Archive for the 'Mass protest' Category

keep your coins. WE NEED CHANGE!

 

changeMarahil ay lingid sa atin na merong “Financial Crisis” na kinakaharap ngayon, hindi lang sa malalaking bansa tulad ng US kungdi ng buong mundo Ngunit kahit na anong mga artipisyal at panandaliang solusyon ang ginagawa dito ay hindi parin maitatago ang pagsasara at pagkalugi ng malalaking kumpanya kabilang dito ang tatlong dambuhalang automotive companies sa US : ang FORD, CHRYSLER at ang GENERAL MOTORS na pinakahuling nagpahayag ng pagka-bankrusy. Mahigit 100 sangay narin ng Starbucks ang nagsara sa US noong Nobyembre pa lamang. Sa European Union tinatayang malakihang tanggalan ng trabago sa North Eastern England, sa Germany may 10-15% ang inaasahang mawalan ng trabaho sa mga automative companies. Kaya hindi natin ikagugulat kung bakit libo-libong mga Overseas Filipino Workers ang nagsisiuwian sa Pilipinas. Tinatantyang mas malala pa ito kaysa sa nangyaring Great Depression noong late 1920-1930’s itoy ayon narin sa mga financial analysis ng ibat ibang bansa. Kung ating susuriin ito’y nagsimula pa sa high-tech bubbles sa Amerika noong 1995 na kung saan ang pagiinvest sa teknolohiya at internet bilang isang uri ng negosyo na tumatagal lang ng 5taon at tuluyang pagkalugi. Sinundan naman ito ng sinasabing Subprime Mortage/Housing bubbles at ang pagkalugi at pagsasara ng Wall Street Investment Bank Lehman Brothers. Malawakan narin ang pagsasara ng kumpanya at tanggalan ng mga manggagawa sa loob ng ating bansa. Isa na rito ang pagsasara ng INTEL Corp. Isa sa pinakamalaking pagawaan ng computer chip sa buong mundo. Dahil sa pagsasara ng kanilang plata sa Malaysia, Philippines at United States, mahigit 60,ooo I.T employers ang tinatayang mawawalan ng trabaho sa Pilipinas at kasabay din nito ay ang pagsasara narin ng mga Call Center sa ating bansa. Hindi ligtas sa krisis ang mga kabataan at estudyante, dahil gaganapin nanaman ang Tuition Deliberation ng mga pribadong paaralan sa buwan ng Pebrero at lubos na magpapahirap ito sa mga kabataang estudyante dahil ipipilit ng mga edukador kapitalista ang pagtataas ng tuition at kung hindi man ay pagdagdag at pagtaas sa mga miscellaneous fees at pagpasok ng mga bagong kurikulum. Inaasahan pa sa taong 2010 ay magiging limang taon na ang ilalagi ng mga estudyante sa kolehiyo sa kabila nang walang kasiguraduhan kung meron pabang trabahong makukuha ang mga estudyante sa kanilang pagtatapos. Nariyan din ang pagabanduna ng gobyerno sa mga State University at Colleges.

Ngunit sa kabila ng Global Recession at malawakang pagsasara at tanggalan ng manggagawa sa mga malalaking kumpanya sa ibat ibang bansa nananatiling kimi ang ating gobyerno at tinatago ang katotohanan na ang Pilipinas ay direktang naapektuhan sa krisis pampinansya. Ganon din wala pang magagawa ang gobyernong Macapagal-Arroyo sa trabahong ipinangako niya sa bawat State of the Nation Address na kanyang inilulunsad. Ginagawang kasangkapan ni Gloria Macapagal Arroyo ang matinding krisis sa ekonomiya para igiit ang ChaCha para sa pagpapanatili ng kanyang posisyon sa kabila ng pagkadiskuntento sa kanya ng taong bayan. Kamakailan lang tumambad sa publiko ang pakanang pagpapatalsik kay Supreme Court Chief Justice Reynato Puno ng mga kaalyado ni Arroyo sa Senado at pagpapabalik ng mga retired General sa mga bago nitong ahensya para sa pagpapaibayo ng kanyang pasismo.

Malaki ang papel ng kabataan at estudyante sa mga usapin na kinakaharap ng ating bansa bilang susunod na henerasyon. Pinatunayan na ng kasaysayan ang mahalagang papel ng kabataan para sa hinahangad na pagbabago ng ating bansa. Kailangan nang palitan ang isang lipunang nabubulok. Palitan ng isang matatag at nagtataguyod sa interes ng mamamayan at ito ay ang sosyalistang lipunan!

Sumama sa pagkilos ng kabataan at estudyante tugon sa lumalala at nabubulok na krisis na kinakaharap ng ating bansa!

February 5 2009 – Teach-In Mob@ Plaza Miranda 1PM RED SHIRT DAY!(hingil sa krisis na kinakaharap ng mala-kolonyal at mala-pyudal na bansa tulad ng Pilipinas.)

Ang Kabataan ang PAG-ASA ng BAYAN!

Labanan ang lumalala at nabubulok na sistema ng ating lipunan!

Confront the Crisis, Campaign for Change!

Papet, Pasista, Pahirap sa Masa. Patalsikin si Gloria

League of Filipino Students – ANAKBAYAN – KARATULA

pls contact this # 09238137997 or send your email at tres__zeta@yahoo.com if interested

 

Advertisements

Sick and tired dancing to the tune of Gloria’s ChaCha

“AYOKO SA CHACHA, LALO NA KAY GLORIA!”


Yan ang pangunahing tema sa isa sa pinakamalawak na pagkilos ng mamamayan para sa taong 2008. Masasabing ang inter-faith prayer rally na ginanap sa Ayala nito lang December 12 ang isa sa mga pinakamalaking mobilisasyon ng masa laban sa gasgas at atrasadong rehimen ni Gloria Macapagal Arroyo at ng kanyang isinusulong na Cha-Cha. Mula sa ibat ibang sektor mula sa mga makabayang estudyante, manggagawa at unyonista, magsasaka, madre at pari, mga propesyunal tulad ng mga guro at abugado at maging ng mga pulitiko tulad ng mga senador at kongresista at iba pang sektor ng lipunan.

Sa kabila ng pagkakaiba iba ng paniniwala, paninindigan at ideolohiya ng mga dumalo. Mayroon parin silang pagkakatulad : Ang kanilang masalimuot na pagkamuhi sa isinusulong na Charter Change ng rehimeng Arroyo para ma extend ang kanyang termino lampas sa 2010. Bagkus ipinagpipilitan ng gobyerno na gusto nilang isulong ang ChaCha para lang sa reporma sa ating ekonomiya, hindi maiaalis na ang pangunahing layon nito ay ang term-extension. Dahil di lingid sa kanilang kaalaman na oras na bumaba sa Malacanang at pagka Presidente si Macapagal-Arroyo, ay kakaharapin nito ang di mabilang bilang na kaso sa paglabag ng karapatang pantao at mismo, kakaharapin nya ang galit ng mlawak na masang Anakpawis na ni katiting na kaunlaran ay walang naramdaman sa ilalim ng kanyang rehimen.

JUNK GLORIA’S CHACHA NOW

ANAKBAYAN, KARATULA, LFS – JRU

Bakit ayaw ng kabataan sa CharterChange ni Arroyo?

1.  Ang Charter Change ay isang taktika ni Gloria Macapagal Arroyo para makapanatili sa pwesto lampas pa ng 2010.

Anumang dahilan at palusot, hindi maalis ang motibong “term extension” sa ChaCha.

Batid ng kabataan at ng mamamayan, at maging ng mga kasampakat ni Arroyo, na tanging ang ChaCha ang nalalabing “ligal” na paraan para matakasan ni Arroyo ang pananagutan sa mamamayan matapos ang termino niya sa 2010. Isinasapilit ni Arroyo, kanyang mga anak sa Kongreso, at kanyang mga kaalyado ang cha-cha dahil tiyak na samut-saring mga kaso ng mga di-resolbadong anomalya, korapsyon, pandaraya at paglabag sa karapatang-tao ang nakaamba nilang harapin malaong wala na sila sa pwesto pagsapit ng 2010.

2. AngC ha-Cha ay maaring gamitin para maling ipatupad ang Batas Militar.

  • Tatanggalin ang 60-day limit sa pagdeklara ng batas militar at suspensyon ng writ of habeas corpus.
  • Mawawalan ng kapangyarihan ang Kongreso na bawiin ang proklamasyon ng batas militar o suspensyon ng writ of habeas corpus.
  • Mawawalan na rin ng kapangyarihan ang Korte Suprema na irebyu ang mga batayan ng pagdeklara ng batas militar.
  • Palalabnawin ang mga kasalukuyang pamantayan ng pagdeklara ng batas militar ayon sa nakasaad sa Konstitusyon. Magiging mas bulnerable ito sa pagsasamantala ng mga makapangyarihan.
  • Buburahin ang ilang mga makabuluhang probisyon sa Konstitusyon hingil sa karapatang-tao at sa Bill of Rights.

3. Palalalain ng Cha-Cha ang matinding krisis sa ekonomiya at kabuhayan.

  • Ibubukas ng ChaCha ang pambansang patrimonya at ekonomiya sa ibayo pang pagsasamantala at pagaari. Ayon sa probisyon sa ChaCha hingil sa ekonomiya, hindi na 60-40 ang porsyento ng hatian para sa dayuhang pagaari sa mga batayang industriya at serbisyo kungdi papayagan na hanggang 100 porsyento.
  • Papayagan ang mga dayuhang entidad na magmay ari maging ng mga lupang residensyal, komersyal at industriyal.
  • Papayagan ang mga dayuhang entidad na malayang gamitin atlapastanganin ang mga likas na yaman ng bansa.
  • Papayagan din ang mga dayuhang entidad na kontrolin at pagmay-arian ang mga pampublikong utilidad at serbisyo tulad ng tubig, kuryente at telecommunications.

4. Palalalain ng Charter Change ang kolonyal at komersyal na katangian ng ating kultura, edukasyon at mass media sa pamamagitan ng pagpayag sa tuwirang dayuhang pagaari sa kontrol sa mass media, mga eskwelahan at advertising firms.

  • Tatanggalin ang probisyong nagtitiyak ng prayoridad ng gobyerno ang edukasyon, sining, agham at teknolohiya.
  • Tatanggalin ang probisyong nagaatas sa mga eskwelahan na ituro ang nasyonalismo, pagkilala sa pambansang bayani at karapatang pantao.
  • Malayang makakapasok ang mga banyagang eskwelahan at papayagan ang 100porsyentong dayuhang pagmamay-ari sa mga edukasyunal na institusyon at pamantasan.
  • Idadagdag ang salitang “responsible” sa karapatan sa malayang pamamahayag at malayang assembliya sa Bill of Rights.

5. Papayagan ang higit na dayuhang pakikialam at pananamantala sa pamamagitan ng pagpayag sa mga makaisang-panig ng mga trapo.

  • Bibigyang daan ang panunumbalik ng mga dayuhang base militar sa bansa.
  • Tatanggalin ang mga limitasyon at restriksyon sa pagpasok ng mga tropang dayuhan at kanilang mga pasilidad.
  • Mas mapapadali ang pagratipika sa mga makaisang-panig sa tratado at internasyunal na mga kasunduan para lamang sa interes ng mga dayuhan.

Stop Gloria’s CHA-CHA Now!

Sumama sa inter-faith prayer at protesta .

Disyembre 12, 2008(Biyernes), 4:00PM

Ninoy Aquino Monument, Ayala Ave. corner Paseo De Roxas, Makati City

Youth ACR Now assembly sa Rustan’s Ayala Ave., 2:00pm


Pages

Status

  • 19,220 hits

TULONG KABATAAN


ISANG MILYON. ISANG PANATA

TAYO ANG PAGBABAGO!


The Youth is on a Mission to Rock Philippine Politics. Be part.

no to CONASS!


2010 is nearing and as expected by many..CHACHA is now being pushed by the shameful CONASS! I would like to adress my shame to our Congressman Roman T. Romulo of Pasig for supporting the very unconstitutional CHACHA through the passing of HR 1109.

Come and join the widespread campaign of protesting against CONASS! Let us blog and post to all of our social networking sites such as Friendster, Multiply, Facebook our rage against the hasty passing of HR 1109.

-SORAL
(Image courtesy of : http://brianong.blogspot.com/)

Currently listenin’


Named after the traditional Navajo tobacco pipe given as a peace offering, PEACE PIPE arrives on scene bearing gifts: 10 songs with the same promise of their namesake to transport one from the natural world to the spectral world.
more at their MySpace : here

Blog scheds

October 2017
M T W T F S S
« May    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031