Archive for the 'Propaganda' Category



Mga ilang paalala…

Ok sa mismong sandaling ito ay nagsisimula na kong magsawa sa buhay ko and somethin just hit me and dammit.. she had hit me so darn hard. Id been infatuating someone. Darn. Pero hindi yan ang isyung bitbit ko ngayon. Maraming dapat pang isipin at syempre gawin. Tama na muna yang mga personal na problema..Unahin ang bayan. (Haha parang nde tlaga si *****e ang nagsasalita xp)

Ilang paalala mga kaibigan :

  • Sa darating na October29 2008,,ay pansamantala po muna sanang itigil ng mga OFW ang pagpapadala ng kanilang remitance para sa araw na iyon. Dahil gaganapin ang “Zero Remittance Day” Kung saan pansamatala po nating paparalisahin ang pagpasok ng remittance sa ating bansa bilang paraan ng ating pagrehistro at pagsasabi sa rehimen ni Gloria Arroyo ang labis na pahirap at pambubusabos nya sa ating mga kapatid na OFW. Para rin, tuligsain ang gaganaping Global Forum on Migration and Development kung saan plano gamitin ni Arroyo ito para sa mas marami pang anti-manggagawang polisiya laban sa ating mga mahal sa buhay na OFW.
  • Patuloy parin po sana nating tulungan ang ating mga kaibigang manggagawang walang pakundangang tinanggal ng Kowloon House sa kanilang trabaho. Ang kanilang pagkakatanggal ay walang batayan at gasgas. Ang tanging kasalanan lang nila ay ang paghingi ng karapatang talaga namang nararapat mapunta sa kanila : ang dagdag sahod na mismong ang gobyerno ang nagbigay. Ngunit talagang baluktot ang isip ng mga naghaharing uri at sa bagkus na ibigay ito ay mas sinugpo nila ang unyon ng mga manggagawa sa pamamagitan ng tuluyang pagtatanggal sa kanila sa kanilang mga trabaho. Isipin po nating mabuti : Pitumput tatlo ang taong sumubok humingi ng karapatan,,Pitumput tatlong tao ang tinanggalPitumput tatlong pamilya ngayon ang mas lalo pang naghihirap dahil lang sa kagagawan ng iilang naghaharing uri.

So ayun na nga,,bago nga tuluyang matapos ang gabi..Kasulukuyang ko paring pinoproblema ang dalawang bagay na to :

  1. Nagsasawa na ko sa buhay ko at..
  2. My freakin infatuating sickness to her.

Pero ayus lang..mas marami pang bagay na dapat unahin kesa sa sarili. Mas marami pa ang kailangang gawin. Tayoy kumilos. Kabataan, Pag asa ng Bayan.

Advertisements

Kowloon West workers on strike..

Una sa lahat : pasensya na dahil ngayon lang ako nagkaroon ng oras para mag update ng blog, lalo na sa partikular na blog entry na to.

Dawalang beses na akong nanggaling sa picket line ng mga manggagawang ilegal na tinanggal ng management ng Kowloon House sa Delta Quezon City.

At simula ng natanggal sila. Naguumapaw na suporta ang kanilang natanggap, partikular galing sa aming mga kabataan..ang youth sector.

At napakarami ko naring nakikitang mga blog entries patungkol sa Kowloon mass strike : click here, here, here and here. At ngayon panahon na para ako naman ang maglahad ng hinanaing at simpatya sa mga manggagawa.

So..Ano nga ba ang nangyari?

Noong Sabado, September 13, hindi na pinapasok ng mga guwardiya ang 73 manggagawa dahil sa desisyong ibinaba ng National Labor Relations Commission (NLRC) na pumabor sa isinampang kaso ng Kowloon Management na illegal strike laban sa aming unyon.

Tinanggal di-umano ang 73 manggagawa ng Kowloon dahil nagsagawa daw ng pagkilos ang manggagawa during their working hours. Iyon ang naging basehan ng NLRC kaya natanggal ang mga manggagawa. Ngunit mali ang NLRC, dahil isinagawa ng mga manggagawa ang tahimik na protesta sa oras ng kanilang breaktime. Ibig sabihin, wala silang naparalisang produksyon at walang paggawa ang natigil.

Ngunit bakit nga ba sila nagsagawa ng protesta?

Kami ay naglunsad ng sama-samang pagkilos dahil sa hindi pagpapatupad ng management ng mga wage order na ibinaba ng Regional Wage Board. Maliwanag na paglabag ito ng management sa aming Collective Bargaining Agreement (CBA). Nakasaad sa aming CBA na dapat ipatupad ng management nang across-the-board ang anumang dagdag sahod na ipag-uutos ng gobyerno. Hindi naman nag-file ng exemption ang management kaya’t wala silang dahilan ibinbin ang mga wage order #13 nang mahigit isang taon at patuloy na binbin itong pinakahuling wage order #14.

Dahil na rin sa aming sama-samang pagkilos, napilitang makipag-usap ang management at nakipag-ayos na ibibgay nila ang P50, mula sa P82 (na total na utang ng management sa aming mga manggagawa mula sa hindi pagpapatupad ng Wage Orders #13 at #14). Buong tiwalang nakipagkasundo ang aming unyong sa management sa harap pa mismo ng National Concilliation and Mediation Board (NCMB). Bagama’t naniniwala kaming kayang ibigay ng amangement nang buo ang aming mga kahilingan.

Ang protestang ipinaglaban ng mga manggagawa ay ang dagdag sahod na dapat lamang ibigay sa kanila ng Kowloon Management. Ngunit sa kabila ng wage order na ibinaba ng Regional Wage Board,hindi ito sinunod ng management kaya napilitang kumilos at manindigan ang unyon ng mga manggagawa.

Malaking bagay din para sa pamilya ng 73 na manggagawa ang dagdag sahod sanang dapat nilang natikman. Ayon sa datos ng mga manggagawa..

TOTAL BACK WAGES NA HINIHINGI NG MGA MANGGAGAWA MULA SA MGA WAGE ORDERS = P3,498,600.00

BENTA NG KOWLOON HOUSE SA SIOPAO SA ISANG ARAW (7,000 pcs. X P47.00) = P329,000.00 X 11 DAYS = P3,619,000

11 araw na benta ng SIOPAO lang ang katumbas ng BACK WAGES ng mga manggagawa!

Kung hahatiin sana ang P3,498,600.00 back wages sa 73 manggagawa..malaki laki rin sanang ginhawa ang hatid nito sa kani kanilang pamilya. Ngunit imbes na makamit ito. Sila ngayon ay  walang trabaho at kasalukuyang nasa picket line sa labas ng kanilang dating pinapasukan.

“To protest is to be fired. Be at the mercy of the capitalist, accept all injustices.

“This is gradually becoming the rule nowadays, as workers who demand for their legitimate rights, in a legitimate way, become automatic victims of termination,” said Roger Soluta, Kilusang Mayo Uno Deputy Secretary General.

Sadyang baluktot at gasgas na talaga ang kasalukuyang sistema. Ang tanging hangad lang ng 73’ng manggagawang natanggal ay ang dagdag sahod na nararapat lamang nilang makamit. Ngunit ang isinagot ng Kowloon management ay ang walang habas na pagsipa sa mga manggagawa. Ang mga manggagawang tinanggal ay pinalitan ngayon ng dose-dosenang security guards. At ngayon, and dating masasarap na lutuin sa Kowloon House ay hindi na ganun kasarap. Dahil ang mga beteranong cook nito ay kasama sa mga natanggal.

At nararapat lamang na suportahan natin ang mga manggagawa.

At kami po, ng AnakBayan-JRU ay sumusuporta sa 73 mangagawang inalis. Ang aming suporta ay nasa uring manggagawang anakpawis na syang naghihirap na nagtatrabaho sa kamay ng mga kapitalista. Dahil ang uring manggagawa ay ang uring magpapalaya sa ating lahat sa kamay ng Imperyalismo, Burukrata kapitalismo at Pyudalismo. Kaya taas kamao kaming sumusuporta at tutulong sa kanilang laban. At kung kinakailangan na araw araw kaming bumisita sa kanilang picket line, gagawin namin.

wala ka nang matitikman na masarap na pancit canton dahil ang mga dating nagluluto ng ating mga masasarap na pagkain ng Kowloon ay nasa labas na ngayon ng restawran at naninindigan
para sa kanilang mga karapatan

iboykot ang mga produkto ng Kowloon!

na malapit nang mahaluan ng dugo dahil kada araw na lumilipas ay isang araw din ng kagutuman at paghihirap para sa mga pamilya ng mga tinanggal sa trabahong mga mangagagawa ng Kowloon para na rin silang pinapatay ng mga ganid sa tubong may ari ng Kowloon.

Jay del Rosario on Bikoy.nets blog : http://www.bikoy.net/archives/2008/09/23/on-the-kowloon-restaurant-workers-strike/

Mga paraan para suportahan ang 73 manggagawa :

  • Bumisita sa picket line ng mga manggagawa. Sa Kowloon House, #16 West Avenue, Quezon City. Makipag usap at makisalamuha sa mga manggagawa para lalong mapaglalim at maintindihan ang laban na kanilang isinusulong.
  • Sabihin sa lahat ang nangyari sa 73 manggagawa. Gumawa ng blog entry katulad nito at ng marami pang ibang blogs patungkol sinapit ng ating mga kapatid na Anakpawis.
  • Pansamantala po nating i-boykot ang lahat ng produkto ng Kowloon House. Bagaman alam naman nating masarap ang siopao at pansit canton sa Kowloon,,pansamantala po nating tiisin na wag silang kainin. Isa po ito sa pinaka epektibong pagpapakita ng suporta at simpatya sa mga manggagawa.

– SORAL

September 30 2008, 09:25 PM

Sa isang pribadong computer shop


Pages

Status

  • 19,502 hits

TULONG KABATAAN


ISANG MILYON. ISANG PANATA

TAYO ANG PAGBABAGO!


The Youth is on a Mission to Rock Philippine Politics. Be part.

no to CONASS!


2010 is nearing and as expected by many..CHACHA is now being pushed by the shameful CONASS! I would like to adress my shame to our Congressman Roman T. Romulo of Pasig for supporting the very unconstitutional CHACHA through the passing of HR 1109.

Come and join the widespread campaign of protesting against CONASS! Let us blog and post to all of our social networking sites such as Friendster, Multiply, Facebook our rage against the hasty passing of HR 1109.

-SORAL
(Image courtesy of : http://brianong.blogspot.com/)

Currently listenin’


Named after the traditional Navajo tobacco pipe given as a peace offering, PEACE PIPE arrives on scene bearing gifts: 10 songs with the same promise of their namesake to transport one from the natural world to the spectral world.
more at their MySpace : here

Blog scheds

January 2018
M T W T F S S
« May    
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031