Posts Tagged 'repression'

Facing the deadline

Badtrip naman. Ang labo ng IMG. Ala palang saysay itong pagpapa scan ko ng pulyetos. Tsk tsk. Bale ganto na lang i susulat ko kung ano ung sinasabi ng IMG sa gilid. Kesa naman maduling kayo kakabasa.

” Dir Pepe,

UI musta jan sa loob ng campus? Anu mu trip ngeon? Sumulat na ako kc ala na pang-lod, pang weply seo, cut pa din kc allowance q eh!

Nga pla hindi pa din pala aq naka2pasok, aun kasama pla ako sa mga nasuspend na 19 students, nakaabala dw kc kami sa mga nag kklase, bawal pala manawagan na ibaba ang presyo ng mga bilihin at langis, ibasura abg oil deregulation law at itaas ang sueldo ng parents naten?

Tae diba? Panu ung mga nangungulit sa loob ng klase? Unfair talaga! 2wiks na kami absent! ang kit noh? umabot na pala sa mga priv8 skulz ung fascism ng estado? At e2 pa! may tuta pala sa admin ang mga aso sa palasyo?

Astig! Diba?

Newei patay na pala si hustisya? Maki ramay tau ha? Paki sabi na rin sa mga tropa na sa darating na AUGUST 2008 BLACK SHIRT DAY, wala na kc ang hustisya eh….. Tuesday un tol ha!

P.S gimik narin pala tau sa AUGUST 5 2008, TUESDAY, 2PM jan lng sa main g8 ng campus, JAMMING TAU! kasama ibang tropa sa ibang skulz…live to tol via satelyt, Para kay hustisya!

Asahan kita ha….?! “

Tropa mo to

-Luwad-

Siguro by teh time na mababasa nyo ang blog entry na to ay tapos na ang porpuse nya. Kakabanas kasi eh..ngaun lang ako nagkaroon ng panahon(at pera) para mag propaganda gamit ang blogger ko.

The image on teh left side is with reference to what happened on the incident that took place last July 17 2008,Thursday. Ayun napag isipan lang kasi naming maglabas ng nararamdaman namin at marinig ang boses namin sa isang simpleng programa sa loob ng aming paaralan. Pero ang akala kong pakikipagtalastasan sa mga estudyante’y mauuwi pala sa pakikipag talastasan sa abugado ng aming paaralan. Lahat ng tao dun ay halos pare pareho ang banat samin :

“What are you doing? You cant staged up a rally inside teh school..This is a PRIVATE school!”

Ayun na nga ang mali namin. Private prorty nga pala ang school namin. Hindi pala basta basta pwede nagsalita doon ng walang pahintulot. Hindi pala pwedeng magmulat ng ibang mga estudyante tungkol sa mga isyung kailangang kailangan natin pag usapan. Lalo na ngayon. Ang pinaka masama nyan eh kapag hindi ka sumunod sa kanila ay patatahimikin ka nila..at much worse tatanggalin ka nila sa paaralan.

Bale, sumalang kaming lahat..kaming 19 na estudyante, under preventive suspension.Kaming 19’ng estudyante na sa mata ng iba ay nababaliw lang kami..o dikayay walang magawa or worst, iniisip nilang mga bobo lang kami at walang utak. Well isa lang naman ang sagot ko dyan. May hindi kami nagustuhan..at may gusto kaming iparating sa lahat. Kaya ang ginawa namin ay sumigaw kami ng malakas para marinig ng lahat. And I can say this with bravado. At least may bayag kami para magsalita at sabihin naming hindi kami masaya at kuntento sa mga bagay bagay. Hindi kami papayag na manahimik na lang sa isang sulok dahil lang sa natatakot kami.

Yes nasuspindi nga kami. Pero ayus na rin un. At least napanindigan namin ung gusto naming iparating. Nalaman ng lahat na seryoso talaga kami sa ginagawa namin. Sa ngayon nakakapasok na ako. At salamat naman sa iba kong prof na pinayagan at tinanggap parin ako kahit two weeks akong nawala sa klase.

Pero hndi parin ako ganun kasaya. Dahil apat sa amin ang naparusahan ng “forced transer”. Kung tutuusin daw dapat lahat kami ay FT ang parusa pero inilaban daw kami ng Presidente at ng aming Dean para ma retain. And I appreciate that..I really do. But I feel sympathy for my four friends. Kung tutuusin dat first offense pa lang naman to ah. Kasi isang beses palang naganap ang ganung bagay. Sana napag bigyan na lang din sila katulad naming kinseng magaaral na nakakapasok na ngayon. Nanghihinayang ako dahil ang dalwa sa kanila ay graduating na. Sana napagbigyan na lng sila. Pero sa nakikita ko sa kanila, hindi rin naman ganun kasakit yun. Dahil alam nila na walang mali sa ginawa namin. Nanindigan kami. At yun nga ang consequences sa side nila.

Humihingi ako ng suporta, kung hindi suporto ay kahit simpatya lang para sa 4 na kasamahan ko na na FT sa aming paaralan. Hindi nila yun ginawa para sa sarili nila kungdi para sa lahat. Although alam ko namang corny ang dating naming mga aktibista sa mga mata nyo. Haha I even hear some mocking us. Pero ayus lang naman samin un. Ang iniisip na lang namin ay hindi kaya ganun kamulat sa mga bagay bagay na. Pero alam din naman namin na matino at mahusay naman kaung kausap at taga pakinig.

Kaya ngayon sana pakinggan nyo kami.

-S.O.R.A.L


Pages

Status

  • 18,985 hits

TULONG KABATAAN


ISANG MILYON. ISANG PANATA

TAYO ANG PAGBABAGO!


The Youth is on a Mission to Rock Philippine Politics. Be part.

no to CONASS!


2010 is nearing and as expected by many..CHACHA is now being pushed by the shameful CONASS! I would like to adress my shame to our Congressman Roman T. Romulo of Pasig for supporting the very unconstitutional CHACHA through the passing of HR 1109.

Come and join the widespread campaign of protesting against CONASS! Let us blog and post to all of our social networking sites such as Friendster, Multiply, Facebook our rage against the hasty passing of HR 1109.

-SORAL
(Image courtesy of : http://brianong.blogspot.com/)

Currently listenin’


Named after the traditional Navajo tobacco pipe given as a peace offering, PEACE PIPE arrives on scene bearing gifts: 10 songs with the same promise of their namesake to transport one from the natural world to the spectral world.
more at their MySpace : here

Blog scheds

August 2017
M T W T F S S
« May    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031