Archive for July, 2008

Praktikalidad vs Nasyonalismo

Ako si S.O.R.A.L , — years old, isang estudyante sa Jose Rizal University, taking up Bachelor of Science in Information Technology(BSIT).

Basically kaya IT ang kinuha ko ay dahil noong oras na pinapapili ako ng kurso..dalawa lang ang naglalaro sa kinakalawang kong isipan : 1. Wala akong mapiling kurso, at 2. addict ako sa computer games at internet. So para hindi ako mahiwalay sa pinaka mamahal kong computer..IT na nga ang kinuha ko. Without being aware na mas mahirap pala iyon kaysa sa ibang kurso. I.T ang kinuha ko without being aware that I have to deal with codes. Mga kodigong abay pagkahaba haba pala, na bago mo maipasok lahat sa memorya mo’y sasabog ang utak mo. At tsaka ang akala ko dati eh Professional Hacker ang magiging trabaho ko kapag nakatapos ako. Akala ko lang pala un. (Isa kang malaking ASA! Archie haha!).

Pero at least kahit papaano naman. My background kinda suits my course. Suriin nating mabuti : 1. Dahil sa MMORPG’s 6 years ako sa High School. Naadik kasi ako dati sa Ragnarok kaya aun..3times akong nag take ng 3rd Year ko sa Sagad High School. 2. Dati nahumaling ako sa pag eedit ng Friendster using HTML. Kaya hindi na ako ganun ka clueless pagdating sa pagkabisa sa mga codes. Kanina online games addict, ngayon naman friendster sucker. Shame on me. Haha.

Nah! enough of teh jokes and blahs. Lets get into teh topic!

Kung titignan nating mabuti. Isa lang ako sa napakaraming college student na hindi muna inisip kung yung kurso bang kukunin nila ay angkop nga talaga sa kanila. Sino ang dapat sisihin? A large fraction should be on the student himself. Tama. Pero hindi natin maikakaila na isa ring factor kaya yun nga ang kinuha kong kurso ay dahil sa na engganyo kami sa mga so called “in-demand courses” na ibinibida ng mga unibersidad. Kagaya ng HRM, Nursing, at ng IT. Na ang main objective ay pagnakatapos ka ay lumipad ka papuntang ibang bansa para doon mag trabaho. Dahil doon sa ibang bansa ay mas mataas ang sahod.

Bigla tuloy akong napaisip..Kung lahat ng magagaling na propesyonal ay aalis sa ating bansa..Ano na lang ang matitira sa ating bansa? Mga under qualified? Mga lakak? Bakit hindi na lang kaya taasan ng pamahalaan natin ang sahod para sa mga propesyonal para hindi na sila kailangan pang umalis at makipag sapalaran sa ibang bansa? At kung dito na sila mag ttrabaho..Ibig sabihin tayo pa ang makikinabang sa talento at husay ng kapwa natin Pilipino at hindi ang mga dayuhan.

Siguro marami akong kailangan munang i konsidera. Pero ang inilahad ko ay isang basic principle na kung mataas ang sahod hindi na natin kailangan magpalipad ng mga propesyonal sa ibang bansa para magtrabaho. At ang bonus pa ay tayo ang makikinabang sa kanilang galing.

So by 2012, hopefully tapos na ako sa 4 year course ko. Isa na akong IT Professional(naks! ganda ng tawag). By that time kaya na kaya ng gobyerno na tapatan ang matataas na salary offer sa ibang bansa. O isa rin ako sa mga magiging praktikal na lang at hahayaang magpaalipin sa ibang bansa kapalit ang mataas na sahod.

So ano sa palagay nyo?

The dramatic twist of events in Teh Son Of Rage And Love’s exciting,exxagerated and cathartic LIFE!

As another chapter ends, Another chapter begins.

Ok, how should I start this? Ayun, gusto kong simulan ang panibagong yugto’ng ito sa pamamagitan ng isang excerpt mula sa nobelang Blood Memory na akda ni Greg Iles na ibinigay sakin noon ng “kapatid” kong si Chloe.

Some stories must be wait to be told.
Any writer worth his salt knows this.Sometimes you wait for events to percolate in your subconscious until a deeper truth emerges; other times you’re simply waiting for the principals to die. sometimes it’s both.

This story is like that.
A man walks the straight and narrow all his life: he follows the rules, stays within the lines: then one day he makes a misstep. He crosses a line and sets in motion a chain of events that will take from everything he has and damn him forever in the eyes of those he loves.

We all sense that invisible line of demarcation, like an unspoken challenge hanging in the air. And there is some wild thing in our nature that makes us want to cross it, that compels us with the silent insistence Of evolutionary imperative to risk all for a glinting shadows, Most of the suppress that urge. Fear stops us more often than wisdom, as in most things. But some of us take that step.

And in the taking, we start down a path from which it is difficult and sometimes impossible to return.

Turning Angel – Greg Iles

Ang panibagong blog na ito ay ang resulta ng mga bagay na ginawa ko which leads to a long chain of events that molded me into something new. A somewhat more sensitive and affectionate individual. Para bang may tumama sakin isang rumaragasang sasakyang tumatakbo ng 100km/h at tinamaan ako at nagpaikot sa sikmura ko over 360degrees horizontally sa taas na 10ft.Which made me realize na mahaba haba narin palang panahon ang sinayang ko sa mga bagay na walang katuturan.

Dati isa ako sa milyon milyong tao na nagmimistulang “zombie”.Mga taong naglalakad nga’t buhay ngunit parang walang sariling utak. Isa ako dati sa mga taong dinidiktahan kung paano mabuhay. Di tuwirang dinidiktahan sa kung anong damit ang isusuot, o anong shampoo o deodorant ang gagamitin. Noon, isa rin ako sa mga taong walang pakialam. Dati kuntento na ko as long as wala akong problema’t inaalala. Wala akong pakialam sa buhay ng ibang tao..Shame.

Ngunit lahat ng yan ay tapos na. Hindi na ako ang dating dinidiktahan. Hindi na ako ang dating basta basta na lang naniniwala. Hindi na ako ang dating walang pakialam. At higit sa lahat hindi na ako ang puro lang satsat.

Simula ngayon hindi na ako ang A.S.A na nasanay at nahumaling at lumaki sa impluwensya ng isang “burgis” na kaisipan at pamumuhay. Hindi na ako ang dating alipin ng pag aalinlangan at inhibisyon. Hindi na ako ang dating “oo” na lang ng “oo” sa ibang tao dahil lang sa tinatawag nating “Peer Pressure”.

Ako ngayon ay isang isang estudyante in the fullest sense. Kritikal mag isip at handang tumanggap naman ng kritisismo ng iba. Naniniwala ako na ang pag aaral ay hindi lang dapat nagaganap sa loob ng paaralan. Naniniwala ako na ang isang estudyante ay hindi dapat nakukulong lang sa loob ng apat na sulok ng silid aralan. Naniniwala ako na an isang estudyante ay dapat lumabas,mag explore,magsuri,makisalamuha at higit sa lahat..makialam sa mga isyu na dapat pag usapan. Dahil tayo rin naman ang maaapektuhan nito sa hinaharap.

At kung mayroon mang gustong magpatahimik at maglagay ng busal sa ating boses at karapatan..Sisiguraduhin naming itatarak namin ang pinaka malakas na sandata ng mga estudyante : Ang aming panulat at papel. At idagdag pa ang pinaka malakas na propaganda machinery ng mga makabagong manunulat : Ang online journals o mas kilala sa tawag na BLOGS!.

I am once again..welcoming myself to teh blogosphere!

Ang kritikoradikalestudyante ay ang official blog ni S.O.R.A.L ng Jose Rizal University. Ito ay isang progresibong blog kung saan malaya ang author na magsalita ng mga bagay na gusto nyang ipaalam at sabihin sa lahat. This blog aims to show the manifestation of freedom of expression in the fullest sense!

[This blog is the extension of thegreatprotagonist.My predecessory blogger.]


Pages

Status

  • 25,946 hits

TULONG KABATAAN


ISANG MILYON. ISANG PANATA

TAYO ANG PAGBABAGO!


The Youth is on a Mission to Rock Philippine Politics. Be part.

no to CONASS!


2010 is nearing and as expected by many..CHACHA is now being pushed by the shameful CONASS! I would like to adress my shame to our Congressman Roman T. Romulo of Pasig for supporting the very unconstitutional CHACHA through the passing of HR 1109.

Come and join the widespread campaign of protesting against CONASS! Let us blog and post to all of our social networking sites such as Friendster, Multiply, Facebook our rage against the hasty passing of HR 1109.

-SORAL
(Image courtesy of : http://brianong.blogspot.com/)

Currently listenin’


Named after the traditional Navajo tobacco pipe given as a peace offering, PEACE PIPE arrives on scene bearing gifts: 10 songs with the same promise of their namesake to transport one from the natural world to the spectral world.
more at their MySpace : here

Blog scheds

July 2008
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031