Archive for November, 2009

Si SORAL ay kasalukuyang badtrip dahil naiwan sya ng kasaysayan!

National Day of Indignation and Outrage against the Maguindanao Massacre

Mula sa ANAKBAYANHQ

nilabas ng Pambansang Komiteng Taga-pagpaganap ng ANAKBAYAN
GABAY SA PAGTATALAKAY HINGGIL SA MAGUINDANAO MASAKER

Lubos na kinukundena ng ANAKBAYAN ang naganap na masaker sa Maguindanao noong Nobyembre 23 bilang isang kahayupan at gawain mga barbaro. Nananawagan ang ANAKBAYAN ng pagkamit ng hustisya para sa mga biktima ng Masaker, at pagparusa sa lahat ng may papel sa kaganapang ito.

Nobyembre 23, 10am: Hinarang ang mga sasakyan na nagdadala ng iilang mga miyembro ng pamilya Mangudadatu, ang kanilang mga abogado, at mga ilang mamamahayag. Pakay nila ang pag-sumite ng kandidatura para sa pagka-gobernador sa probinsya ng Maguindanao, isang posisyon na hawak ngayon ng pamilya Ampatuan. Hindi pa tapos ang araw, natagpuan na ang bangkay ng ilang miyembro ng nasabing contingent. Tadtad ng bala ang mga katawan, halatang ginahasa ang mga babae, at may ibang pinugutan pa. Sa kasalukuyan, 46 na ang natagpuang patay.

Primaryang suspek sa kasalukuyan ang kasalukuyang mukha ng naghaharing uri sa Maguindanao.

Hindi nakapagtataka na malakas ang loob ng nasabing pamilya na gawin ang mga ganung kahayupan. Isa sila sa mga pinaka-mahigpit na kakampi ni Gloria Macapagal-Arroyo sa pulitika. Noong 2004, zero ang nakuhang boto ni Fernando Poe Jr., pinaka-mahigpit na kalaban ni Arroyo noon, sa buo-buong mga bayan sa Maguindanao. 2007 naman ng ang probinsya ang naging tanging lugar sa buong Pilipinas na nabigay ng 12-0 na kabuuang boto pabor sa mga senatoriables ng Administrasyon. Ika nga ni Garci, hindi sila mahihirapan sa Maguindanao.

Mismong si Arroyo ang nagbigay ng paraan para mabuo ang mga private army na laganap sa iba’t-ibang sulok ng bansa. Para daw durugin ang New People’s Army at Moro Islamic Liberation Front, nilagdaan niya ang Executive Order 546 noong Hulyo 2006. Dito, pinahintulutan ang mga lokal na opisyal na buuin ang mga sariling armadong grupo, na tinawag na mga CVO (o civilian volunteer organizations) para diumano labanan ang NPA at MILF.

Batbat na ang ating kasaysayan ng madugo at marahas na eleksyon. Ang naganap na masaker ay hudyat ng panibagong serye ng karahasan sa darating na halalan. Sa ating bansa, malayang gumamit ng dahas ang mga naghahari uri sa kanilang laban para sa pagkuha ng kontrol sa bulok na lipunan. Sa ilalim ng ganitong kaayusan, ang nagdurusa at nabibiktima ay ang mamamayan.

Ang karahasan sa pagitan ng mga dynastiya, tulad ng nangyari sa Maguindanao, ay pag-aagawan sa ‘premyo’ para sa kanila: ang posisyon sa gobyerno, o ang pagkakataong mangurakot at isulong ang kanilang mga kapitalistang interes.

Sa kasalukuyan, ang mga pamilyang may monopolyo sa kapangyarihang pulitikal ay siya ring may monopolyo sa kayamanan ng ating lipunan. Sa bawat sulok ng bansa, ang mga dynastiya ang siyang may kontrol rin sa malalaking lupain at/o empresa sa kanilang mga probinsya. Walang tunay at sinserong suporta na nakukuha ang mga dynastiya mula sa masang kanilang pinagsasamantalahan.

Tulad ng mga cabesa de baranggay at gobernadorcillo noong panahon ng mga Kastilla, may basbas ang kanilang paghahari, pandarambong, at pananamantala kapalit ang kanilang pagsuporta sa mga pampulitikal na pwersa na mas nakakataas sa kanila, tulad ng makikita sa relasyon ng mga Ampatuan at ni Arroyo.

Kaya gumagamit ng karahasan ang mga naghaharing uri ay para pigilan ang masa na suportahan ang kanilang mga karibal sa kapangyarihan, at para pigilan ang mismong paglaban ng masa para sa kanilang mga karapatan. Sa madaling salita, gumagamit ng karahasan ang naghaharing uri para panatiliin ang bulok na sistemang panlipunan na pinaghaharian nila.

Nananawagan ang ANAKBAYAN na kailangan ng wakasan ang sikulo ng pagpatay sa mamamayan at pagkamit ng hustisya para sa mga biktima ng Masaker. Sa kagyat, kailangang panagutin ang mga may-sala at lahat ng may papel sa nasabing pangyayari. Sa harap ng malapit na ugnay ng mga suspek at ng Rehimen, tanging ang pagkakaisa at pagkilos ng mamamayan ang makakapagtiyak ng pagkamit ng hustisya. Kailangan rin ang ating tuloy tuloy na pagkilos para wakasan ang bulok na sistemang nag-anak sa ganitong pangyayari, at sa pagtayo ng isang tunay na makatarungan at makataong lipunan.

Tungkulin ng mga kabataan, lalo na ang mga miyembro ng ANAKBAYAN at iba pang progresibong organisasyon ng kabataan, ang maglunsad ng marami at malalawak na pagkilos para kondenahin ang Masaker, at sa bawat pagkakataon na maipapakita na walang ginagawa ang Rehimen para mabigyan ng hustisya ang mga biktima. Kailangang ilantad ang pananagutan ng Rehimen, hindi lamang sa Masaker, kundi sa pagkakaroon at pananatili ng panlipunang kaayusan na nagbubunga ng mga dynastiya. Kailangan ipaliwanag ang pambansang demokrasya at ang pambansa demokratikong programa bilang epektibong sagot sa ganitong bulok na sistema.

Ang Ating mga Panawagan:
KUNDENAHIN ang mga Pampulitikang Pamamaslang!
BAGUHIN ang Bulok na Sistema ng Panunupil at Karahasan!
IPAGLABAN ang Katarungan at Tunay na Pagbabagong Panlipunan!
BURUKRATA-KAPITALISMO, IBAGSAK!

Bisitahin lagi ang anakbayanhq.multiply.com

Nito lamang lunes ay sinariwa muli ang naganap na Hacienda Luisita Masaker. Masakit nga lang ang aking loob dahil sa hindi ako nakasama sa mismong caravan. Pero sa puso ko naman ay kaisa ako ng ating mga magsasaka sa paggiit ng tunay na reporma sa lupa at paglaban para sa kanilang demmokratikong interes at karapatan.

Hangang hanga ako sa tema ng litrato na ginagamit ko ngayon. Isang lasong dilaw na natilamsikan ng dugo; na naging dahilan din para maisip ko ang title para sa blog entry ko ngayon :  yellow lies tainted with red blood : The Hacienda Luisita Massacre!

Maari nating ihalintulad ito sa isang commodity fetishism. Kung saan ang lasong dilaw na simbolo di umano ng demokrasya na ibinabandila ni Cory ay lubusang tinangkilik ng mga tao mula noon hanggang sa ngayon.  Dahilan kung bakit napaka popular ngayon ni Noynoy. Pero sa likod ng masasayang imahe ng lasong dilaw- ay ang masalimuot at maraming dugong idinilig ng mga magsasaka sa lupang dapat naman talaga ay mapunta sa kanila.

Mababasa din sa ibaba ang aking sarili at mapagkumbabang suri kung bakit hindi natin dapat tangkilin ang isang tulad ni Noynoy sa pagka pangulo. Primarya dahil sa wala naman talaga syang inihahain na programa nya para sa mga mamamayan at syempre, hanggang ngayon ay wala parin syang ginagawang hakbang para maresolba ang multo na ginawa mismo ng kanyang angkan, limang taon na ang nakararaan.

Sa araw na ito – kahit na masyado na akong huli sa paggunita, ay hayaan nyong gunitain natin ang pagkamatay ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita.

Maraming salamat nga pala kay Jec sa pagbibigay sakin ng oras at date kanina. Masyado na kasi akong naging okupado kayat nakalimutan ko na ang oras at petsa. At syempre : higit sa lahat. maraming salamat sa mga magsasaka at mga kasama na nagsusulong ng demokratikong interes ng mamayan – bilang mga inspirasyon ko para sa blog entry na ito.

Ang mga litrato ng caravan sa ibaba ay mula sa isang blog tungkol sa Hacienda Luisita Massacre. Maraming salamat!

yellow lies tainted with red blood : the Hacienda Luisita Massacre!

Noon.

November 16, 2004. Naganap ang isang trahedya. Isang trahedyang kumitil ng pitong magsasaka at nag iwan ng daan daang sugatan. Isang trahedyang kumitil ng maraming buhay para lang mapangalagaan ang interes ng iilang naghaharing uri; partikular ng pamilyang Cojuangco-Aquino – mga pamilyang nagmula sa uring Panginoong May Lupa.  Ang Kalunos lunos na araw na iyon ay nagluwal ng pitong namatay na magsasaka at sinundan pa ng panibagong pito  ilang  araw lang pagkatapos ng masaker.

Ngayon

November 16, 2009. Limang taon matapos ang masaker; opisyal nang idineklara ni NoyNoy Aquino at ng kanyang Liberal Party ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo para sa May2010 elections.

Sa kawalan ng aksyon ng kanyang pamilya ukol sa pagkamatay ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita. Pagkatapos nyong mabasa ang kalunos lunos na trahedya ng Hacienda Luisita. Bigyan nyo ako ng dahilan kung bakit kailangan nating iboto ang isang Aquino sa pagka pangulo?(Bukod sa dahilang Aquino ang apelyido nya)

Ito ang trahedya ng Hacienda Luisita Massacre

Dahilan ng paglaban..

Hindi naman talaga pagaari ng pamilya Cojuangco ang lupain sa Hacienda Luisita. Inagaw lang naman nila ang 6,453 na ektarya ng Tabacalera at Central Azucarera de Tarlac sa pamamagitan ngpag utang sa Central Bank noong 1957.

Dahil nga sa kinamkam na ng pamilya Cojuangco ang malawak na lupain ng mga magsasaka, at dahil sa wala naring nagawa ang mga magsasaka dahil maliliit na tao lamang sila ay wala na silang nagawa kungdi pumayag na maging manggagawang bukid nalang ng Hacienda. Ang mga manggagawang bukid ng Hacienda ang bumubuhay at nagpapaunlad sa produksyon ng buong Hacienda.

Ngunit kahit na sila ang nagtataguyod dito; hindi parin naging makatao ang trato sa kanila. Katiting na P18 ang take home pay ng mga sakada at P9.50 sa kaswal sa 2beses na trabaho kada linggo; Tinaggal ang 327 unyonista; Hindi ibinibigay ang mga benepisyo sa mga mangagagawa ng asukarera; Binuwag pa ang welga sa assumption jurisdiction ng DOLE at sinalakay pa ng mga sundalo.

Isang manipestasyon lang ito kung gaano kabulok ang kasalukuyang umiiral na sistema ng ating lipunan. Isang lipunan kung saan ang mga mayayaman ay protektado ng mga reaksyunaryong batas at sundalo dahil sa sila ang mga may kakayahang magbayad para sa mga ito. At sa kabilang banda – ang malawak na magsasaka na ang tanging hiling lamang ay karampatang sahod dahil sa hindi nakasasapat ang di-makataong sahod na P9.50 na ibinibigay sa kanila ng management ng Hacienda.Sa tingin nyo ay paano pagkakasyahin ng isang manggagawang bukid ang sahod na P9.50 kada araw para sa kanyang panilya?

Simula ng paglaban..

Marangal at disenteng sahod. Iyan ang pangunahing hinaing ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita. Napatunayan narin naman ng ating kasaysayan – na sa pamamagitan ng sama samang pagkilos ay epektibong mairerehistro ng masang api ang kanilang demokratikong karapatan. Iyan nga ang ginawa ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita. NIlagot nila ang tanikala ng pagsasamantala sa pamamagitan ng pagpaparalisa ng produksyon sa buong Hacienda at pagtatayo ng picket line sa labas ng gate ng Hacienda upang marinig ng management ang kanilang demokratikong hinaing.

Sagot ng Estado : Pasismo


Ngunit imbes na maawa ang pamilya Cojuangco sa kalagayan ng mga magsasaka ng Hacienda; imbes na ibigay nila ang nararapat na sahod sa mga ito; imbes na ibigay nila ang demokratikong karapatan ng mga magsasaka.. Ang sinagot ng pamilya Cojuangco at ng estado – PASISMO.

Pito. Pitong magsasaka ang walang awang pinatay ng araw na iyon. Bakit kinailangan silang paputukan ng mga pulis at sundalo? Armado ba sila? Ang tanging sandatang dala lang naman nila ng mga panahon na iyon ay ang kanilang demokratikong interes. Kailan pa naging mali ang paggiit para sa tunay na repormang agraryo? Kailan pa naging mali ang paggiit para sa karagdagang sahod dahil hindi nakasasapat sa pamilya ng mga magsasaka ang sahod na P9.50 kada araw? Siguro sa kasalukuyang sistema ng lipunan na umiiral ngayon – lahat ng paggiit sa demokratikong interes ng mga mamamayan ay mali.

Hindi pa nakuntento : pagkatapos ng araw ng masaker ay nasundan pa ng pitong pagpatay muli sa mga magsasaka. Isang malinaw na manipestasyon lamang ito ng pagpapakita ng tunay na kulay ng estado. Isang estadong nagpoprotekta lamang sa interes ng iilang mayayaman at nagtataboy naman sa mga demokratikong karapatan ng mga mahihirap.

Kung gayon marapat lang siguro na palitan  at baguhin natin ang bulok na lipunang ito. Isang lipunang nagsisilbi sa interes ng karamihan. Isang lipunang nagsusulong ng pambansang demokrasya.

Pero bago ang lahat, matanong ko lang : Ano ba ang naging tugon ng pamilya Aquino-Cojuangco sa pagkamatay ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita? At ang kumakandidato ngayong si NoyNoy, nasan ba sya ng mga panahong iyon?

Tanong :Bakit kailangang maging panatiko ng kulay dilaw? Kung itoy nabahiran na ng dugo?

Hindi ko tuloy lubos na maisip : Kung paano naging ka-popular si Cory sa mga mamamayan. Hindi ba alam ng mga tao na sangkot na ang kanyang pangalan sa dalawang kaso ng masaker sa mga magsasaka? Siguro ay dahil sa malawak na suporta ng mass media at pinalabas nalang nila na hindi nangyari ang Hacienda Luisita at Mendiola Massacre. Walang nangyaring pagpatay sa mga magsasaka.

Mayroon bang syang nagawa, bilang sinasabi at pino-popularisa ng mass media na “ina ng demokrasya” para sa pagkamit ng hustisya ng mga magsasakang pinatay sa mismong Hacienda nila?

Isang eksena tuloy ang nabuo sa isipan ko : Habang umiiyak nun si Kris noong libing ng kanyang ina – ang mas nananaig sa isip ko ay ang babaeng umiiyak dahil sa ang kanyang asawa ay isa sa nabaril sa nasabing masaker. Habang umiiyak naman sa tabi nya si baby James – hindi parin mawala sa isip ko ang itsura ng batang paslit na maagang nawalan ng ama.

Oo. Mabait na tao si Cory. Sa isang partikular na panahon pa nga ay naging kaisa natin si Cory sa ibat ibang laban ng mamamayan. Mula sa pakikipaglaban sa dikdaturang Marcos, hanggang sa pagpapatalsik sa rehimeng corrupt ni Erap at maging sa huling sandali ng kanyang buhay – ang pakikipaglaban kasama ng mamayan sa rehimen ni Gloria Macapagal Arroyo. Pero ito ang pakatatandaan natin : Kahit sinong Presidente man ang humalili sa ating bansa, hanggat nanantili ang frameworn ng kasalukuyang sistema ng lipunang umiiral ay hindi parin mawawala ang pagsasamantala sa mamamayan.

Ito lang ang gusto kong sabihin : Kahit na alam nating mabait si Cory – hindi parin nya nabigyan ng hustisya ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita. Dahil ang kasalukuyang sistemang pinaglilingkuran nya ay hindi nagsisilbi sa interes ng mamamayan, kungdi sa interes ng mga tulad nilang naghaharing uri. Ganun ka simple.

NOYNOY?

At ngayon naman ay ang kanyang anak. Parang kailan lang ay sinabi nya na hindi sya tatakbo sa pagka pangulo dahil magagaya sya sa kanyang ina na minana ang isang bulok na lipunang kagaya ng iniwan ni Marcos sa kanyang ina. Pero nasan sya ngayon? Dala ng popularidad at bigat ng kanyang pangalan at dala narin ng suporta ng mass media (ABS, Inquirer) ay isa sya ngayon sa nasa taas ng mga surveys sa pagka pangulo.

Dito ay makikita ang bigat ng pangalan nya. Dahil ni wala pa nga syang inilalatag na plataporma at programa para sa mga mamayan ay ganun na agad ang suportang nakukuha nya sa mga tao.

Pero kailangan nating magsuri. Nasan ba si Noynoy nang maganap ang Hacienda Luisita Massacre? Nasan ba sya nang mga panahon na sumisigaw ang mga magsasaka para sa hustisya at katarungan? Nasan ba sya sa panahon ng paglaban ng mamamayan sa rehimen ni Gloria Macapagal Arroyo?

Ang gusto ko lang linawin sa mga nakakabasa nitong aking blog entry : Ni hindi nga naging parte si Noynoy ng tuloy tuloy na paglaban ng mamamayan para sa kanilang demokratikong karapatan noon; pero ngayon ay bigla syang susulpot at nangangako ng “Pagbabago”?

Kahit papano nga, di tulad nya – ang mga kasabay nyang Presidentiable ngayon ay naging malakas na kritiko ng rehimen ni GMA mula panoon. Pero sya? naging bukas na kritiko ba sya laban sa kabulukan ng rehemen ni Arroyo? Pero dahil sa napaka popular nga nya ay ganun na lang ang pagsuporta sa kanya maging ng mga kanang oportunistang tulad ng Akbayan at iba pang kontra Kaliwang pwersa. Kung atakihin nga ng mga propagandista ni Noynoy ang ibat ibang Presidentiable – akala mo ang manok nila ang pinaka naging matapang sa paglaban sa rehimen ni GMA.

Ni hindi nga nya nilinaw kung ano ang plano nya sa Hacienda Luisita. Kung ibebenta nya na lang ba ang kanyang share dito o lubusang ipamamahagi ito sa mga magsasaka. Ang ibinabandila ngayon ng campaign machinery ni Noynoy na “Pagbabago” at kahit kailan ay hindi nasagi ang kanyang pangalan sa korupsyon.

Pero anongPagbabago ba ang sinasabi ngayon ni Noynoy? Kung hanggang ngayon ay parang isang blangkong papel parin sya dahil wala pa syang sinasabing plataporma at programa nya bilang Presidentiable?

At kahit na sabihin nating kahit kailan ay hindi  sya nagnakaw sa kaban ng bayan; hindi naman maikakaila na ninanakawan naman ng kanilang pamilya ang mga magsasaka ng lupa sa matagal nang panahon.

Ito ngayon ang hamon kay Noynoy ng mamamayan : Ipamahagi nya ang lupa sa mga magsasaka at bigyang katarungan at hustisya ang mga magsasakang kanilang pinatay sa Hacienda Luisita!

Ngayon. Pagkatapos malaman ang istorya at trahedya ng Hacienda Luisita; eto ang tanong ko na sanay maging tanong nyo nadin sa inyong mga sarili – Bigyan nyo ako ng dahilan kung bakit kailangan nating iboto ang isang Aquino sa pagka pangulo?(Bukod sa dahilang Aquino ang apelyido nya)

SORAL
112009 – 1220am
—–

Mga ilang pahabol.

* November 16 2009. Sa mismong anibersaryo ng Masaker ng Hacienda Luisita – habang idinedeklara ni Noynoy ng Liberal Party ang kanyang kandidatura sa pagka Presidente ay nagsagawa naman ang ibat ibang progresibong organisasyon tulad ng KMU, BAYAN MUNA at iba pa ng isang centralized caravan mula Maynila tungong Hacienda Luisita sa Tarlac. Naging mainit ang pagsalubong ng mga magsasaka sa ating mga kasama. Sa ibaba ay ilan sa mga litrato.

The caravan comes into a brief halt at the expressway, forming a long chain of vehicles bearing flags and banners.

1:30 p.m. - Around 2,000 arrive at Hacienda Luisita to meet the local contingent of farmers and activists

Local farmers and activists welcome the caravan with sugarcane stalks tied with red ribbons, symbolizing the continuing struggle for land and justice.

Galing ang mga litrato dito

Tagpi tagping alaala mula sa data folder ng CP ko…

 

October11.

Sa isang di inaasahang pangyayari ay tuluyan nang nawala ang pinakamamahal kong CP. Siguro ay korni kung gagawan ko pa to ng isang blog entry; pero para sakin kase ay napakalaki ng sentimental na halaga nito. Bukod sa bigay sakin yun ng ermat ko; naging imbakan din kase yun ng mahahalagang pangyayari at ng mga signipikanteng indibidwal na dumaan sa buhay ko. Naging photo album din iyon ng mga larawan ng pakikibaka : ng mga makasaysayang kilos protesta-maging LR man o malakihang mob.

Sa blog entry na to’ hayaan nyong balikan ko ang ilang indibidwal at pangyayari-mula sa data folder ng CP ko..

Minsan sa Morayta..

Ang litratong ito ang isa sa mga pinaka unang litratong nalikha sa cp ko. Ako at ang aking dood. Teh good old days.. Kinunan ang larawan noong ika 3 ng Hunyo, 2008. Kung bakit sa gilid ng lansangan ng Morayta namin naisip gawin to’ ay hindi ko alam. Siguro sa kadahilanang parehas kaming walang pera nung araw na yun. Kaya sa gilid nalang ng MCDO kami umupo; sa tapat ng dati nyang pamantasan, FEU. Natatawa parin ako minsan kapag naaalala ang araw na yon. Iyon kasi ang unang beses na nagkita kami ng personal. At ako; sa isang pyudal na isipang kailangan ang lalaki ang nanlilibre ng tanghalian sa babae; ay walang ibang dala kungdi pamasahe pauwi. Parehas kaming broke ng araw na yon.  Nagkasya nalang kami sa Oishi bilang meryenda..pewro wag ka; dahil busog naman kami sa kwentuhan. Yun siguro kasi ang panahahon na literal na bestfriend palang ang trato ko sa kanya. Di kasi nagtagal at naging iba ang turing ko sa kanya. At ako bilang isang mapangahas ay tumawid sa mga linyang hindi dapat tawiran sa pagitan naming dalawa. Naging lampas sa pagiging kaibigan ang tingin ko sa kanya at isang araw ay tuluyan na akong nalunod-sa kanya..

Pero tapos na yun.

Salamat nalang at naresolba na ang lahat sa pagitan namin; sa tulong ng ilang indibidwal na tinuturing kong pamilya at sa tulong din nya ay naitama na ang lahat at nito lang ay nakipag rekonsila na ako sa kanya. The fact na malaya ko nang nakwekwento to ay isang manipestasyon na ok na ang lahat sakin.

Ano’t ano pa man. Bigla ko na namang naalala si dood. Siguro’y dahil sa pagkawala ng CP ko..

VSF at Pale

Ang sunod namang buong giliw kong ipinapakita ay ang larawan ng tinuturing kong naging isa sa pinakamatalik kong bestfriend (pinakamatalik+bestfriend=redundant? haha). Si Vane o VSF(na pinahabang Vanene..ay! wag na pala ang korni. haha)

Si Vane; hindi pa naman ganun katagal mula nang naging magkaibigan kami, pero sa maikling panahong iyon ay naging matalik na kaibigan ko sya agad. Siguro kung hindi nya ako pinilit na pumuntang SM North para pag ayusin kuno ang magka LQ’ng anak nyang si Jien at Laecey; kung hindi nya siguro ako nilibre ng monster float na minadali naming ubusin sa Ortigas station para makabili na agad ng ticket; kung hindi nya siguro ako nilibre ng manipis na librong Das Kapital ni Karl Marx(published by Ibon books) at lastly; kung hindi nya siguro nakuha ang atensyon ko kahit na napaka dali nyang makasundo, makatawanan at kung hindi siguro sya masarap kasama-siguro ay hindi kami magiging ganto ka close ngayon.

Walang dull moments pag kasama ko si VSF. Naalala ko yung mga panahong hindi pa sya ganun ka-occupied. Both sa pagaaral at lovelife. Iyun yung mga panahong kasama ko pa sya palagi kaharap ang isang mesa na may pitchel at matador. Madalas kaming uminom. Drinking buddy nga ang turing ko dyan eh. Minsan umiinom kami ni VSF para may magawa lang; pero madalas ay umiinom kami para makalimot. May kanya kanya kasi kaming rants na nare resolba lang pag nainom kami. Isa pang naalala ko ay kapag nagsusunog kami ng oras sa powerbooks. Siguro dahil sakin ay nagiging palabasa din sya ng libro. Pero anut ano paman; isang manipestasyon lang yon na pede pala akong maging good influence. Teh heck? haha.

Camwhore din si VSF. Kapag tinignan mo nga, sa dami ng litrato nya sa CP ko ay aakalain mong kanya ang CP ko.

Pero ang isa sa pinaka paborito kong larawan ay ang nasa kanan na nakikita nyo. Ito ay kinunan noong June 05, 2009. Galing syang Cavite nun. Kasalakuyan akong nasa klase nun nang bigla syang mag txt na pauwi na daw sya. Sa kadahilanang wala naman kaming prof ay kinita ko sya sa EDSA Central.  Sakto naman dahil ganado ata sya manlibre nung araw na yun. Nilibre nya ako ng fries sa MCDO at dun kami nagkwentuhan. Medyo matagal din kasi kaming di nagkita nun. Siguro ay nasarapan sya sa panglilibre dahil pagkatapos ng kainan at kwentuhan sa Mcdo ay nilibre nya naman ako ng isang bote ng Pale sa katabing inuman ng serbesa sa Edsa Central, at dun ay tinuloy namin ang walang katapusang kwentuhan.

Teh good old days…

Ito yung mga panahong hindi pa siguro ramdam ni VSF na graduating student na sya. Ito rin yung mga panahong hindi pa sya okupado sa lovelife. Di tulad ngayon. Pero kahit ganun paman ay hindi naman ako nagtatampo. At least, shes having the time of her life. Masaya rin ako na nakikta syang kuntento sa kasama nya ngayon. Iyon naman kasi talaga ang gusto namin ni VSF eh-ang maging masaya at kuntento. Sa lovelife. Sa kasamaang palad nga lang ay hindi pa ko resolve sa usaping yan, pero at least sya ok na. Tama ba VSF?

Mga larawang wala nang naiwang bakas

Marami pa sana akong gustong ipakita. Ngunit sa kadahilanang hindi ko na nagawang i-upload ang mga to sa online photo album ko ay hindi ko na tuloy sila maipapakita ngayon.

Karamihan sa mga larawang ito ay mga larawan ng pakikibaka sa lansangan. Ito yung mga sandaling pinakamasarap talaga sa pakiramdam. Kasama ang buong kolektib habang nagmamartsa papunta sa lugar ng programa. At sa kalaunan ay kasama naman ang lahat ng handang makipag pukpukan sa mga pulis.

Isa saga hindi malilimutang alaala ay nooong kinubkob namain at pinapula ang Mendiola. Nagulat din ako nun. Hindi ko naman kasi akalaing mapapasok talaga namin ang Mendiola. Pero dahil siguro sa malakas ang ulan noon at mas malakas ang diwa ng lahat ng kabataan na makapasok sa Mendiola; nagawa naming pasukin ang Mendiola at ng mga sandaling yon ay nagmistulang pinagpalang purok ang lugar na yun. Hindo malilimutan ang muka ng mga kasama; masayang masaya sila na may kasamang agit na ngiti. Hehe. Maraming larawang inuluwal ang CP ko nung araw na yun. Pero sa kasamaang palad ay hindi ko na sila nagawang iupload.

Ilan lang ang mga ito sa mga mahahalagang indibidwal at pangyayari na iniluwal lahat ng data folder ng cp ko. Ngunit gustuhin ko mang panghinayangan ito ng mas matagal; wala na rin naman akong magagawa at kung iisipin; hindi naman dapat maging masyadong upset dahil dun. Dahil nawala ang CP ko habang papunta kami sa isang relief operation. Hindi tulad ng unang pagkawala ng cp ko kung saan nawala ito habang nagpapaka burgis ako sa isang gig. Nawala ang cp ko habang sinusubukan kong makatulong sa iba. Hindi bat sapat na dahilan na iyon para hindi ako manghinayang ng sobra sa pagkawala nito?


Pages

Status

  • 18,988 hits

TULONG KABATAAN


ISANG MILYON. ISANG PANATA

TAYO ANG PAGBABAGO!


The Youth is on a Mission to Rock Philippine Politics. Be part.

no to CONASS!


2010 is nearing and as expected by many..CHACHA is now being pushed by the shameful CONASS! I would like to adress my shame to our Congressman Roman T. Romulo of Pasig for supporting the very unconstitutional CHACHA through the passing of HR 1109.

Come and join the widespread campaign of protesting against CONASS! Let us blog and post to all of our social networking sites such as Friendster, Multiply, Facebook our rage against the hasty passing of HR 1109.

-SORAL
(Image courtesy of : http://brianong.blogspot.com/)

Currently listenin’


Named after the traditional Navajo tobacco pipe given as a peace offering, PEACE PIPE arrives on scene bearing gifts: 10 songs with the same promise of their namesake to transport one from the natural world to the spectral world.
more at their MySpace : here

Blog scheds

November 2009
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30