Archive for the 'Thoughts' Category

Tagpi tagping alaala mula sa data folder ng CP ko…

 

October11.

Sa isang di inaasahang pangyayari ay tuluyan nang nawala ang pinakamamahal kong CP. Siguro ay korni kung gagawan ko pa to ng isang blog entry; pero para sakin kase ay napakalaki ng sentimental na halaga nito. Bukod sa bigay sakin yun ng ermat ko; naging imbakan din kase yun ng mahahalagang pangyayari at ng mga signipikanteng indibidwal na dumaan sa buhay ko. Naging photo album din iyon ng mga larawan ng pakikibaka : ng mga makasaysayang kilos protesta-maging LR man o malakihang mob.

Sa blog entry na to’ hayaan nyong balikan ko ang ilang indibidwal at pangyayari-mula sa data folder ng CP ko..

Minsan sa Morayta..

Ang litratong ito ang isa sa mga pinaka unang litratong nalikha sa cp ko. Ako at ang aking dood. Teh good old days.. Kinunan ang larawan noong ika 3 ng Hunyo, 2008. Kung bakit sa gilid ng lansangan ng Morayta namin naisip gawin to’ ay hindi ko alam. Siguro sa kadahilanang parehas kaming walang pera nung araw na yun. Kaya sa gilid nalang ng MCDO kami umupo; sa tapat ng dati nyang pamantasan, FEU. Natatawa parin ako minsan kapag naaalala ang araw na yon. Iyon kasi ang unang beses na nagkita kami ng personal. At ako; sa isang pyudal na isipang kailangan ang lalaki ang nanlilibre ng tanghalian sa babae; ay walang ibang dala kungdi pamasahe pauwi. Parehas kaming broke ng araw na yon.  Nagkasya nalang kami sa Oishi bilang meryenda..pewro wag ka; dahil busog naman kami sa kwentuhan. Yun siguro kasi ang panahahon na literal na bestfriend palang ang trato ko sa kanya. Di kasi nagtagal at naging iba ang turing ko sa kanya. At ako bilang isang mapangahas ay tumawid sa mga linyang hindi dapat tawiran sa pagitan naming dalawa. Naging lampas sa pagiging kaibigan ang tingin ko sa kanya at isang araw ay tuluyan na akong nalunod-sa kanya..

Pero tapos na yun.

Salamat nalang at naresolba na ang lahat sa pagitan namin; sa tulong ng ilang indibidwal na tinuturing kong pamilya at sa tulong din nya ay naitama na ang lahat at nito lang ay nakipag rekonsila na ako sa kanya. The fact na malaya ko nang nakwekwento to ay isang manipestasyon na ok na ang lahat sakin.

Ano’t ano pa man. Bigla ko na namang naalala si dood. Siguro’y dahil sa pagkawala ng CP ko..

VSF at Pale

Ang sunod namang buong giliw kong ipinapakita ay ang larawan ng tinuturing kong naging isa sa pinakamatalik kong bestfriend (pinakamatalik+bestfriend=redundant? haha). Si Vane o VSF(na pinahabang Vanene..ay! wag na pala ang korni. haha)

Si Vane; hindi pa naman ganun katagal mula nang naging magkaibigan kami, pero sa maikling panahong iyon ay naging matalik na kaibigan ko sya agad. Siguro kung hindi nya ako pinilit na pumuntang SM North para pag ayusin kuno ang magka LQ’ng anak nyang si Jien at Laecey; kung hindi nya siguro ako nilibre ng monster float na minadali naming ubusin sa Ortigas station para makabili na agad ng ticket; kung hindi nya siguro ako nilibre ng manipis na librong Das Kapital ni Karl Marx(published by Ibon books) at lastly; kung hindi nya siguro nakuha ang atensyon ko kahit na napaka dali nyang makasundo, makatawanan at kung hindi siguro sya masarap kasama-siguro ay hindi kami magiging ganto ka close ngayon.

Walang dull moments pag kasama ko si VSF. Naalala ko yung mga panahong hindi pa sya ganun ka-occupied. Both sa pagaaral at lovelife. Iyun yung mga panahong kasama ko pa sya palagi kaharap ang isang mesa na may pitchel at matador. Madalas kaming uminom. Drinking buddy nga ang turing ko dyan eh. Minsan umiinom kami ni VSF para may magawa lang; pero madalas ay umiinom kami para makalimot. May kanya kanya kasi kaming rants na nare resolba lang pag nainom kami. Isa pang naalala ko ay kapag nagsusunog kami ng oras sa powerbooks. Siguro dahil sakin ay nagiging palabasa din sya ng libro. Pero anut ano paman; isang manipestasyon lang yon na pede pala akong maging good influence. Teh heck? haha.

Camwhore din si VSF. Kapag tinignan mo nga, sa dami ng litrato nya sa CP ko ay aakalain mong kanya ang CP ko.

Pero ang isa sa pinaka paborito kong larawan ay ang nasa kanan na nakikita nyo. Ito ay kinunan noong June 05, 2009. Galing syang Cavite nun. Kasalakuyan akong nasa klase nun nang bigla syang mag txt na pauwi na daw sya. Sa kadahilanang wala naman kaming prof ay kinita ko sya sa EDSA Central.  Sakto naman dahil ganado ata sya manlibre nung araw na yun. Nilibre nya ako ng fries sa MCDO at dun kami nagkwentuhan. Medyo matagal din kasi kaming di nagkita nun. Siguro ay nasarapan sya sa panglilibre dahil pagkatapos ng kainan at kwentuhan sa Mcdo ay nilibre nya naman ako ng isang bote ng Pale sa katabing inuman ng serbesa sa Edsa Central, at dun ay tinuloy namin ang walang katapusang kwentuhan.

Teh good old days…

Ito yung mga panahong hindi pa siguro ramdam ni VSF na graduating student na sya. Ito rin yung mga panahong hindi pa sya okupado sa lovelife. Di tulad ngayon. Pero kahit ganun paman ay hindi naman ako nagtatampo. At least, shes having the time of her life. Masaya rin ako na nakikta syang kuntento sa kasama nya ngayon. Iyon naman kasi talaga ang gusto namin ni VSF eh-ang maging masaya at kuntento. Sa lovelife. Sa kasamaang palad nga lang ay hindi pa ko resolve sa usaping yan, pero at least sya ok na. Tama ba VSF?

Mga larawang wala nang naiwang bakas

Marami pa sana akong gustong ipakita. Ngunit sa kadahilanang hindi ko na nagawang i-upload ang mga to sa online photo album ko ay hindi ko na tuloy sila maipapakita ngayon.

Karamihan sa mga larawang ito ay mga larawan ng pakikibaka sa lansangan. Ito yung mga sandaling pinakamasarap talaga sa pakiramdam. Kasama ang buong kolektib habang nagmamartsa papunta sa lugar ng programa. At sa kalaunan ay kasama naman ang lahat ng handang makipag pukpukan sa mga pulis.

Isa saga hindi malilimutang alaala ay nooong kinubkob namain at pinapula ang Mendiola. Nagulat din ako nun. Hindi ko naman kasi akalaing mapapasok talaga namin ang Mendiola. Pero dahil siguro sa malakas ang ulan noon at mas malakas ang diwa ng lahat ng kabataan na makapasok sa Mendiola; nagawa naming pasukin ang Mendiola at ng mga sandaling yon ay nagmistulang pinagpalang purok ang lugar na yun. Hindo malilimutan ang muka ng mga kasama; masayang masaya sila na may kasamang agit na ngiti. Hehe. Maraming larawang inuluwal ang CP ko nung araw na yun. Pero sa kasamaang palad ay hindi ko na sila nagawang iupload.

Ilan lang ang mga ito sa mga mahahalagang indibidwal at pangyayari na iniluwal lahat ng data folder ng cp ko. Ngunit gustuhin ko mang panghinayangan ito ng mas matagal; wala na rin naman akong magagawa at kung iisipin; hindi naman dapat maging masyadong upset dahil dun. Dahil nawala ang CP ko habang papunta kami sa isang relief operation. Hindi tulad ng unang pagkawala ng cp ko kung saan nawala ito habang nagpapaka burgis ako sa isang gig. Nawala ang cp ko habang sinusubukan kong makatulong sa iba. Hindi bat sapat na dahilan na iyon para hindi ako manghinayang ng sobra sa pagkawala nito?

Kung bakit napaka baba na naman ng moral ko ngayon.

Hindi ko talaga alam kung paano sisimulan ito. Hindi rin malinaw sakin kung paano ito tatapusin. Na para bang nawala na naman lahat ng lohika ko at hindi ako makapag isip ng maayos. Ewan. Epekto siguro ng kasalukuyang iniisip ko. Kung ano ito ay hindi ko sigurado kung paano sasabihin. Lalo na sayo. Pero nandito kana rin naman kaya wala na akong magagawa.

Ganto kasi yun. Sampung buwan na ang nakakaraan ay nagkaroon ako ng isang infatuation(paghanga) sa isang tao. Pero dahil siguro sandali lang sya namalagi sa Manila + nahulog ako sa iba ay naglaho rin agad ang nararamdaman kong infatuation. At nang mga oras na yon ay sising sisi nga ako sa sarili ko dahil nakaalis na sya’t lahat ay hindi ko man lang nasabi iyon sa kanya. Na para sakin ay napaka lamya(lame).

Pagkatapos ay humayo kami sa sarili naming mga buhay. Nanatili kaming magkaibigan. Magkaibigan hindi sa antas na sobrang kilala at kabisado na namin ang isat isa kungdi antas “acquaintance” lang. Tung tipong kakamustahan  at kabalitaan lang. Dumaan din kami sa magkahiwalay na pagkabigo sa pagsubok na sumaya ngunit nanatili parin ang antas acquaintance na pagkakaibigan namin.

Hanggang sa wakas ay nagkaroon uli kami ng tyansa para magkasama. At nang mismong oras na yon ay parang kabute na bumalik ang akala-koy-naglaho-nang-infatuation. Isang bagay na nakakainis at nakakatawa sa parehong pagkakataon. Nakakainis dahil pakiramdam ko na naman ay nakalambitin sa isang mataas na bangin(kahit na hindi ko pa talaga yan nararanasan literally). Nakakawatawa dahil para akong sira ulo na bigla na lang napapangiti kapag naaalala ko sya.(Isang malinaw na manipestasyon ng pagiging praning)

Ayon sa istorikong materyalismo : Walang bagay na basta basta na lang sumusulpot.Bago umusbong ang isang bagay ay mayroon munang materyal na kondisyon kung bakit ito naganap. Kung gagawin kong halimbawa ang problema ko ngayon ay ganto ang magiging itsura : Hindi  basta basta na lang lumitaw ang infatuation ko sa kanya; ang kanyang witty at provoking(dahil palagi akong napapaisip tuwing katalakayan ko sya) personality ang nag create ng material condition para magustuhan ko sya. Sa parehong paraang kaya siguro napaka baba ng aking moral(self esteem) ngayon. Ang pagiging late bloomer(mabagal) ko ang naging dahilan kung bakit nawala na naman ang tyansa ko na sabihin sa kanya ang lahat. Kung bakit ba palagi nalang ako wala sa timing..ay hindi ko rin alam.

kelan ko kaya to magagawa sa kanya? haha

Ganto kasi yun. Siguro ay lalabas na napaka suhetibo(subjective) ko kung sasabihin kong dahil lang sa aking kutob(instinct) ay alam ko na mayroon na syang KR(Ka Relasyon) ngayon. Parang ang sarap iuntog ng ulo ko sa peder dahil sumablay na naman ako sa pangalawang pagkakataon.

Ang isa ko pang kinatatakutan ay baka mag create ang infatuation ko ng panibagong material condition para maging dahilan ng pagkasira ng aming magandang pagkakaibigan. Hindi na bago sakin ang ganyang mga tagpo dahil nasaksihan ko na noon kung paano masira ang pagkakaibigan ng dalawang indibidwal dahil sa ginusto ng isa na tawirin ang linya na hindi naman dapat tawirin sa pagitan nila.

Kaya siguro tama narin ang desisyon ko na umiwas nalang muna. Sa pagkakataong ito ay pinili kong maging konserbatibo(play safe) kaysa pagiging adbenturismo(risk taker). At tsaka masyado pa naman talagang maaga para sabihing nahuhulog na talaga ako sa kanya. Sabi ko nga..infatuation o paghanga palang ito. Pero diba lahat naman ay nagsisimula muna sa paghanga? Pagkatapos ay magkakaroon ng material condition kung saan aangat ito sa mas mataas na lebel.

Pero sa ngayon : hahayaan ko na lang muna ito at magiging kontento na lang muna sa paghigop ng mainit na kape. Pangalawang refill ko na pala ito para sa madaling araw. Ramdam ko na ang tadyak ng kape. Malamang sa malamang ay hindi na naman ako makakatulog nito.

Tama! Siguro ay magpapabangag na lang muna ako sa kape habang naghihintay. Sabi nga ng isang kolektib :  MAHALIN ANG PAGHIHINTAY.

-SORAL
081809/0315AM

Napagiiwanan(na naman..)

Sa di maipaliwanag na dahilan ay nagdaan na naman ang aking blog  sa isang hiatus.  Sigh. Imagine : Isang buwan na namang na blangko ang espasyo ng blog ko. Actually, meron sana akong ipu-publish na blog post noong July 17. Isang blog post para gunitain ang isang taong anibersaryo ng pagkaka suspindi ko kasama ang 18 na kapwa estudyante sa Jose Rizal University, but came up short dahil sa napakaraming activities : both from academics and the mass movement.

Nandyan na palagi akong naghahabol ng oras dahil parati na lang akong late sa first subject ko which is ACC11(Accounting11), na sa tingin ko eh dapat ko nang i-withdraw bago pa ako i-drop ng Prof. ko na hindi ko parin kilala hanggang ngaun(Imagine : tapos na ang Prelims, d ko parin sya kilala). Sunod sunod din ang mga nagaganap na Mob(Mobilization) o pagkilos ng YS(Youth Sector) nitong mga nakaraang buwan. Pero hindi ko naman sinisisi ang pagpunta at paglahok sa mga pagkilos.   Dahil para sakin eh makatarungan naman ang aking ginagawa. Sa katunayan, kaya kong ipagpalit ang isang mataas na grado para sa pagpunta sa mga Mob. Hindi na ako magtataka kung mababa ang grado ko sa hindi-naman-ganun-kahirap na ENG11. For god’s sake! Haha. Pero kasi minsan na lang din ako makapasok sa ENG11 class ko na tuwing MWF,230-330. Haha. Hindi ko din pala kilala ung Prof. ko dun. Tsaka badtrip eh..kung magturo eh para kaming ginagawang bata? Ano kami HighSchool? Haha. Kung wala lang akong crush dun..d ko na pinasukan yun eh. Haha. Pero syempre, biro lang. Ang mahal kaya ng tuition!

Mga late na paperworks..

Syempre..una na sa listahan ko yung supposed to be blog entry ko nga para sa JRU19.  Ang dami pa ng kulang ko..Ni hindi ko pa nga napapa scan ung mga visual evedences regarding that event. Napaka comprehensive kasi ng ginagawa kong draft eh. Haha. Yun nga lang..dahil sa mapahangas kong pagandahin iyon..eh hindi ko sya agad na publish sa supposed to be date nya, which is : July17.

JRU19(Pahapyaw)

Sigh. Isang taon na din pala ung lumipas. Ang bilis ng panahon. Basta abangan nyo nalang.  Lalo na ng mga magaaral ng JRU. Kaunti lang kasi ang nakakaalam ng pangyayaring iyon ng July17. Isang araw bago ang aming Prelim exam..ay nagsagawa kami ng isang snake rally para hikayatin ang kapwa namin estudyante na sumama sa pagkilos kinabukasan, July18 para sa National WalkOut Day ng mga kabataang magaaral.

Pero wala eh. Naging marahas ang naging tugon ng Admin sa amin. At ang sumunod na nangyari? Sinuspindi ang 19 estudyante-aktibista ng JRU Admin, hindi napahintulutang kumuha ng prelim exams, hindi nakapasok ng hals dalawang linggo..na naging dahilan upang maabala ang aming klase, hindi nakasama ng field trip(eto ang badtrip! haha), at ang pinaka masaklap : Ang pagtanggal ng tuluyan sa pamamagitan ng Forced Tranfer na parusa sa apat naming kasamang sila Louie, Kester, Aica at Mike.  Isang patunay na laganap ang pasismo di lang sa labas, kungdi pati sa loob ng pamantasan. Pasismo ang pangunahing tugon laban sa mga kabataang nagbabandila ng karapatan, at nagsusulong ng pakikiaalam sa pampulitikang kalagayan ng ating bansa.

Ang problema kasi sa aking sintang paaralan, which is JoseRizalUniversity : ay halos lahat(both the students and faculy) ay masyadong passive. Yun ang wala silang pakialam sa pampulitikang kalagayan ng ating bansa. Nilalayo nila ang mga estudyante sa mga progressive theory at idealism. “Mag aral na lang kayo”. Yan ang palagi nilang sinasabi. Peso para sa akin pwede namang pagsabayin ang pagaaral at pakikialam. Hindi ba?

Sinabi ni Rizal na “Ang Kabataan ang Pag asa ng bayan”. Pero ano ang ginagawa nila sa pag-asang ito? Kailan pa naging mali ang pakikialam sa social issues? Malabo. Pero kung patuloy nalang na ganyan..talagang mapag iiwanan tayo nyan.

Kaya kumilos ka. Simulan mo ngayon. Tutulungan kita. XP

Protected: Teh June03 Acquaintance..

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Myerkules

March 26, 2009.

Sinorpresa ako ng dalawang tao na di ko inakalang biglang magpaparamdam sakin : Si Chriz at Mata*. Around 0530PM, habang nakahiga at nagso-soundtrip, narinig ko na lang may tumatawag sa akin sa labas. At pag silip ko ay, un na nga. Medyo nagulat nga lang ako. Around  7++months na rin kasi si Chriz ngayon, at talagang malaki na ang tyan nya, kaya nagulat ako na bigla na lang sya pumunta sa bahay. Si Mata naman matagal ko nang kinukulit sa YM na magpakita na sakin, lampas 25years(hindi, around 7++months lang pala. haha) na kasing nasa kanya yung pinaka iingatingatan kong libro na bigay pa sa akin ng isa sa mga pinaka importanteng tao sa buhay ko. Pero dahil sa palagi syang busy(busy-han. haha), hindi ko inakalang makikita ko sya anytime soon.

Ayun na nga, pinatuloy ko silat at may dala palang dalawang malalaking box ng selecta ice cream si Mata. Tamang tama naman, sa kadahilanang tinamaan kami ng global financial crisis at kasalukuyan kaming nakararanas ng recession…nilantakan namin ang ice cream. Haha.

Ngunit sa di-sinasadyang kadahilanan..ang pagbisita nilang dalawa ay biglang nagpaalala sa akin ng isang bagay(o tao) na gusto ko munang kalimutan for the meantime. Unahin na natin si Chriz. Chriz used to be my highschool infatuation. A fervor. But my lack of guts and balls has caused me to lost her forever. Ang bagal ko kasi eh. Until I heard one day that shes already pregnant. That’s it for me. Game over. Waiting wont be necessary. But fortunately I managed to get over her. Thanks that i met someone, someone that is speacial and unique at the same time. But I cant believe that the same thing would happen to me again! Am I really that unlucky? or Im just plain dumb and stupid? (Sa mga nakakakilala sakin, alam nyo na siguro kung saan ako papunta) Nuff said. Balik tayo kay Chriz. Ayun na nga, as I had said earlier, shes now on her 7th months of her pregnancy an d there’s a chance na mag ninong ako sa baby nya and to sum it up, were good friends now.

Si Mata naman, isinauli na sa akin sa wakas ang pinahiram kong libro sa kanya. Greg Iles’s Blood Memory, which Im not that optimistic to hold right now. That, that book was given to me around June of last year by the very person that I remember everytime I see Chriz and her already huge, life-sustaining belly. That book was one of the very first memento I got from her. Natatawa nga ako, kasi dapat hihiramin ko lang talaga yung libro. But she end up gaving that to me as a gift. That’s why that book is very important to me. And that’s also WHY I dont want to see that book for now, cuz’ that book reminds me of evrything bout her. Ehrg! balik tayo kay Mata, ayun dahil sa matagal na rin sa kanya yung libro at dahil sa once in a blue moon lang sya magpakita.kinuha ko na rin yung book (though it really, really reminds me of this entity who used to owe and read that book before me. ehrg).

So there you have it. Those are the reasons behind my sudden upset upon seeing the two of them. Na nawala naman agad dahil hinestly, miss ko na rin ang mag bestfriend na yun. Kaya masaya narin akong maka kwentuhan sila after quite a long time now.

Wala namang nagbago kay Chriz(‘cept for her features. XP). Si Mata naman, ganun parin : maingay at malakas tumawa. Haha. Not to mention na malaki parin ang mata nya. Haha. Peace.

We chatted and hang for an hour or two, then around 0700PM they decided to go home. Kaya ayun, hinatid ko sila sa labas at sinamahan hanggang sa makasakay sila.

And that is, the highlight of my Wednesday. How ironic though. ‘Cuz no matter how I try to temoprary forget it, something would come and remind it to me. Which really pisses me off. Mabasa na nga lang muna ulit ang Blood Memory sa simula(Got the punchline? Haha. T_T).

-SORAL
032609/0450AM
While the song Razor by New Years day being played repeatedly.

Lunes

March 25.

PESOS PARTIPIPOL na naman sa Dayo. Pero sa totoo lang, as much as possible talaga ay ayoko munang magpakita sa kanilang lahat dahil may naalala lang akong isang bagay(o tao). Pero dahil sa hindi lang basta basta isang gig yun, dahil iyon ay birthday gig ni Marian(although sa 29 pa ang beerday nya), pumunta ako.  Its Marian’s birthday gig for all HELL’s sake! There’s no chance in HELL that I would miss it! At isa pa, since the day before Monday, ginusto ko na talagang pumarty ng todo at magpaka wasak.

Kaya ayun, I dragged my ASS, kasama ang sa kapatid ko papuntang Dayo bar. Buti na lang sinama ko ang kapatid ko, sa kadahilanang talagang broke ako noong araw na iyon at walang pambili ng alak. At ayun na nga, kahit na anong pagpapaalala at payo sa akin ni Aian, pumunta parin ako. Nahihiya nga ko sa kanya, kasi although she has her own problems, she’s still there trying to comfort and cheer me up. Pero nanaig parin ang diwa ko na pumuntang Dayo bar at magpakalasing.

Barbie, Marian, Cryz, Kheem, Fradge, Elmo, Nex, Tabis, Joanna, Chad, Yola, Allan, Emman, Mhae, Asiz at shitloads ng Reh Horse at Colt 45 : Sila ang nadatnan ko pagdating sa Dayo.

Sayang nga lang dahil pagdating ko ay akauwi na sila Athena at Khimiko. At sayang nga lang dahil tapos narin palang tumugtog sila Eagleman(hindi ko na naman napanood kumanta si Fradge! ). Pero ayos lang. At dun na nga nagsimula ang lahat. Nang dahilo sa pahingi hingi ko ng alak sa kanila at dahil sa matagumpay kong pagpilit sa kapatid kong bumili ng isang bucket ng RH(na kami lang ang umubos..), ilang sandali pa ay tinamaan na ako at naging kahiya hiya na ang mga sumunod na nangyari.

Kung kani-kanino na ako nag open ng rants ko. Some felt bad and sorry for me, wjile some throw violent reaction against my stupidity, and one even gave me this reality check : “Hindi ka naman talaga nya gusto, si [insert-name-here] ang gusto nya.” But it’s all good. Thats their opinions anyways, which I respectfully accepted.

Nakakatawang nakaka nga lang. Majority kasi sa kanila eh alam na o kilala na ang problema ko. Sa tinagal tagal ng fervor ko ay wala akong sinabihanni isa man sa kanila. Isang tao lang naman talaga ang sinasabihan ko ng problema ko at ng lahat lahat ei. At iyon ay ang mismong taong isa sa dahilan kung bakit napaka pessimistic ko ngayon. At nang natapos ang araw na yon, sigurado, alam na ng buong mundo ito. Ehrg.

So ayun, napaka self centered ko naman kung tatpusin ko ang blog entry na to na puro tungkol lang sa akin ang laman. Hindi lang naman ako ang may problema noong gabing yon. May kanya kanya rin silang problema malamang. Kaya naman nagpapasalamat ako sa kanila dahil kahit problemado sila, kinausap parin nila at na tolerate ang isang d0chebag na tulad ko.

After all, that’s the firct time na nag open ako ng problema sa PESOS(‘cept for HER)

Linggo

Ika 22 ng Marso.

Isang parte ko ang namatay noong araw na to’. Sa mismong araw ring to ako napakilala sa isang masaklap na reyalidad kung saan para akong sinampal. Sinampal ng katotohanang tumapos sa lahat ng aking maling pag asa. At nagiiwan na lang sa akin ngayon ng mapait, mapakla at masalimuot na estado o kalagayan.

Sa totoo lang, hindi ko parin alam kung paano pupulutin ang aking sarili. At ano mang paraan para subukan akong pasiyahin ng mga tao sa paligid ko ay walang kwenta sa ngayon. Sa kadahilanang lahat ng uri ng logic o reasoning ko ay pansamantala ko munang isinantabi. Dahil isa lang talaga ang gusto kong maramdaman ngayon : Ang pagragasa ng malamig na serbesa mula sa aking bibig papunta sa aking lalamunan at tiyan. At pangalawa, ang pag akyat ng mainit at mapait na likido mula sa aking tiyan papunta sa aking lalamunan at bibig.

Napagpasyahan kong tapusin ang linggo ko sa pamamagitan ng isang phone call. Phone call na tumapos naman sa lahat ng masasayang ilusyon ko. Masasayang ilusyon ko kung saan nagiiwan na lang ngayon sa akin ng mapait na pakiramdam : EMPTINESS.

-SORAL
032509/0235PM

Pages

Status

  • 18,985 hits

TULONG KABATAAN


ISANG MILYON. ISANG PANATA

TAYO ANG PAGBABAGO!


The Youth is on a Mission to Rock Philippine Politics. Be part.

no to CONASS!


2010 is nearing and as expected by many..CHACHA is now being pushed by the shameful CONASS! I would like to adress my shame to our Congressman Roman T. Romulo of Pasig for supporting the very unconstitutional CHACHA through the passing of HR 1109.

Come and join the widespread campaign of protesting against CONASS! Let us blog and post to all of our social networking sites such as Friendster, Multiply, Facebook our rage against the hasty passing of HR 1109.

-SORAL
(Image courtesy of : http://brianong.blogspot.com/)

Currently listenin’


Named after the traditional Navajo tobacco pipe given as a peace offering, PEACE PIPE arrives on scene bearing gifts: 10 songs with the same promise of their namesake to transport one from the natural world to the spectral world.
more at their MySpace : here

Blog scheds

August 2017
M T W T F S S
« May    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031