Posts Tagged 'iskolar'

Silang mga nasa State University, State University!

Parame na ng parame

De kotseng estudyante!

Sa state university!
4x

Walang efficiency

Mga government employees

Sa State University!
4x

Antique na laboratory

Bulok na facilities

Sa state university!

4x

Administration policy

Itaas ang tuition fee

Pati na din ang dorm fee

Baket walang nagrarally?

Kahit may demolition

Private corporation

Barat na allocation sa education

Commercialization, colonialization

Privatisation, kawawang oblation!

Sa state universtiy!

State u! hate u!
5x
State university (til fade)

Kung mabibigyan ako ng pagkakataon, mas gugustuhin kong mapabilang sa State U, kaysa sa mga pa sossy o pa sosyal na burges na estudyante dito sa JRU, Pero hindi ako nagka chance, siguro may chance, hindi ko lang hinablot. Hindi kasi ako nagkaroon ng pagkakataong subukan ang aking dunong at kumuha ng UPCAT o kaya ng PUPCAT.

Pero ano bang meron sa mga State U? Iniilagan yan ng karamihan dahil sa kesyo bulok daw ang mga facilities, walang airconditioning at pagpapawisan ka dahil sa isang electric fan lang ang pagsasaluhan nyo sa isang room kung saaan para kayong sardinas sa dami. Marami pang ibang kapintasan ang makikita sa mga State U.  Pero meron ang mga State U na hindi ko nakita sa aming pamantasan : Kalayaan.

Oo. Kalayaan. Malaya kasing naipapahayag ng mga estudyante ang kanilang saloobin at nararamdaman. Hindi katulad sa mga so called “private institution” , eh parang nakakulong kami eh. Kesyo “magaral na lang daw” kami at wag makialam sa mga usaping pulitikal. “Isipin nyo na lang ang sarili nyo” “Think of the job youll get after finishing your course”, at iba pang mga payong makasarili at self centered.

At kapag sumuway ka at “binasag ang katahimikan sa payapang kampus”. Represyon at expulsion ang isasagot sayo. Well, siguro medyo marami na rin ang nakarinig sa sinapit namin dito sa aming mahal na paaralan.

Balik tayo sa usaping State U. Minsang napadaan ako sa PUP para kumuha ng ED(Un ung mga panahong suspeded kami..). At nang makita ko ang mga gusali nila..”Hardcore dre!” Haha. Biruin ba namang lagyan ng “Papet, Pasista, Pahirap sa Masa..Patalsikin si Gloria” ang pinaka tuktuk ng isa sa mga building dun? Na elibs talaga ako. Sana napunta na lang ako sa State  U. At least tunay na tao ang mga kaharap ko, kaysa sa mga happy-go-lucky na burgis dito.

Pero may kaunting problema lang ako, hindi sa mga State U. Kungdi sa gobyerno na dapat nagaalaga at nagpapayabong sa mga Public colleges and universities. Tila nakakalimot sila na sa mga State U, nagmumula ang mga matatalinong lider at propesyunal ng hinaharap. Ngunit sa kadahilanang karamihan sa mga State University ay yumayabong ang Student Activism, ay tila pinipilay nila sa pamamagitan ng pinansya ang ating mga iskolar ng bayan. Tama ba namang gipitin ang mga student publications at Student Councils? Pati ang mga Student Regent ayaw nilang patawarin? Bakit represyon ang sagot sa pagusbong ng nasyonalismo at militanteng pakikibaka para sa lupa, sahod, trabaho at karapatan?  Bakit dinudukot ang mga aktibista-estudyante tulad nila Sherly Cadapan at Karen Empeno? Ganito na ba kalala ang kasalukuyang estado?

Ngayon, sabihin mo sa akin. Sa kabila ng mga masasamang balita ng pagpapabaya ng ating lipunan sa mga State University..Magaaral kapaba dito? Ang tanging sagot ay OO.

OO. dahil sa State University mo lamang matatamasa ang kalayaan. At nasa State University mo makikita ang mga kabataang katulad mo na sa kabila ng globalisado at kolonyalisadong panahon, ay nanatiling makabayan at palaban.

Hay, sana ngay nasa State U nalang ako. Haha. hindi ko kasi ang pakiramdam ng kinakahon eh.

Advertisements

The Nov25 Walkout Day : Success

Isang taas kamaong pagbati at pagpupugay sa mga estudyante at kabataan na dumalo sa ginanap na WalkOut Day nitong nakaraang Nobyemre 25 2008. Kung saan ipinakita ng mga estudyante mula sa ibat ibang pamantasang kolehiyo maging ng mga highschool ang kanilang dismaya at disgusto sa kasalukuyang rehimen ni Gloria Macapagal Arroyo.

Nagkita kita ang mga iskolar ng bayan at mga estudyante mula sa ibat ibang pamantasan sa labas ng UST bandang alas onse ng umaga. At pagkatapos ay ang mahabang martsa patungo sa Plaza Miranda kung saan idinaos ang isang programa kung saan tinuligsa ng mga kabataan ang pagsulong ng rehimen ni Gloria sa Charter Change at maging ang represyon at pasismo na kasalukuyang nararanasan ng mga aktibista.

Pagkatapos ng programa sa Plaza Miranda ay ikinasa ang martsa patungong Mendiola kung saan idaraos ang susunod na programa. Ngunit sa kasamaang palad ay hinarang ng mga reaksyunaryong pwersa ang martsa na nauwi sa pagalis ng mga estudyante sa kalye ng Morayta pabalik sa UST.

Ngunit bagaman ganoon ang nangyari. Isa paring tagumpay para sa lahat ang ginawang pagkilos. Dahil sa pamamagitan nito ay napakita na naman natin ang ating dismaya sa kasalukuyang bulok na umiiral na sistema sa ating lipunan. At hindi tayo titigil hanggat hindi napapatalsik ang pasistang pangulo na si Gloria Macapagal Arroyo.


Pages

Status

  • 19,217 hits

TULONG KABATAAN


ISANG MILYON. ISANG PANATA

TAYO ANG PAGBABAGO!


The Youth is on a Mission to Rock Philippine Politics. Be part.

no to CONASS!


2010 is nearing and as expected by many..CHACHA is now being pushed by the shameful CONASS! I would like to adress my shame to our Congressman Roman T. Romulo of Pasig for supporting the very unconstitutional CHACHA through the passing of HR 1109.

Come and join the widespread campaign of protesting against CONASS! Let us blog and post to all of our social networking sites such as Friendster, Multiply, Facebook our rage against the hasty passing of HR 1109.

-SORAL
(Image courtesy of : http://brianong.blogspot.com/)

Currently listenin’


Named after the traditional Navajo tobacco pipe given as a peace offering, PEACE PIPE arrives on scene bearing gifts: 10 songs with the same promise of their namesake to transport one from the natural world to the spectral world.
more at their MySpace : here

Blog scheds

October 2017
M T W T F S S
« May    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Top Posts