Posts Tagged 'dood'

Tagpi tagping alaala mula sa data folder ng CP ko…

 

October11.

Sa isang di inaasahang pangyayari ay tuluyan nang nawala ang pinakamamahal kong CP. Siguro ay korni kung gagawan ko pa to ng isang blog entry; pero para sakin kase ay napakalaki ng sentimental na halaga nito. Bukod sa bigay sakin yun ng ermat ko; naging imbakan din kase yun ng mahahalagang pangyayari at ng mga signipikanteng indibidwal na dumaan sa buhay ko. Naging photo album din iyon ng mga larawan ng pakikibaka : ng mga makasaysayang kilos protesta-maging LR man o malakihang mob.

Sa blog entry na to’ hayaan nyong balikan ko ang ilang indibidwal at pangyayari-mula sa data folder ng CP ko..

Minsan sa Morayta..

Ang litratong ito ang isa sa mga pinaka unang litratong nalikha sa cp ko. Ako at ang aking dood. Teh good old days.. Kinunan ang larawan noong ika 3 ng Hunyo, 2008. Kung bakit sa gilid ng lansangan ng Morayta namin naisip gawin to’ ay hindi ko alam. Siguro sa kadahilanang parehas kaming walang pera nung araw na yun. Kaya sa gilid nalang ng MCDO kami umupo; sa tapat ng dati nyang pamantasan, FEU. Natatawa parin ako minsan kapag naaalala ang araw na yon. Iyon kasi ang unang beses na nagkita kami ng personal. At ako; sa isang pyudal na isipang kailangan ang lalaki ang nanlilibre ng tanghalian sa babae; ay walang ibang dala kungdi pamasahe pauwi. Parehas kaming broke ng araw na yon.  Nagkasya nalang kami sa Oishi bilang meryenda..pewro wag ka; dahil busog naman kami sa kwentuhan. Yun siguro kasi ang panahahon na literal na bestfriend palang ang trato ko sa kanya. Di kasi nagtagal at naging iba ang turing ko sa kanya. At ako bilang isang mapangahas ay tumawid sa mga linyang hindi dapat tawiran sa pagitan naming dalawa. Naging lampas sa pagiging kaibigan ang tingin ko sa kanya at isang araw ay tuluyan na akong nalunod-sa kanya..

Pero tapos na yun.

Salamat nalang at naresolba na ang lahat sa pagitan namin; sa tulong ng ilang indibidwal na tinuturing kong pamilya at sa tulong din nya ay naitama na ang lahat at nito lang ay nakipag rekonsila na ako sa kanya. The fact na malaya ko nang nakwekwento to ay isang manipestasyon na ok na ang lahat sakin.

Ano’t ano pa man. Bigla ko na namang naalala si dood. Siguro’y dahil sa pagkawala ng CP ko..

VSF at Pale

Ang sunod namang buong giliw kong ipinapakita ay ang larawan ng tinuturing kong naging isa sa pinakamatalik kong bestfriend (pinakamatalik+bestfriend=redundant? haha). Si Vane o VSF(na pinahabang Vanene..ay! wag na pala ang korni. haha)

Si Vane; hindi pa naman ganun katagal mula nang naging magkaibigan kami, pero sa maikling panahong iyon ay naging matalik na kaibigan ko sya agad. Siguro kung hindi nya ako pinilit na pumuntang SM North para pag ayusin kuno ang magka LQ’ng anak nyang si Jien at Laecey; kung hindi nya siguro ako nilibre ng monster float na minadali naming ubusin sa Ortigas station para makabili na agad ng ticket; kung hindi nya siguro ako nilibre ng manipis na librong Das Kapital ni Karl Marx(published by Ibon books) at lastly; kung hindi nya siguro nakuha ang atensyon ko kahit na napaka dali nyang makasundo, makatawanan at kung hindi siguro sya masarap kasama-siguro ay hindi kami magiging ganto ka close ngayon.

Walang dull moments pag kasama ko si VSF. Naalala ko yung mga panahong hindi pa sya ganun ka-occupied. Both sa pagaaral at lovelife. Iyun yung mga panahong kasama ko pa sya palagi kaharap ang isang mesa na may pitchel at matador. Madalas kaming uminom. Drinking buddy nga ang turing ko dyan eh. Minsan umiinom kami ni VSF para may magawa lang; pero madalas ay umiinom kami para makalimot. May kanya kanya kasi kaming rants na nare resolba lang pag nainom kami. Isa pang naalala ko ay kapag nagsusunog kami ng oras sa powerbooks. Siguro dahil sakin ay nagiging palabasa din sya ng libro. Pero anut ano paman; isang manipestasyon lang yon na pede pala akong maging good influence. Teh heck? haha.

Camwhore din si VSF. Kapag tinignan mo nga, sa dami ng litrato nya sa CP ko ay aakalain mong kanya ang CP ko.

Pero ang isa sa pinaka paborito kong larawan ay ang nasa kanan na nakikita nyo. Ito ay kinunan noong June 05, 2009. Galing syang Cavite nun. Kasalakuyan akong nasa klase nun nang bigla syang mag txt na pauwi na daw sya. Sa kadahilanang wala naman kaming prof ay kinita ko sya sa EDSA Central.  Sakto naman dahil ganado ata sya manlibre nung araw na yun. Nilibre nya ako ng fries sa MCDO at dun kami nagkwentuhan. Medyo matagal din kasi kaming di nagkita nun. Siguro ay nasarapan sya sa panglilibre dahil pagkatapos ng kainan at kwentuhan sa Mcdo ay nilibre nya naman ako ng isang bote ng Pale sa katabing inuman ng serbesa sa Edsa Central, at dun ay tinuloy namin ang walang katapusang kwentuhan.

Teh good old days…

Ito yung mga panahong hindi pa siguro ramdam ni VSF na graduating student na sya. Ito rin yung mga panahong hindi pa sya okupado sa lovelife. Di tulad ngayon. Pero kahit ganun paman ay hindi naman ako nagtatampo. At least, shes having the time of her life. Masaya rin ako na nakikta syang kuntento sa kasama nya ngayon. Iyon naman kasi talaga ang gusto namin ni VSF eh-ang maging masaya at kuntento. Sa lovelife. Sa kasamaang palad nga lang ay hindi pa ko resolve sa usaping yan, pero at least sya ok na. Tama ba VSF?

Mga larawang wala nang naiwang bakas

Marami pa sana akong gustong ipakita. Ngunit sa kadahilanang hindi ko na nagawang i-upload ang mga to sa online photo album ko ay hindi ko na tuloy sila maipapakita ngayon.

Karamihan sa mga larawang ito ay mga larawan ng pakikibaka sa lansangan. Ito yung mga sandaling pinakamasarap talaga sa pakiramdam. Kasama ang buong kolektib habang nagmamartsa papunta sa lugar ng programa. At sa kalaunan ay kasama naman ang lahat ng handang makipag pukpukan sa mga pulis.

Isa saga hindi malilimutang alaala ay nooong kinubkob namain at pinapula ang Mendiola. Nagulat din ako nun. Hindi ko naman kasi akalaing mapapasok talaga namin ang Mendiola. Pero dahil siguro sa malakas ang ulan noon at mas malakas ang diwa ng lahat ng kabataan na makapasok sa Mendiola; nagawa naming pasukin ang Mendiola at ng mga sandaling yon ay nagmistulang pinagpalang purok ang lugar na yun. Hindo malilimutan ang muka ng mga kasama; masayang masaya sila na may kasamang agit na ngiti. Hehe. Maraming larawang inuluwal ang CP ko nung araw na yun. Pero sa kasamaang palad ay hindi ko na sila nagawang iupload.

Ilan lang ang mga ito sa mga mahahalagang indibidwal at pangyayari na iniluwal lahat ng data folder ng cp ko. Ngunit gustuhin ko mang panghinayangan ito ng mas matagal; wala na rin naman akong magagawa at kung iisipin; hindi naman dapat maging masyadong upset dahil dun. Dahil nawala ang CP ko habang papunta kami sa isang relief operation. Hindi tulad ng unang pagkawala ng cp ko kung saan nawala ito habang nagpapaka burgis ako sa isang gig. Nawala ang cp ko habang sinusubukan kong makatulong sa iba. Hindi bat sapat na dahilan na iyon para hindi ako manghinayang ng sobra sa pagkawala nito?

Advertisements

Charity Season*

I had just finished reading a blog post of  a friend. And I cant agree more on the things she had said. Why the hell, that only this holiday seasons, charity works becomes a fad. Para bang kailangan pa natin maghintay ng pasko para tulungan ang mga mahihirap. And to also add that majority of those charities cant happen without the help of the lens of cameras. Its like being kind is becoming just an act. A play we all try to portray. Para bang hindi matutuwa ang mga donors kung hindi sila kukunan ng litrato habang ipinapakita kung gaano kalaki ang kanyang donasyon o ambag.

The thought that my dood’s tryin to tell is simple. Dont wait for christmas to do your charity works. Dahil hindi lang sa pasko makikita ang mga naghihirap kungdi sa pang araw araw na buhay. At iyo ang realidad.

So here’s my dood’s blog enty. taken from her blogger : http://hangingfromagibbetprincess.wordpress.com/

Charity Season

December 22, 2008 at 10:25 am (Rants, deadly..) (, , , , )

Alam niyo bang sobrang naiinis ako? Tama bang gawing dahilan ang Pasko para gumastos ng malaki at pinagkagastusan lang naman pala ay isang malaking “Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon” na banner. Or ‘yung bago daw sa lugar ni Bayani Fernando, yung malaking mukha niya ng asawa niya sa katawan ng sirena at “sireno?”. Magkano kaya ang nagastos nila dun? Malamang malaki laki din yun. Nakakainis!

Pasko, tuwing Pasko lang ba dapat nagbibigayan? Nagmamahalan? Hindi. Kasi kung tuwing Pasko lang magaganap ang mga nabanggit ko. Kaplastikan ang tawag dun, kaibigan. Isang malaking kaTOKWAHAN!!!!! [para sa mga nakaka-alam ng tokwa, sige lang, isiwalat niyo ang katumbas na mura niyan.]

Ipokrita ako kung sasabihin kong nagdodonate ako taon taon dahil gusto ko, dahil ang katotohanan niyan, noong highschool ako, nagdodonate lang ako kasi kinakailangan, inoobliga kaming mga estudyante ng eskwelahan namin para magdonate ng mga bagay bagay na may pakinabang pa. Damit, de lata, libro at cash donations.  Pero noong 4th year highschool ako, tsaka lang ako nabigwasan ng katotohanan. Mapalad ako, sila hindi kasing palad ko, pero hindi nila kailangan ng awa. Kailangan nila ng lakas ng loob at kaunting tulong. Tulong kung saan maaari na silang magsimula ng panibagong buhay. Tulong na hanggang kamay lamang, hindi tulong ng buong braso, kung naiintindihan mo ako.

Huwag gawing dahilan ang Pasko para magpabango ng pangalan. nakakainis!! Sobra!!

Hindi kailangan ng bayan ang awa at limos mo. Ang kailangan ng bayan ay lakas ng loob.Ang kailangan ng bayan ay katapatan sa trabaho at position na ibinigay ng bayan sa isang minsan ay walang pangalan.

Indeed sucks. But very much appreciated.

Random shits and public whinning

Okay. Mabilis lang to. I got exactly 15minutes left before my time runs out. Dapat kasi kanina ko pa sinimulan to eh. Masyado na kong nahuhuli. Hindi parin ako nakakapag update ng blog. Ano paba mga kulang ko? Ayun. Kailangan kona pala tapusin ang blog entry ko para sa Anniv ng Anakbayan. Pero dahil sa wala akong visuals o mga litrato, hindi ako makapagsimula.

Kailangan ko na rin palang tapusin yung so called “Anthology” ko. Sus. hindi ka naman talaga na late eh. Ako lang talaga yung nahuli. Hindi ko naman kasi kinonsidera ang pagiging “opportunist”. Kasi kahit kailan hindi ako nag take advantage sayo. Yeah. Call it “hypocrisy”. But IDK. Whew. Pasintabi sa mga collective ko kung medyo personal ang blog post na to. Pero wala eh ganun talaga. Hindi ko alam kung ano ang gagawin eh. Gusto ko sya na ayaw ko. Basta hirap ipaliwanag.

Patapos na pala yung 15minutes. At nakapagsayang narin akong 150++ words. At ng isang blog post. Pasensya na talaga.

Miss you like HELL!!!

If i could just screw-fvcked them all. Kaso hindi eh. Take yer time. And Ill take mine. And maybe someday..Well be both there. In time. T_T

Memories are gifts..

(Taken at the 6th day of November,1989)

Today is November 6 2008,  my twentieth birthday.

Gaano nga ba kabilis lumipas ang panahon? Parang kahapon lang ay isang musmos pa ko. Katulad ng larawang nasa taas. Ni wala akong kaalam alam na nung araw pala na yan ay ipinagdiriwang ko ang unang kaarawan ko. And by that time, I cant still recognize that the one cradling me was my hardworking, humble and lovely mother.

Time has aged me, and dammit! I hate the fact that I am now entering my twenties. Ayoko pang ma-labelled as “gurang” ng mga tropa ko. Gusto ko parin ung dating pa petiks-petiks lang. Yung pa inum inum lang kada may pagkakataon para tumakas ng panandalian sa mga problema at bullshits.  Those carefree and happy days..whew. But then, as I am start reminiscing my life, the past years that quickly passed. From the way I see it : I did not even reach the tip of my expectations.

(Iskul-Bukol)

Malinaw ang plano ko noon sa buhay ko. Ito yung mga panahong papaalis palang ako sa elementarya. Ang kapal din ng apog ko para gawan ng blueprint ang future ko gayong isa palamang akong musmos nun at walang alam sa buhay, but anyways heto ang plano ko noon :

  • Papasok ako sa highschool at tatapusin ang apat na taon ng may flying colors..
  • Then diretso sa isang unibersidad. At..
  • Magtapos ng kolehiyo  then land a job.

By this time dapat by March tapos na ko sa kolehiyo at sa mga susunod na buwan ay naghahanap na ng trabaho kasabay ang libo libong mga fresh graduates. Pero hindi. Kasalukuyan parin akong nagaaral at medyo mahaba haba pa ang bibilangin kong taon sa kolehiyo. Paano ba naman, may mga variables akong nakalimutan na kailangan ko palang ma-encounter.

  • Pagpasok na pagpasok sa highschool, hindi maiiwasan na mapa barkada sa mga happy go lucky douchebags and in the process magiging isa kana rin sa kanila.
  • Hindi mo rin alam na maaring merong mga bagay bagay na makaka distract sa pagaaral mo. Such as family problems, financial bullshits, and lots of porn websites. ^^
  • At napagtanto ko nito lang nakaraan..Hindi ganun kadali at kamura para sa isang magulang na pag aralin ang dalawang anak ng sabay sa loob ng isang unibersidad.

At dahil dyan sa mga variables na yan..Uhmm. Paano ko ba to sasabihin? 1.Hindi lang apat na taon ako namalagi sa loob ng highschool..Kungi six damn fvcking years! 2. Kasalukuyan ako ngayong tumigil ngayong semestre at babalik na lang sa summer, Hindi kinaya kaya pinauna ko na lang ang kapatid ko.

Sadyang mapangahas nga ang ginawa ng elementaryang iyon. Hindi nya pa kasi alam na sa buhay marami ang mangyayari na hindi mo inaasahan. At karamihan sa mga bagay na yun ay hindi mo gustong mangyari. Ngunit hindi yan ang dapat kong ilahad..Its all about my birthday dammit! Kung anu anu na naman ang sinasabi ko at nawawala na naman ako sa objective ko.

(Papansin mode)

So, today is indeed my birthday. And the typical thing a person would do is throw a beer bash and drunk his/her ass to death. But not me. I choosed to spend my day alone in our house. Tamang txt lang at patugtug ng cd’s. Hindi ko nga pinagkalat sa mga tropa ko na birthday ko. Tinitignan ko kasi kung sino lang talaga ang mga nakakaalala sa akin. And thank god may mga nakaalala naman. Pero medyo nakakalungkot dahil ung mga taong dapat makakaalala ay parang nakalimutan na ata.  Pero ayus lang, katulad nga ng sabi ng “kapatid” ko..Those who remembered were the REAL friends. Bat ba kasi ganun ung mga may birthday? Masyadong papansin? Kelangan pa nilang ipagsigawan na sa mismong araw na yun eh iniluwal sya at lumabas sa mundo. And in my case, ginamit ko pa ang Information Age sa tulong ng internet para isigaw sa buong “blogosphere” este, sa buong mundo na : Hoy pansinin nyo ko!! Birthday ko ngayon! Whew. Call it a lame or immature act. But thats just the way it is.

(Those who dared to remember..Haha)

This year, mas kaunti ang bumati sakin sa mismong birthday ko. Halos karamihan ay mga tropa ko sa PES, isang online community kung saan ang mga miyembro ay mga partipipol na walang ginawa kungdi uminom at makinig ng musika.(Nah, all of you guys knows that theres more to this..haha).

So far, ang mga bumati lang sa akin ay sila : Elmo, Phap, Dood Chloe, Trisha, Rian, Fradge, Kenddi, Party Tovy, Gayle, Timo, Jec-Gloom, Aybhanne, G.A-Ashee, Jhanine, Perot. Hinihintay kong batiin ako ng mga batchmates ko sa HS pero hindi na yata talaga nia naalala(O alam nila, pero alam din nilang wala akong ipapainum sa kanilang alak..haha) .

But the best thing I got today is a Happy Beerday fansign galing sa aking “kapatid”. Talagang kinulit kulit ko pa sya,tas umarte pa ko at nangunsensya(kaunti lang). Kaya ayun. But really, dood. Thanks for this huh. Haha.

(Closing remarks of a 20 year old douchebag)

So there you have it. Although i dont know how many online hits this birthday driven blog entry will get. And how many comments and greetings I’ll received. But this is still, by far, the best birthday for me. I dont need a beer bash or to throw a party just to felt being celebrated and appreciated. As long as there are people, real people who really cares. And if there is something I would wish today, It will be to hope that these people circling me around wont disappear. I dont like the feeling of being left behind. And thats why I wont left then either. So aun, sa lahat ng bumati thru txt at comment sa FS. Kudos sa inyo.

This is the SonOfRageAndLove, ^^

Rian’s last minute pahabol..


Enough said. Mamats Rian. ^^


Pages

Status

  • 19,397 hits

TULONG KABATAAN


ISANG MILYON. ISANG PANATA

TAYO ANG PAGBABAGO!


The Youth is on a Mission to Rock Philippine Politics. Be part.

no to CONASS!


2010 is nearing and as expected by many..CHACHA is now being pushed by the shameful CONASS! I would like to adress my shame to our Congressman Roman T. Romulo of Pasig for supporting the very unconstitutional CHACHA through the passing of HR 1109.

Come and join the widespread campaign of protesting against CONASS! Let us blog and post to all of our social networking sites such as Friendster, Multiply, Facebook our rage against the hasty passing of HR 1109.

-SORAL
(Image courtesy of : http://brianong.blogspot.com/)

Currently listenin’


Named after the traditional Navajo tobacco pipe given as a peace offering, PEACE PIPE arrives on scene bearing gifts: 10 songs with the same promise of their namesake to transport one from the natural world to the spectral world.
more at their MySpace : here

Blog scheds

December 2017
M T W T F S S
« May    
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031