Posts Tagged 'picket line'

Ituloy ang laban ng Kowloon : via teh internet!

Paglaganap ng kamulatan ukol sa mga 73manggagawang tinanggal sa Kowloon House.

Parami na ng parami ang nakikita kong Boykot Kowloon driven blogs, visual arts at video footage.

Bukod sa pagpunta ng personal sa picket line sa West Ave QC para mamahagi ng inyong tulong at donasyon at bukod sa lahat ang pinaka importante : Ang inyong moral support para sa mga manggagawa, Maari rin nating ipalaganap at ipropaganda ang isyu ng Kowloon House dito sa sa blogosphere. Partikular sa mga social networking sites tulad ng Friendster, MySpace at Facebook.

Isang malaking tulong na rin ang simpleng pagkalat ng mga Boykot Kowloon Images at videos tulad ng YouTube sa Friendster at iba pang social networking sites.

Kaya ano pa ang hinihintay natin? Ituloy ang laban sa Kowloon House.

Join the Bowkot Kowloon campaign here in teh intwerwebs.

Paano sumali :

  1. Pinaka epektibo ay gumawa ng mga blog entries katulad nito para mas lumawak ang mga taong nakakaalam ng isyung pinaglalaban natin laban sa management ng Kowloon House.
  2. Ikalat ang mga propaganda materials katulad ng nasa baba sa inyong mga kaibigan sa Friendster, Multiply atbp.

Mga Images na maaaring ikalat

Boykot Kowloon!

<img src=”http://i462.photobucket.com/albums/qq342/progresiboaktibismo/Boycott-Kowloon-Poster-BIG.jpg”&gt;

<img src=”http://i462.photobucket.com/albums/qq342/progresiboaktibismo/kowloonvisuals.jpg”&gt;

<img src=””http://i462.photobucket.com/albums/qq342/progresiboaktibismo/kowloonvisuals2.jpg&gt;


Mga Propaganda materials mula sa YouTube

Ang simpleng pagpapakalat ng mga images at videos na yan ay malaking tulong na rin upang mas maraming masa ang maka alam at mamulat sa nangyari sa 73 manggagawang tinanggal sa Kowloon House. Sa simpleng pagpasa ng mga yan sa pamamagitan ng comments sa friendster ay malaking ambag na sa paglaban at paggiit sa karapatan na ating ipinaglalaban. Kaya ano pang hinihintay natin?

Ang simpleng pagpapakalat ng mga images at videos na yan ay malaking tulong na rin upang mas maraming masa ang maka alam at mamulat sa nangyari sa 73 manggagawang tinanggal sa Kowloon House. Sa simpleng pagpasa ng mga yan sa pamamagitan ng comments sa friendster ay malaking ambag na sa paglaban at paggiit sa karapatan na ating ipinaglalaban. Kaya ano pang hinihintay natin?

Kowloon West workers on strike..

Una sa lahat : pasensya na dahil ngayon lang ako nagkaroon ng oras para mag update ng blog, lalo na sa partikular na blog entry na to.

Dawalang beses na akong nanggaling sa picket line ng mga manggagawang ilegal na tinanggal ng management ng Kowloon House sa Delta Quezon City.

At simula ng natanggal sila. Naguumapaw na suporta ang kanilang natanggap, partikular galing sa aming mga kabataan..ang youth sector.

At napakarami ko naring nakikitang mga blog entries patungkol sa Kowloon mass strike : click here, here, here and here. At ngayon panahon na para ako naman ang maglahad ng hinanaing at simpatya sa mga manggagawa.

So..Ano nga ba ang nangyari?

Noong Sabado, September 13, hindi na pinapasok ng mga guwardiya ang 73 manggagawa dahil sa desisyong ibinaba ng National Labor Relations Commission (NLRC) na pumabor sa isinampang kaso ng Kowloon Management na illegal strike laban sa aming unyon.

Tinanggal di-umano ang 73 manggagawa ng Kowloon dahil nagsagawa daw ng pagkilos ang manggagawa during their working hours. Iyon ang naging basehan ng NLRC kaya natanggal ang mga manggagawa. Ngunit mali ang NLRC, dahil isinagawa ng mga manggagawa ang tahimik na protesta sa oras ng kanilang breaktime. Ibig sabihin, wala silang naparalisang produksyon at walang paggawa ang natigil.

Ngunit bakit nga ba sila nagsagawa ng protesta?

Kami ay naglunsad ng sama-samang pagkilos dahil sa hindi pagpapatupad ng management ng mga wage order na ibinaba ng Regional Wage Board. Maliwanag na paglabag ito ng management sa aming Collective Bargaining Agreement (CBA). Nakasaad sa aming CBA na dapat ipatupad ng management nang across-the-board ang anumang dagdag sahod na ipag-uutos ng gobyerno. Hindi naman nag-file ng exemption ang management kaya’t wala silang dahilan ibinbin ang mga wage order #13 nang mahigit isang taon at patuloy na binbin itong pinakahuling wage order #14.

Dahil na rin sa aming sama-samang pagkilos, napilitang makipag-usap ang management at nakipag-ayos na ibibgay nila ang P50, mula sa P82 (na total na utang ng management sa aming mga manggagawa mula sa hindi pagpapatupad ng Wage Orders #13 at #14). Buong tiwalang nakipagkasundo ang aming unyong sa management sa harap pa mismo ng National Concilliation and Mediation Board (NCMB). Bagama’t naniniwala kaming kayang ibigay ng amangement nang buo ang aming mga kahilingan.

Ang protestang ipinaglaban ng mga manggagawa ay ang dagdag sahod na dapat lamang ibigay sa kanila ng Kowloon Management. Ngunit sa kabila ng wage order na ibinaba ng Regional Wage Board,hindi ito sinunod ng management kaya napilitang kumilos at manindigan ang unyon ng mga manggagawa.

Malaking bagay din para sa pamilya ng 73 na manggagawa ang dagdag sahod sanang dapat nilang natikman. Ayon sa datos ng mga manggagawa..

TOTAL BACK WAGES NA HINIHINGI NG MGA MANGGAGAWA MULA SA MGA WAGE ORDERS = P3,498,600.00

BENTA NG KOWLOON HOUSE SA SIOPAO SA ISANG ARAW (7,000 pcs. X P47.00) = P329,000.00 X 11 DAYS = P3,619,000

11 araw na benta ng SIOPAO lang ang katumbas ng BACK WAGES ng mga manggagawa!

Kung hahatiin sana ang P3,498,600.00 back wages sa 73 manggagawa..malaki laki rin sanang ginhawa ang hatid nito sa kani kanilang pamilya. Ngunit imbes na makamit ito. Sila ngayon ay  walang trabaho at kasalukuyang nasa picket line sa labas ng kanilang dating pinapasukan.

“To protest is to be fired. Be at the mercy of the capitalist, accept all injustices.

“This is gradually becoming the rule nowadays, as workers who demand for their legitimate rights, in a legitimate way, become automatic victims of termination,” said Roger Soluta, Kilusang Mayo Uno Deputy Secretary General.

Sadyang baluktot at gasgas na talaga ang kasalukuyang sistema. Ang tanging hangad lang ng 73’ng manggagawang natanggal ay ang dagdag sahod na nararapat lamang nilang makamit. Ngunit ang isinagot ng Kowloon management ay ang walang habas na pagsipa sa mga manggagawa. Ang mga manggagawang tinanggal ay pinalitan ngayon ng dose-dosenang security guards. At ngayon, and dating masasarap na lutuin sa Kowloon House ay hindi na ganun kasarap. Dahil ang mga beteranong cook nito ay kasama sa mga natanggal.

At nararapat lamang na suportahan natin ang mga manggagawa.

At kami po, ng AnakBayan-JRU ay sumusuporta sa 73 mangagawang inalis. Ang aming suporta ay nasa uring manggagawang anakpawis na syang naghihirap na nagtatrabaho sa kamay ng mga kapitalista. Dahil ang uring manggagawa ay ang uring magpapalaya sa ating lahat sa kamay ng Imperyalismo, Burukrata kapitalismo at Pyudalismo. Kaya taas kamao kaming sumusuporta at tutulong sa kanilang laban. At kung kinakailangan na araw araw kaming bumisita sa kanilang picket line, gagawin namin.

wala ka nang matitikman na masarap na pancit canton dahil ang mga dating nagluluto ng ating mga masasarap na pagkain ng Kowloon ay nasa labas na ngayon ng restawran at naninindigan
para sa kanilang mga karapatan

iboykot ang mga produkto ng Kowloon!

na malapit nang mahaluan ng dugo dahil kada araw na lumilipas ay isang araw din ng kagutuman at paghihirap para sa mga pamilya ng mga tinanggal sa trabahong mga mangagagawa ng Kowloon para na rin silang pinapatay ng mga ganid sa tubong may ari ng Kowloon.

Jay del Rosario on Bikoy.nets blog : http://www.bikoy.net/archives/2008/09/23/on-the-kowloon-restaurant-workers-strike/

Mga paraan para suportahan ang 73 manggagawa :

  • Bumisita sa picket line ng mga manggagawa. Sa Kowloon House, #16 West Avenue, Quezon City. Makipag usap at makisalamuha sa mga manggagawa para lalong mapaglalim at maintindihan ang laban na kanilang isinusulong.
  • Sabihin sa lahat ang nangyari sa 73 manggagawa. Gumawa ng blog entry katulad nito at ng marami pang ibang blogs patungkol sinapit ng ating mga kapatid na Anakpawis.
  • Pansamantala po nating i-boykot ang lahat ng produkto ng Kowloon House. Bagaman alam naman nating masarap ang siopao at pansit canton sa Kowloon,,pansamantala po nating tiisin na wag silang kainin. Isa po ito sa pinaka epektibong pagpapakita ng suporta at simpatya sa mga manggagawa.

– SORAL

September 30 2008, 09:25 PM

Sa isang pribadong computer shop


Pages

Status

  • 18,985 hits

TULONG KABATAAN


ISANG MILYON. ISANG PANATA

TAYO ANG PAGBABAGO!


The Youth is on a Mission to Rock Philippine Politics. Be part.

no to CONASS!


2010 is nearing and as expected by many..CHACHA is now being pushed by the shameful CONASS! I would like to adress my shame to our Congressman Roman T. Romulo of Pasig for supporting the very unconstitutional CHACHA through the passing of HR 1109.

Come and join the widespread campaign of protesting against CONASS! Let us blog and post to all of our social networking sites such as Friendster, Multiply, Facebook our rage against the hasty passing of HR 1109.

-SORAL
(Image courtesy of : http://brianong.blogspot.com/)

Currently listenin’


Named after the traditional Navajo tobacco pipe given as a peace offering, PEACE PIPE arrives on scene bearing gifts: 10 songs with the same promise of their namesake to transport one from the natural world to the spectral world.
more at their MySpace : here

Blog scheds

August 2017
M T W T F S S
« May    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031