Hacienda Luisita ay ilan sa mga bagay na pilit kinakalimutan ; hindi lang sa panig ng estado kungdi pati ng mga mamamayan. Lalo pat kamatayan nya ngayon. Ngunit hindi ko napigilang ipaalala ang mga bagay na ito dahil parte parin ito ng kasaysayan at kailangan nating matuto mula dito.  Ang mga multo ng kanyang rehemen ay talagang mahirap dalhin.  Kaya siguro hindi na nya hinangad na manungkulan pa sa pangalawang pagkakataon. Kaya siguro lumagay na lang sya sa simpleng pamumuhay : malayo sa gulo at pulitika. Kung nagkamali man sya ay matagal na nya sigurong pinagsisihan. Sihuro ay naisip nyang marami parin ang dapat magbago pagkatapos ng People Power1 at pagkatapos ng kanyang termino. Iyon siguro ang nagtulak sa kanya upang makiisa parin sa mga mamamayan sa pagpapaalis kay Erap at siguro hanggang sa huli ay nananawagan sya pati narin sa pagbaba sa pwesto ng kasalukuyang Pangulo.

Linya.

Kaya ano nga ba ang magiging silbi ng mga parangal na yan kung mananatili paring atrasado ang lipunan? Para lang alalahanin sya at pagkatapos ay tapos na? Magagaya na lang ba sya sa mga bayaning naaalala lang natin dahil sa nakalagay sa ating salapi ang mga muka nila? Magkakasya na lang ba tayo sa pagsariwa sa kanyang mga ipinamalas noong syay mabubuhay pa? Bakit hindi kaya gayahin natin o mas maganda ay higitan pa ang kanyang mga nagawa?

Kilala natin si Tita Cory sa pagiging simple. Sa tingin natin matutuwa ba sya sa mga eksaheradong mga papuri? Siguro ay matutuwa sya kung ipagpapatuloy natin ang labang sinimulan nya. Siguro ay matutuwa sya kapag nakita nya ang isang larawan ng sama samang pagkilos para sa isang pagbabago. Tandaan natin hindi sa magagarbong bulwagan ng Kongreso at Senado napatalsik ang nakaraang dalawang corrupt na lider kungdi sa lansangan. Tiyak kong matutuwa si Tita Cory kung mapapatalsik angkasalukuyang lider na namumuhay ng masagana doon sa Malacanang.

-SORAL
081509/0520AM

Caption of the day

Akala ko ay namamalikmata lang ako kanina nang magbasa ako ng dyaryo sa library ng school(JRU) kanina. Pero  totoo palang pangalan nga ng ating Presidente ang nakasulat sa photo caption ng Manila Bulletin imbes na pangalan ng dating Pangulong Corazon Aquino, dated August 06, 2009.

Isang kapuna puna ngunit kakatwa tawang typographical error ng Manila Bulletin.

Kapuna puna dahil ang Manila Bulletin ay isang malaking media machinery. Kung saan libo-libong mamamayan ang nagbabasa ng kanilang pahayagan bawat araw. Ang isang pagkakamali tulad nyan ay lilikha ng masamang imahe sa kanilang institusyon. Ano kayang tingin ng Malacanang sa pagkakamaling ito? Haha

Kakatwa naman dahil kung titignan natin : maraming mamahayag ng media na ang namatay sa rehimen ni Presidente Arroyo. At ngayon ay sa di-sinasadyang pagkakataon ay “pinatay” sya ng media sa pamamagitan ng typo na yun. XP

Napagiiwanan(na naman..)

Sa di maipaliwanag na dahilan ay nagdaan na naman ang aking blog  sa isang hiatus.  Sigh. Imagine : Isang buwan na namang na blangko ang espasyo ng blog ko. Actually, meron sana akong ipu-publish na blog post noong July 17. Isang blog post para gunitain ang isang taong anibersaryo ng pagkaka suspindi ko kasama ang 18 na kapwa estudyante sa Jose Rizal University, but came up short dahil sa napakaraming activities : both from academics and the mass movement.

Nandyan na palagi akong naghahabol ng oras dahil parati na lang akong late sa first subject ko which is ACC11(Accounting11), na sa tingin ko eh dapat ko nang i-withdraw bago pa ako i-drop ng Prof. ko na hindi ko parin kilala hanggang ngaun(Imagine : tapos na ang Prelims, d ko parin sya kilala). Sunod sunod din ang mga nagaganap na Mob(Mobilization) o pagkilos ng YS(Youth Sector) nitong mga nakaraang buwan. Pero hindi ko naman sinisisi ang pagpunta at paglahok sa mga pagkilos.   Dahil para sakin eh makatarungan naman ang aking ginagawa. Sa katunayan, kaya kong ipagpalit ang isang mataas na grado para sa pagpunta sa mga Mob. Hindi na ako magtataka kung mababa ang grado ko sa hindi-naman-ganun-kahirap na ENG11. For god’s sake! Haha. Pero kasi minsan na lang din ako makapasok sa ENG11 class ko na tuwing MWF,230-330. Haha. Hindi ko din pala kilala ung Prof. ko dun. Tsaka badtrip eh..kung magturo eh para kaming ginagawang bata? Ano kami HighSchool? Haha. Kung wala lang akong crush dun..d ko na pinasukan yun eh. Haha. Pero syempre, biro lang. Ang mahal kaya ng tuition!

Mga late na paperworks..

Syempre..una na sa listahan ko yung supposed to be blog entry ko nga para sa JRU19.  Ang dami pa ng kulang ko..Ni hindi ko pa nga napapa scan ung mga visual evedences regarding that event. Napaka comprehensive kasi ng ginagawa kong draft eh. Haha. Yun nga lang..dahil sa mapahangas kong pagandahin iyon..eh hindi ko sya agad na publish sa supposed to be date nya, which is : July17.

JRU19(Pahapyaw)

Sigh. Isang taon na din pala ung lumipas. Ang bilis ng panahon. Basta abangan nyo nalang.  Lalo na ng mga magaaral ng JRU. Kaunti lang kasi ang nakakaalam ng pangyayaring iyon ng July17. Isang araw bago ang aming Prelim exam..ay nagsagawa kami ng isang snake rally para hikayatin ang kapwa namin estudyante na sumama sa pagkilos kinabukasan, July18 para sa National WalkOut Day ng mga kabataang magaaral.

Pero wala eh. Naging marahas ang naging tugon ng Admin sa amin. At ang sumunod na nangyari? Sinuspindi ang 19 estudyante-aktibista ng JRU Admin, hindi napahintulutang kumuha ng prelim exams, hindi nakapasok ng hals dalawang linggo..na naging dahilan upang maabala ang aming klase, hindi nakasama ng field trip(eto ang badtrip! haha), at ang pinaka masaklap : Ang pagtanggal ng tuluyan sa pamamagitan ng Forced Tranfer na parusa sa apat naming kasamang sila Louie, Kester, Aica at Mike.  Isang patunay na laganap ang pasismo di lang sa labas, kungdi pati sa loob ng pamantasan. Pasismo ang pangunahing tugon laban sa mga kabataang nagbabandila ng karapatan, at nagsusulong ng pakikiaalam sa pampulitikang kalagayan ng ating bansa.

Ang problema kasi sa aking sintang paaralan, which is JoseRizalUniversity : ay halos lahat(both the students and faculy) ay masyadong passive. Yun ang wala silang pakialam sa pampulitikang kalagayan ng ating bansa. Nilalayo nila ang mga estudyante sa mga progressive theory at idealism. “Mag aral na lang kayo”. Yan ang palagi nilang sinasabi. Peso para sa akin pwede namang pagsabayin ang pagaaral at pakikialam. Hindi ba?

Sinabi ni Rizal na “Ang Kabataan ang Pag asa ng bayan”. Pero ano ang ginagawa nila sa pag-asang ito? Kailan pa naging mali ang pakikialam sa social issues? Malabo. Pero kung patuloy nalang na ganyan..talagang mapag iiwanan tayo nyan.

Kaya kumilos ka. Simulan mo ngayon. Tutulungan kita. XP


Pages

Status

  • 18,985 hits

TULONG KABATAAN


ISANG MILYON. ISANG PANATA

TAYO ANG PAGBABAGO!


The Youth is on a Mission to Rock Philippine Politics. Be part.

no to CONASS!


2010 is nearing and as expected by many..CHACHA is now being pushed by the shameful CONASS! I would like to adress my shame to our Congressman Roman T. Romulo of Pasig for supporting the very unconstitutional CHACHA through the passing of HR 1109.

Come and join the widespread campaign of protesting against CONASS! Let us blog and post to all of our social networking sites such as Friendster, Multiply, Facebook our rage against the hasty passing of HR 1109.

-SORAL
(Image courtesy of : http://brianong.blogspot.com/)

Currently listenin’


Named after the traditional Navajo tobacco pipe given as a peace offering, PEACE PIPE arrives on scene bearing gifts: 10 songs with the same promise of their namesake to transport one from the natural world to the spectral world.
more at their MySpace : here

Blog scheds

August 2009
M T W T F S S
« Jun   Oct »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31