Archive for January, 2010

Kahapon (Enero 22), ay ang ika 23 anibersaryo ng masaker sa Mendiola kung saan labing tatlong magsasaka ang namatay para sa tunay na repormang agraryo.

Pero sa kadahilanang ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makagamit ng internet(dahil sa nag vigil ako sa DAR), ay ngayon ko lang na ipublish ito.

Pasensya na kung late.

Advertisements

Nang minsang nagpuyat ako sa DAR…

Mag-aala singko ng umaga.

Madaling araw parin ngayon. Ngunit hindi ito ang tipikal na madaling araw na kinasanayan ko…

Naririnig ko parin ngayon ang ingay na likha nga mga sasakyang kanina pa padaan daan

Nararamdaman ko parin ang kakaibang lamig dulot ng semento na ginawang higaan.

Naamoy ko parin ang kakaibang simoy ng paligid – dulot ito marahil ng kakaibang ahitasyon sa tuwing maiisip ko na hindi ako nag iisa dito sa kalsada.

Pasado ala singko ng umaga

Nandito ako sa tapat ng Department of Agrarian Redorm – ang departamento ng gobyerno na responsable sana para sa pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo. Kasama ang libo libong magsasaka, kami ay pansamantalang natulog dito, dahil bukas ay kulminasyon na ng Mendiola Massacre.

Kung hindi mo alam kung anong meron dito….

Ito ang Lakbayan.

Ang makasaysayang Lakbayan ng mga magsasaka. Kung saan ang mga magsasaka mula sa ibat ibang rehiyon ng bansa ay nag martsa papuntang Maynila para sa lupa at Katarungan.

LUPA

…na matagal nang ipinagkait sa kanila – sa pamamagitan ng mga huwad na reporma sa lupa tulad ng CARP at CARPER.

at Katarungan

…para sa patuloy na pagdurusa nila mula sa ibat ibang rehimen. Katarungan para sa mga magsasakang naging biktima ng Masaker sa Mendioa at Hacienda Luisita.

Ito nga ang Lakbayan

Kung saan ang mga magsasaka ay hindi inalintana ang napakainit na araw, gutom, panghaharang at pandarahas ng mga pulis, – lahat ng yan para lang mairehistro nila ang kanilang demokratikong karapatan.

Ang uring magsasaka ang pinaka malaking sektor ng ating lipunan. Ngunit sa kasamaang palad ay sila pa ang pinaka napagsasamantalahan.

Ang lupang kanilang binubungkal ay iba ang nakikinabang. Ang pawis at pagod na dulot ng araw araw na pagtatanim ay kanilang tinitiis.

Ngunit bakit ang sinagot ng mga uring Panginoong May Lupa ay makauring pagsasamantala?

Sinong makaklimot sa Mendiola Massacre?


Kung saan labing tatlong magsasaka ang nagbuwis ng buhay.

Ang kanilang sinisigaw noong mga panahong ay pareho parin naman ngayon.

Tunay na repormang agraryo. Reporma sa lupa na magsisilbi sa interes ng mga magsasaka at hindi ng sa panginoong may lupa tulad ng CARP noon at CARPER ngayon.

Ngunit pasismo ang sinagot ng estado.

Enero bente dos, taong 1987.

Taon kung saan sinasabing kakapanumbalik palang ng matagal nang natulog na demokrasya dahil sa pasistang rehemeng Marcos.

Ngunit anong demokrasya ba ang nanumbalik?

IsangĀ  demokrsya na nagsisilbi sa mga naghaharing uri?

Ngayon…

Dalawamput tatlong taon na ang nakalipas.

Ang masaker ay hindi nabaon sa limot ng mga mamamayan.

Hindi ito nag anak ng takot sa mamamayan – bagkus ay nagluwal lamang ito ng mas marami pang rebolusyunaryo para sa panlipunang pagbabago.

Nagsisimula nang magising ang mga kasama. Bukas na ang kulminasyon ng kanilang sampung araw na paglalakbay…

Dala siguro ng antok ay tahimik pa sila. Ngunit sa ating pagdaluyong mamaya sa tarangkahan ng Mendiola, tiyak kong mag iingay sila.

Malapit nang sumapit ang ala sais ng umaga.

Dito sa tabi ng DAR sa mismong araw ng komemorasyon sa Mendiola Massacre…

Nasan kaba ngayon?

Sana nandito ka…

-SORAL
22JAN10
DAR


Taglagas at Pagpula ng Silangan

“Pupula rin ang silangan”

Yan ang naisulat ko habang nag iisip ng caption para sa litrato na ngayon ay primary picture ngaun ng FB account namin.

At talaga namang nararapat ang caption na yun. Although magiging masalimuot nga lang ang mga magaganap bago mangyari iyon. Pero isa lang yun sa mga bagay na dapat paghandaan ng bawat isa satin tungo sa rebong tagumpay na inaasam natin.

Taglagas..

Kahapon ay nangyari na nga ang inaasahan kong magaganap : Nawalan ako ng apat na kolektib. Parang kahapon lang na sabay sabay kaming pumasok sa PUP, at pagkatapos ng mahabang pagtatasa namin at paglalagom, paglabas sa PUP ay hindi na sila kabilang sa kolektiba namin.
Pero hindi naman dapat tayo malungkot. Dahil isa lang ang siguradong sagot kung bakit naganap ito : Para mas malawak pang makapag silbi sa masa at para mas malawak pa ang maabot namin.

Pero kahit alam natin ang obhetibong mga dahilan; hindi parin maiaalis na ma miss ko ang mga kasama.

Mami miss ko ang kolektib ko na madalas ay nakasimangot, madalas uminit ang ulo at madalas na nananariwa sakin ang tipikal na itsura nya na dala dala ang napakalaking bag nya – na sabi nga ng mga tibak na may malalaking bag : “dala ko ang bahay ko” Naalala ko pa nun. Halos magkasabay lang naman kami na organisa, sabay na suspend at sabay na nagpatuloy sa pagkilos. Sa katunayan, sa aking palagay ay isa sya sa mga naging pinaka matatag na kasama. Naging napaka bilis ang kanyang pag unlad. Simula sa lunes ay sa ibang erya na sya papakat. Alam kong maninibago sya pero alam ko namang madali lang syang makakapag adjust. Hindi narin naman ako nanghihinayan dahil nawala sya samin. Dahil alam kong magiging produktibo sya sa kung san man sya mapapadpad.

Mami miss ko rin ang kolektib namin na madalas kong katalakayan kapag walang masyadong mga gawain. Mami miss ko rin ang pagiging matalas nya sa mga bagay bagay. Parehas kaming badtrip sa liberal at burgis na propesor namin sa econimics, kapag napag uusapan namin ang prof na yun ay hindi maiiwasang tilad tilarin namin ang mga maling bagay na pinag sasabi nya sa kanyang mga estudyante. Sya na siguro ang pinaka matanda sa amin(sa temino ng pagkilos, hindi edad). Sya nalang ang natira mula doon sa “first wave” ng mga organisador na nagmulat, nag organisa at nagpa mobilisa sa amin. Isa rin sya sa maraming tao na naging dahilan ng pagtagal namin at paghawak ng mahigpit sa rebong kilusang mapagpalaya na kinapapalooban namin. Ang pagkalipat nya ng kolektiba ay isang magandang paraan para mas lalo pang makapagpa unlad. Tungo sa mas malawak na tagumpay!

Mami – miss ko rin ang kolektib ko na madalas magsunog ng oras sa bilyar at sa pagiging problemado nya ukol sa “pakikipag relasyon” at mga bagay na nagiging problema nya. nagulat ako nang malamang isa rin sya sa mga mawawala, dahil nitong Septyembre palang naman sya na organisa. Ngunit sa maikling panahon na yon, isa sya sa mga pinaka naging maunlad kung ikukumpara sa iba nyang naging kasabay. Niyakap nya ang ipinaglalaban ng kilusang mapagpalaya. Matyaga rin sya sa pag aaral sa lipunan. Madalas kong maalala ang mga panahong sya pa mismo ang lumalapit sa amin para bigyan sya ng ED, tapusin ang lahat ng Prereq(na hindi naman talaga dapat nya malaman, ngunit nalamayn nya dahil sa isang kolektib na hindi maka tiis magbigay ng spoiler). Pero isa ang tiyak ko, kahit na medyo mahihirapan sya mag adjust sa bagong kapaligirang mapapadpadan nya..nakikita ko naman sa kanya ang apoy na nakikita ko sa mga kasama. Kayat magpatuloy na sumulong at magpaunlad!

At hindi pwedeng hindi ko mamiss ang kolektib naming bestfriend ng kolektib naming mahilig sa bilyar. Halos isang buwan lang ang pagitan nila ng ma organisa. Ngunit pagdating ng pangalawang semestre ay huminto sya sa pag aaral. Kahit naging ganun ang nangyari ay patuloy parin namin syang nakakasama sa mga pagkilos : Isang manipestasyon ng kanyang pagkapit at paghawak sa linya na ating ipinaglalaban. Mami miss siguro sya ng isa naming kolektib na sa palagay ko ay nagiging malapit na sa kanya. Dapat lang natin tandaan na nandito lang ang kolektib, kung nais man nilang gawing pormal ang lahat – mas marangal at nararapat. Wala naman akong bahid ng pagdududa sa kanya. Tiyak akong magagawa nya ng maayos ang mga bagong gawain na ipapagawa sa kanya. Kaya’t masaya ako kahit mawawala sya.

Bilang pagtatapos ay guto kong magpasalamt sa mga pagkakataong nakasama ko ang mga kasama. At wala naman talagang magbabago kungdi ang lugar na pinupuntahan nila. Magkikita parin naman tayo sa mga susunod na kilos protesta, sa mga picketline ng mga manggagagawa, sa mga rebong anibersaryong pagtitipon, at malay nyo : Sa mga susunod na taon ay sa kanayunan na tayo magkita. May posibilidad naman diba? Malking posibilidad.

Kasalukuyan palang tumutugtog ang Awit ng Pag Asa, ikaw, ano ang pinakikinggan mo?

SORAL
10JAN10

0540pm

Mula kay Pulang Krayola, SORAL at sa buong kolektibo ng JRU…

Isang mapagpalaya at taas kamaong bagong taon sa ating lahat!

Patuloy na mag mulat, mag organisa at mag mobilisa!

Para sa Pambansang Demokrasya at kalayaan!


Pages

Status

  • 19,400 hits

TULONG KABATAAN


ISANG MILYON. ISANG PANATA

TAYO ANG PAGBABAGO!


The Youth is on a Mission to Rock Philippine Politics. Be part.

no to CONASS!


2010 is nearing and as expected by many..CHACHA is now being pushed by the shameful CONASS! I would like to adress my shame to our Congressman Roman T. Romulo of Pasig for supporting the very unconstitutional CHACHA through the passing of HR 1109.

Come and join the widespread campaign of protesting against CONASS! Let us blog and post to all of our social networking sites such as Friendster, Multiply, Facebook our rage against the hasty passing of HR 1109.

-SORAL
(Image courtesy of : http://brianong.blogspot.com/)

Currently listenin’


Named after the traditional Navajo tobacco pipe given as a peace offering, PEACE PIPE arrives on scene bearing gifts: 10 songs with the same promise of their namesake to transport one from the natural world to the spectral world.
more at their MySpace : here

Blog scheds

January 2010
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031