Posts Tagged 'JRU'

Protected: Estudyante Blues : Isang photo blog bilang paggunita..

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Advertisements

Protected: Estudyante Blues : A benefit concert for the victims of campus repression in ***!

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Sembreak na naman. Nagsisimula na naman akong mabulok.

So ayun na nga. Katulad nga ng nakasaad sa itaas ^^^^^

Nag-umpisa-na-nga-ang-sembreak. At nag-uumpisa-na-rin-akong-mabulok(literally).

Susme sino ba naman ang hindi mabubulok sa ganitong kalagayan. Wala na akong kickback. Nagkakasya na lang ako sa paisa-isang oras na pag o-online para magmuni muni dito sa intarwebs. Ni hindi na nga ako nakakapag update ng blog ko eh. Pero medyo sinipag lang ako ngayon..tsk tsk..bigla kasing na inspired eh. Senti mode ngaun ang drama ko..

Haha. Bigla ko lang kasi ako nakarinig ng isang kanta. At napag isip isip ko..masyado kaming naging busy nitong nakaraang sem. Ngayon bakasyon. Wala man akong pera ngayon..Hindi naman ito matatapatan ng tinatamasa ko ngayon : pahinga..ayun basta pakinggan nyo na lang : http://www.youtube.com/watch?v=IOElJPfMlNI .

Ung lyrics ay nandito.

Pahinga. Ang sarap pakinggan..Pero parang hindi naman ganoon kasarap kung titignan sya literally. Bakasyon nga pero ang pinagkaiba lang naman ay sa bahay ako naging busy. Eh kung ako ang tatanungin eh mas gusto ko nang sa eslwelahan magpaka busy. May pera na ko, Me gala pa ko.

Pahinga. Kelang kaya ko makakapag pahinga? Ung literal na pahinga ah..Ung bang wala ka talagang gagawin sa loob ng isang linggo kungdi KATUGA(Kain,,Tulog,,Gala). Tang ina masyado naman kaong ambisyoso.

Pero honestly marami pa dapat akong gagawin eh.

May mga nasa tatlo o apat na blog entries na naka line up para dito sa nabubulok kong blog. Pero sembreak naman..pahinga muna..

Kailangan ko pa pala bisitahin ang mga manggagawang walang pakundangang pinatalsik sa Kowloon HOuse.. Pero sembreak naman..pahinga muna..(Kung nababasa to ng mga collective ko sa JRU : Oo alam ko medyo liberal to. Pero pasensya na. Kaya ayun pinupuna ko na ang sarili ko sa harap ng milyon milyong bloggers na dadaan sa nabubulok na blog ko. Nde pero seriously..Nagiipon lang ako. Promise dadaan ako sa picket line at makikipamuhay sa kanila. Kelangan ko lang ng konti pang kickback ayt?)

At marami pang ibang gawain.

Buti nalang nandyan parin ang mga tropa. Silang binansagan kong mga “scapegoats”. Un bang parang takbuhan kung me problema ka. Pero kung nababasa nila to..(Lalo na ung mga tropa ko sa PESOS) Siguro hindi sila maniniwala. Eh kasi totoo naman. Kahit kailan hindi ako nagsabi sa kanila ng problema. Pero maniwala kayo..talagang kayo ang takbuhan ng ko kung badtrip ako. Madali lang naman malaman un eh.

  1. Pag nakita nyo ko sa mga EB(Eh palagi nga kong nasa EB) Ibig sabihin nun badtrip ako. At ayoko munang umuwi.
  2. Pag umiinom ako ng uber dami(Un bang parang ipinakita ko noong nasa Guada tayo..na nagsusuka na kot lahat eh lasing parin ako..)

Basta un na un. At dahil bakasyon. Ayun na nga. Balik na naman ako sa dati kong buhay. ANg pagiging partipipol. Pucha matagal tagal ding hindi nadaanan ng alak ang lalamunan ko..kaya ayun pansamantala ko munang iniwan lahat ng ideolohiya ko sa bahay namin. Ngayon lang naman to eh. Sasagarin ko na. Dahil pag nagsimula uli ang panibagong semestre..dalawa lang ang nasa isip ko :

  1. Magsunog ng kilay at..
  2. Magpalalim at palakasin ang ahitasyon para sa pagkilos

Un lang. Wala na munang pagsasayang ng pera sa harap ng computer o panonood ng porn o kahit pagpunta sa mga inuman sessions ng PESOS. Pasensya na. Pero talagang kailangang gawin. Kulang na kasi ako sa disiplina eh. Kaya pipilitin kong wag muna kayong(PESOS,,IV-SEX,,HELENA,,mga tambay sa labas ng bahay namin)wag kausapin.

Pero dahil sembreak pa naman…PARTY TAYO PUTANG INA! PARA NXT SEM HINDI NA MAGHANAP ANG KATAWAN KO NG PARTY..MAGPAPAKA MONGHE NA AKO!BWAHAHA

Kowloon West workers on strike..

Una sa lahat : pasensya na dahil ngayon lang ako nagkaroon ng oras para mag update ng blog, lalo na sa partikular na blog entry na to.

Dawalang beses na akong nanggaling sa picket line ng mga manggagawang ilegal na tinanggal ng management ng Kowloon House sa Delta Quezon City.

At simula ng natanggal sila. Naguumapaw na suporta ang kanilang natanggap, partikular galing sa aming mga kabataan..ang youth sector.

At napakarami ko naring nakikitang mga blog entries patungkol sa Kowloon mass strike : click here, here, here and here. At ngayon panahon na para ako naman ang maglahad ng hinanaing at simpatya sa mga manggagawa.

So..Ano nga ba ang nangyari?

Noong Sabado, September 13, hindi na pinapasok ng mga guwardiya ang 73 manggagawa dahil sa desisyong ibinaba ng National Labor Relations Commission (NLRC) na pumabor sa isinampang kaso ng Kowloon Management na illegal strike laban sa aming unyon.

Tinanggal di-umano ang 73 manggagawa ng Kowloon dahil nagsagawa daw ng pagkilos ang manggagawa during their working hours. Iyon ang naging basehan ng NLRC kaya natanggal ang mga manggagawa. Ngunit mali ang NLRC, dahil isinagawa ng mga manggagawa ang tahimik na protesta sa oras ng kanilang breaktime. Ibig sabihin, wala silang naparalisang produksyon at walang paggawa ang natigil.

Ngunit bakit nga ba sila nagsagawa ng protesta?

Kami ay naglunsad ng sama-samang pagkilos dahil sa hindi pagpapatupad ng management ng mga wage order na ibinaba ng Regional Wage Board. Maliwanag na paglabag ito ng management sa aming Collective Bargaining Agreement (CBA). Nakasaad sa aming CBA na dapat ipatupad ng management nang across-the-board ang anumang dagdag sahod na ipag-uutos ng gobyerno. Hindi naman nag-file ng exemption ang management kaya’t wala silang dahilan ibinbin ang mga wage order #13 nang mahigit isang taon at patuloy na binbin itong pinakahuling wage order #14.

Dahil na rin sa aming sama-samang pagkilos, napilitang makipag-usap ang management at nakipag-ayos na ibibgay nila ang P50, mula sa P82 (na total na utang ng management sa aming mga manggagawa mula sa hindi pagpapatupad ng Wage Orders #13 at #14). Buong tiwalang nakipagkasundo ang aming unyong sa management sa harap pa mismo ng National Concilliation and Mediation Board (NCMB). Bagama’t naniniwala kaming kayang ibigay ng amangement nang buo ang aming mga kahilingan.

Ang protestang ipinaglaban ng mga manggagawa ay ang dagdag sahod na dapat lamang ibigay sa kanila ng Kowloon Management. Ngunit sa kabila ng wage order na ibinaba ng Regional Wage Board,hindi ito sinunod ng management kaya napilitang kumilos at manindigan ang unyon ng mga manggagawa.

Malaking bagay din para sa pamilya ng 73 na manggagawa ang dagdag sahod sanang dapat nilang natikman. Ayon sa datos ng mga manggagawa..

TOTAL BACK WAGES NA HINIHINGI NG MGA MANGGAGAWA MULA SA MGA WAGE ORDERS = P3,498,600.00

BENTA NG KOWLOON HOUSE SA SIOPAO SA ISANG ARAW (7,000 pcs. X P47.00) = P329,000.00 X 11 DAYS = P3,619,000

11 araw na benta ng SIOPAO lang ang katumbas ng BACK WAGES ng mga manggagawa!

Kung hahatiin sana ang P3,498,600.00 back wages sa 73 manggagawa..malaki laki rin sanang ginhawa ang hatid nito sa kani kanilang pamilya. Ngunit imbes na makamit ito. Sila ngayon ay  walang trabaho at kasalukuyang nasa picket line sa labas ng kanilang dating pinapasukan.

“To protest is to be fired. Be at the mercy of the capitalist, accept all injustices.

“This is gradually becoming the rule nowadays, as workers who demand for their legitimate rights, in a legitimate way, become automatic victims of termination,” said Roger Soluta, Kilusang Mayo Uno Deputy Secretary General.

Sadyang baluktot at gasgas na talaga ang kasalukuyang sistema. Ang tanging hangad lang ng 73’ng manggagawang natanggal ay ang dagdag sahod na nararapat lamang nilang makamit. Ngunit ang isinagot ng Kowloon management ay ang walang habas na pagsipa sa mga manggagawa. Ang mga manggagawang tinanggal ay pinalitan ngayon ng dose-dosenang security guards. At ngayon, and dating masasarap na lutuin sa Kowloon House ay hindi na ganun kasarap. Dahil ang mga beteranong cook nito ay kasama sa mga natanggal.

At nararapat lamang na suportahan natin ang mga manggagawa.

At kami po, ng AnakBayan-JRU ay sumusuporta sa 73 mangagawang inalis. Ang aming suporta ay nasa uring manggagawang anakpawis na syang naghihirap na nagtatrabaho sa kamay ng mga kapitalista. Dahil ang uring manggagawa ay ang uring magpapalaya sa ating lahat sa kamay ng Imperyalismo, Burukrata kapitalismo at Pyudalismo. Kaya taas kamao kaming sumusuporta at tutulong sa kanilang laban. At kung kinakailangan na araw araw kaming bumisita sa kanilang picket line, gagawin namin.

wala ka nang matitikman na masarap na pancit canton dahil ang mga dating nagluluto ng ating mga masasarap na pagkain ng Kowloon ay nasa labas na ngayon ng restawran at naninindigan
para sa kanilang mga karapatan

iboykot ang mga produkto ng Kowloon!

na malapit nang mahaluan ng dugo dahil kada araw na lumilipas ay isang araw din ng kagutuman at paghihirap para sa mga pamilya ng mga tinanggal sa trabahong mga mangagagawa ng Kowloon para na rin silang pinapatay ng mga ganid sa tubong may ari ng Kowloon.

Jay del Rosario on Bikoy.nets blog : http://www.bikoy.net/archives/2008/09/23/on-the-kowloon-restaurant-workers-strike/

Mga paraan para suportahan ang 73 manggagawa :

  • Bumisita sa picket line ng mga manggagawa. Sa Kowloon House, #16 West Avenue, Quezon City. Makipag usap at makisalamuha sa mga manggagawa para lalong mapaglalim at maintindihan ang laban na kanilang isinusulong.
  • Sabihin sa lahat ang nangyari sa 73 manggagawa. Gumawa ng blog entry katulad nito at ng marami pang ibang blogs patungkol sinapit ng ating mga kapatid na Anakpawis.
  • Pansamantala po nating i-boykot ang lahat ng produkto ng Kowloon House. Bagaman alam naman nating masarap ang siopao at pansit canton sa Kowloon,,pansamantala po nating tiisin na wag silang kainin. Isa po ito sa pinaka epektibong pagpapakita ng suporta at simpatya sa mga manggagawa.

– SORAL

September 30 2008, 09:25 PM

Sa isang pribadong computer shop

Bakit kailangan kong magtago?

Pasismo. Yan ang dahilan kung bakit ayaw kong ilabas ang aking pagkakakilanlan dito sa blogospere. Ako si S.O.R.A.L ng intarwebs at na-kukupalan talaga ako kung bakit kailangan ko pang magtago sa pen-name na to. Eh kasi naman, sa aming paaralang Jose Rizal University..ay masyadong malala ang represyon sa loob ng campus.

Please lang, Kung magco comment po kayo sa blog ko ay wag nyo na po muna ko i address sa aking tunay na pangalan. Masyado kasi kaming mainit ngayon sa loob. Daig pa sa mga kriminal ang turing samin ngayon. Tsk tsk. Talagan nakakalungkot.

Isang mainam na halimbawa ay ang walang habas na pagsuspindi sa 19 aktibista-estudyante nitong nakaraang July 17 2008,Thursday. Isa na ko sa mga nasuspindi Naisipan lang naman kasi naming mag snake rally sa loob ng aming mahal na paaralan. Isang practice lang naman ito ng aming freedom of expression at campus freedom. Ngunit ano ang sinagot ng ADMIN? Sinuspindi kaming lahat ng mahigit dalawang linggo,,nakabalik naman ang 15 samin..Ngunit ang 4 ay tuluyan nang na Forced Transfer.

Masakit. Para raw kasi kaming bumangga sa pader. Masyado daw kaming subersibo kaya ayun daw ang napala namin.

Nakaka-irita. Dahil ang tanging nais lang naman namin ay isang pagsasabuhay ng aming karapatan. Ngunit ang sinagot nila ay PASISMO.

Ngunit tuloy ang laban. Dahil sa darating na Byernes ay naka schedule kaming magsampa ng kaso laban sa ADMIN para sa maling pagtatanggal sa apat naming kamag-aral. Sa Mandaluyong Regional Trial Court yan kaibigan. Sana makapunta tayong lahat. Ang kitaan ay sa Chowking-RTU BONI at martsa patungong Mandaluyong RTC. Around 1PM ipuputok ang programa. Kita Kita tayo.

– SORAL

September 24 2008, 10:00 PM

Sa isang pribadong computer shop

Dekada70

Ang Dekada70 ni Lualhati Bautista ang pinaka unang nobela na binasa ko at di nagtagal ay niyakap ko ng buong puso. Ito ang pinaka paborito kong akda ni Lualhati(Gapo,Bata Bata Pano ka ginawa?) dahil ang nobelang ito ang sumasalamin sa kung ano ako ngayon.

Hindi ako nabuhay sa dekadang ito. Ngunit sabi ko dati sa sarili ko “Sana nabuhay ako sa dekadang ito!” Gusto kong mabuhay sa panahong iyon hindi dahil maganda ang antas ng pamumuhay sa dekada70. Kungdi dahil sa partikular na dekadang ito..buhay na buhay at napaka aktibo pa ng mga kabataan at halos lahat ng mamamayan ay lumaban at nagbuwis ng buhay para labanas ang pasismo at represyon ng isang diktador at mga imperyalistang naghaharing uri.

Ang Dekada70 ang isa sa mga pinaka madugong dekada sa ating bansa. Marami ang naganap na patayan at pagdukot. Marami ang inabuso at umabuso. At higit sa lahat ito ang panahon kung saan ang malayang pamamahayag ay ikinulong sa isang kahon. Binusalan at minapula ang media. Pinatay ang mga mamamahayag. Dinukot ang mga aktibista. At pinatay ang lahat ng mga taong may bahid ng “subersibong kaisipan”.

Tagapagpaunang hudyat ang Dekada70 sa panibagong paggiit ng mga manunulat sa laya ng mapanlikhang imahinasyon. Sa panahon ng rehimeng Martial Law, ang imahinasyong iyan ay napilitang pailalim sa mga pagbabawal ng panahon upang magkaroon ng pagkakataong malathala ang likha ng manunulat. Sa ganyang paraan naganap ang pagpapakulong ng maraming manunulat sa mga paksang makitid kung hindi mas gasgas, palaiwas kung hindi man tahasang eskapista.

– Bienvenido Lumbera

So there you have it. Kung i dedescribe natin ang Dekada70..One word suits : Chaos. Total chaos. Ultimo mga kriminal natakot gumawa ng krimen. Ang panahon kung saan ang tanging gumagawa ng krimen at karahasan ay ang mismong estado. Sa madaling salita..monopolyado ng pasistang estado ni Marcos at ng Imperyalistang US ang pandarahas at krimen.

Siguro sa ganyan kagulong panahon ay iisipin nyo na baliw ang sinuman nanaisin na mabuhay sa dekadang iyan. Pero ako. Sana talaga naranasan kong mabuhay noong Dekada70. Sa Dekada70, namulat ang malawak na masang Pilipino na kailangan nilang ipaglaban ang kanilang karapatan. Sa Dekada 70, natuto tayong makibaka para sa pambansang demokrasya at pagkakaisa. At higit sa lahat..ang Dekada70 ang naging hudyat para wakasan ang pasista at berdugong diktaturya ni Marcos at ang kanyang Imperyalistang amo..ang US.

Noong unang beses kong nabasa ang nobelang ito ay marami akong terminolohiyang hindi maintidihan. Mga salita tulad ng pasismo,,imperyalista,,CPP-NPA,,kapitalista,, at marami pang iba. Nito ko lang napagtanto ang mga salitang iyan. At nito ko lang niyakap ng buong puso ang nobelang ito. Sa kadahilang sa yugtong ito ng buhay ko ay nararansan ko first hand kung ano at sino at kung paano ang maging isang aktibista.

Oo. Isa akong tibak. Isa akong aktibista sa panahon kung saan ang lahat ng kabataan ay nahuhumaling sa paglalaro ng DOTA. Isa akong aktibista sa panahon kung saan lahat ng tao ay nagmimistulang bulag at wala nang pakialam sa mundong ginagalawan nya. Isa akong aktibista sa panahon kung saan lahat ay Apathetic sa mga bagay na dapat pagusapan.

Oo. Kahit sa panahong ito meron parin at buhay parin kaming mga aktibista. Hanggat nandyan ang malawak na masang naapi. Hanggat may represyon at pasista. Asahan nyo hindi kami mawawala.

Ok. Bumalik tayo sa Dekada70.

Nakakalungkot isipin na para bang hindi tayo natuto sa Dekada70. Para bang dumaan lang ito sa kaliwang tenga at lumabas sa kanan.  Dahil sa Dekada70..natuto tayong lumabas sa kalye at magkaisa noong EDSA Revolution. At dahil doon napatalsik ang isang pasistang diktador. Pero mula noong EDSA..bakit patuloy parin tayo sa paglukluk ng mga tuta at pasistang lider? Bakit hindi parin natin nakikita na ang ugat lahat ng kahirapan ay ang Imperyalismo,,Burukrata Kapitalismo at Pyudalismo. King babasahin nyo (o kung nabasa nyo na) ang libro ng Dekada70.

Ikaw. Ano ang masasabi mo sa dekada na para sakin ay isa sa mga pinaka mahalagang dekada ng ating panahon? Ano ang aral na makukuha sa nakalipas na panahon sa ating kasaysayan? Bakit paulit ulit parin nating ginagawa ang mga bagay na nagpahirap sa ating mga kapatid noong Dekada70. Bakit sarado na ang mata nyo at kaisipan sa mga bagay na dapat pa nga ay pinakikialaman natin? At kung isa ka sa mga nabuhay sa Dekada70 ngunit ngayon ay wala kang pakialam..Ang tanong ko sayo eh : Bakit ka pa nabuhay noong Dekada70?

S.O.R.A.L
11:20AM
In a computer shop near my home

Dressing up..

So I do bet that you guys are familiar with the image on teh left. Especially those Information Technology students like me. But for those that didnt know a thing bout HTML..

We use the tag </> to end a certain command. And from that I do believe that you had already comprehend what Im trying to explain here.

Kung kasing dali lang sana ng isang HTML document ang bawat problema at krisis na hinaharap natin sa buhay. Siguro wala nang kailangang mahirapan at mag-way. Kung pwedeng lang sanang kapag nag type tayo ng </poverty> eh matataos na ang kahirapan sa mundo. Eh di ang sarap sana nun. Kaso lang hindi ganun kadali ang buhay eh. Araw araw tayo nakaka saksi ng mga masasaklap na realidad ng buhay.

Siguro nakakakita rin tayo ng mga taong naghihirap. Or much worse,Nararanasan nating maghirap..first hand. And in these cruel days. Everyone seems to ignore these realities. Were being sidetracked with all the booze and not-so-important things. But there’s something in me that wants to swim against the flow. And spreaking up these days will turn you into a joke. Seriously. To be honest, madalas akong ma dissed sa klase dahil isa raw akong Aktibista. But that aint a big deal. Siguro hindi lang sila ganun ka “mulat”.

And the best way to present yourself as an Activist is by being what you are. From the way you write,,speak and wear your clothes. And according to Kris Canimo..:The coolest way to make your social statement and enable the public to see it is to proudly wear them out – and that is the very reason ClosingTagTees is here. In these high tech days, HTML is like a universal language. Every average person with a modem and a little common sense would easily recognize what’s printed in your shirt, making ClosingTagTees a perfect tool to spread social awareness, and at the same time, personal opinion.”

By seeing whats printed on your shirt..People will start to think..to think deeper. And hopefully the will get hooked too. And by the following day. They will too help eradicate and eliminate the burden that we used to call social Apathy.


Pages

Status

  • 19,220 hits

TULONG KABATAAN


ISANG MILYON. ISANG PANATA

TAYO ANG PAGBABAGO!


The Youth is on a Mission to Rock Philippine Politics. Be part.

no to CONASS!


2010 is nearing and as expected by many..CHACHA is now being pushed by the shameful CONASS! I would like to adress my shame to our Congressman Roman T. Romulo of Pasig for supporting the very unconstitutional CHACHA through the passing of HR 1109.

Come and join the widespread campaign of protesting against CONASS! Let us blog and post to all of our social networking sites such as Friendster, Multiply, Facebook our rage against the hasty passing of HR 1109.

-SORAL
(Image courtesy of : http://brianong.blogspot.com/)

Currently listenin’


Named after the traditional Navajo tobacco pipe given as a peace offering, PEACE PIPE arrives on scene bearing gifts: 10 songs with the same promise of their namesake to transport one from the natural world to the spectral world.
more at their MySpace : here

Blog scheds

October 2017
M T W T F S S
« May    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031