Archive for November, 2008

The Nov25 Walkout Day : Success

Isang taas kamaong pagbati at pagpupugay sa mga estudyante at kabataan na dumalo sa ginanap na WalkOut Day nitong nakaraang Nobyemre 25 2008. Kung saan ipinakita ng mga estudyante mula sa ibat ibang pamantasang kolehiyo maging ng mga highschool ang kanilang dismaya at disgusto sa kasalukuyang rehimen ni Gloria Macapagal Arroyo.

Nagkita kita ang mga iskolar ng bayan at mga estudyante mula sa ibat ibang pamantasan sa labas ng UST bandang alas onse ng umaga. At pagkatapos ay ang mahabang martsa patungo sa Plaza Miranda kung saan idinaos ang isang programa kung saan tinuligsa ng mga kabataan ang pagsulong ng rehimen ni Gloria sa Charter Change at maging ang represyon at pasismo na kasalukuyang nararanasan ng mga aktibista.

Pagkatapos ng programa sa Plaza Miranda ay ikinasa ang martsa patungong Mendiola kung saan idaraos ang susunod na programa. Ngunit sa kasamaang palad ay hinarang ng mga reaksyunaryong pwersa ang martsa na nauwi sa pagalis ng mga estudyante sa kalye ng Morayta pabalik sa UST.

Ngunit bagaman ganoon ang nangyari. Isa paring tagumpay para sa lahat ang ginawang pagkilos. Dahil sa pamamagitan nito ay napakita na naman natin ang ating dismaya sa kasalukuyang bulok na umiiral na sistema sa ating lipunan. At hindi tayo titigil hanggat hindi napapatalsik ang pasistang pangulo na si Gloria Macapagal Arroyo.

November 25 is a Walk Out Day!

Panawagan ng mga Kabataan : Walk Out!

(Walk out sa klase bilang tugon laban sa pasismo at Chaha)

Hindi lingid sa ating kaalaman na papalapit na ang 2010. Ito ang huling hantungan ng gasgas at atrasadong pamumuno ni Gloria Macapagal Arroyo. Kasabay ng kanyang papalapit na pag alis sa pwesto ayang patuloy na pagbulusok paibaba ng ating ekonomiya dahil sa pandaigdigang krisis pang pinansya.

Ngunit nakasisiguro ba tayo na basta basta na lang sya bababa sa kanyang pwesto ng walang alinlangan? May balak nga ba syang bumaba kahit na lingid sa kanyang kaalaman na oras na bumaba sya ay kakaharapin nya ang mga di-mabilang na anomalyang kanyang kinasangkutan?

Tulad ng “Hello Garci Scandal”, “NBN-ZTE Deal” at ang pinaka mainit ngayon : Ang PHP728M Fertilizer Scam kung saan ang perang napunta sana sa mga magsasaka ay walang pakundangang ginamit ni Arroyo noong 2004 elections. Idagdag pa dyan ang mga di mabilang bilang na kaso sa paglaban sa karapatang pantao, pagpaslang sa mga aktibista, enforced disappearances(desaparecidos) o sapilitang pagdukot at iba pa. Lahat ng anomalyang yan idagdag pa ang kolektibong galit at poot ng milyon milyong masang anakpawis na kahit kailan ay hindi naramdaman ang sinasabing “Ramdam ang Kaunlaran” ng kanyang gobyerno.

Kaya nga ba nyang harapin ang lahat ng ito? Sa tingin ko ay hindi. Dahil sa bigat ng kasalanan nya sa taong bayan ay pagbabang pagbaba nya pa lang sa pwesto ay sa kulungan na dapat agad ang bagsak nya. Kaya naman pinipilit nya paring isulong ang “ChaCha” o Charter Change, kung saan hindi nya lang mapapalitan ng isang mas atrasadong lipunan ang bulok nang umiiral na sistema, kungdi ay magiging dahilan rin ito ng ekstensyon ng kanyang termino na lalampas sa inaasahang exit nya sa 2010. Kahit na ilang beses na syang nabigo sa pagsulong sa ChaCha sa anyo ng pagkabasura sa Constitutional Assembly(ConAss) at ang mapanlinlang na Memorandum of Agreement on Ancestral Domain(MOA-AD), ay nanganganib paring maipasa ito dahil sa pursigidong pagkilos nya at kanyang mga alipores sa pagsulong sa ChaCha sa pagpasok ng 2009. At kasabay ng pagsulong sa ChaCha ay ang pagdurog sa mga progresibong organisasyong tumututol dito sa pamamagitan ng mas pina igting na dahas at pasismo.

Ngunit tayong mga kabataan ay hindi dapat matakot sa kamay na bakal g pasistang lider. Bagkus, gawin nating itong kasangkapan para lalong lumaban, tumutol at ipakita ang disgusto sa kasalukuyang rehimen.

Tayong mga kabataan ang dapat na pangunahing nakikialam at sumasama para baguhin ang bulok na sistema : Dahil tayo rin naman ang makikinabang nito sa hinaharap.

Tayong mga kabataan ay hindi dapat nagkakasya sa apat na sulok lang ng ating paaralan. Dapat tayong lumahik at maging mulat sa ating lipunan.

Tayong mga kabataan ay hindi dapat palagi nalang nakukulong sa pagiging makasarili at walang pakialam.

Tayong mga kabataan ay dapat lumabas at magtungo sa lansangan upang isigaw ang ating pag giit sa karapatan at pagbabago. At magkaisang hindi na dapat paabutin ang 2010 bago mapatalsik ang puppet, reaksyunaryo at pekeng pangulo na si Gloria Macapagal Arroyo.

Panawagan ng mga estudyante : Walk Out sa Klase!

Defy Gloria’s Tyranny! Defy Charter Change!

Irehistro ang inyong mga unibersidad! Dumalo at magpadalo sa walk out.

November25 : Youth Gathering for Change “Red Shirt Day” – UST 11am

December02 : Urban Poor’s DAy – Welcome Rotondo 11am

ANAKBAYAN, KARATULA, LFS – JRU

Quote of the day

I actually first got this from my dood’s blog. And I cant help but repost this here on my blog.

“Bless the President, so she will have forebearance, good health, the tolerance to lead the nation up to 2010, and perhaps, who knows? even beyond.”

–  Press Secretary and Presidential spokesperson Jesus Dureza.

Ito ay ang panalangin ni Press Secretary Jesus Dureza sa Malacanang kahapon kung saan hiniling nya sa Diyos na sana ay bigyan ang ating pangulo ng maayos na kalusugan at ng kapasidad para “pamunuuan” ang kanyang mga “mamamayan” hanggang sa 2010. Pero may mali. Dahil ang sumunod na huling aning na salita ay nakapagpataas ng kilay, hindi lang ng aking kapatid at akin, kundi sa halos lahat ng mamamayang nakarinig nito : “and perhaps, who knows? even beyond.”

Kung gayon ano ang nais iparating ng Press Secretary ng palasyo?

Sa akin at sa maraming mga progresibo, isa lang ang ibig sabihin : Charter Change.

Handa na naman silang sumayaw sa tugtugin ng ChaCha upang mapalawak ang pag upo ng ating Presidente lampas sa inaasahan nyang paglisan sa 2010. Ngunit iisa ang tugon ng mamamayan : Hindi na namin kaya pa ang panibagong ekstensyon ng kanyang rehimen.

At kung tutuusin sa dinami dami ng mga kinasangkutan nyang kurupsyon at kminen. Sa dinami dami ng mga aktibista na ipinapatay nya, sa mga desaparecidos na hindi parin nakikita at sa mga pulang mandirigma na namatay at nagalay ng buhay para labanan ang kanyang pasismo, ang aming hiling ay ang kanyang madaliang paglisan sa palasyo. Iyon ang gusto namin at ng mga masang Anakpawis. Tama na ang pasismo at pagkiling sa bumubulusok padausdos na imperyalistang US.

Kung ako ang nabigyang pribileyong magdasal kasama sya. Iyon ang aking ipagdarasal. At naway matupad yo sa lalong madaling panahon.

Memories are gifts..

(Taken at the 6th day of November,1989)

Today is November 6 2008,  my twentieth birthday.

Gaano nga ba kabilis lumipas ang panahon? Parang kahapon lang ay isang musmos pa ko. Katulad ng larawang nasa taas. Ni wala akong kaalam alam na nung araw pala na yan ay ipinagdiriwang ko ang unang kaarawan ko. And by that time, I cant still recognize that the one cradling me was my hardworking, humble and lovely mother.

Time has aged me, and dammit! I hate the fact that I am now entering my twenties. Ayoko pang ma-labelled as “gurang” ng mga tropa ko. Gusto ko parin ung dating pa petiks-petiks lang. Yung pa inum inum lang kada may pagkakataon para tumakas ng panandalian sa mga problema at bullshits.  Those carefree and happy days..whew. But then, as I am start reminiscing my life, the past years that quickly passed. From the way I see it : I did not even reach the tip of my expectations.

(Iskul-Bukol)

Malinaw ang plano ko noon sa buhay ko. Ito yung mga panahong papaalis palang ako sa elementarya. Ang kapal din ng apog ko para gawan ng blueprint ang future ko gayong isa palamang akong musmos nun at walang alam sa buhay, but anyways heto ang plano ko noon :

  • Papasok ako sa highschool at tatapusin ang apat na taon ng may flying colors..
  • Then diretso sa isang unibersidad. At..
  • Magtapos ng kolehiyo  then land a job.

By this time dapat by March tapos na ko sa kolehiyo at sa mga susunod na buwan ay naghahanap na ng trabaho kasabay ang libo libong mga fresh graduates. Pero hindi. Kasalukuyan parin akong nagaaral at medyo mahaba haba pa ang bibilangin kong taon sa kolehiyo. Paano ba naman, may mga variables akong nakalimutan na kailangan ko palang ma-encounter.

  • Pagpasok na pagpasok sa highschool, hindi maiiwasan na mapa barkada sa mga happy go lucky douchebags and in the process magiging isa kana rin sa kanila.
  • Hindi mo rin alam na maaring merong mga bagay bagay na makaka distract sa pagaaral mo. Such as family problems, financial bullshits, and lots of porn websites. ^^
  • At napagtanto ko nito lang nakaraan..Hindi ganun kadali at kamura para sa isang magulang na pag aralin ang dalawang anak ng sabay sa loob ng isang unibersidad.

At dahil dyan sa mga variables na yan..Uhmm. Paano ko ba to sasabihin? 1.Hindi lang apat na taon ako namalagi sa loob ng highschool..Kungi six damn fvcking years! 2. Kasalukuyan ako ngayong tumigil ngayong semestre at babalik na lang sa summer, Hindi kinaya kaya pinauna ko na lang ang kapatid ko.

Sadyang mapangahas nga ang ginawa ng elementaryang iyon. Hindi nya pa kasi alam na sa buhay marami ang mangyayari na hindi mo inaasahan. At karamihan sa mga bagay na yun ay hindi mo gustong mangyari. Ngunit hindi yan ang dapat kong ilahad..Its all about my birthday dammit! Kung anu anu na naman ang sinasabi ko at nawawala na naman ako sa objective ko.

(Papansin mode)

So, today is indeed my birthday. And the typical thing a person would do is throw a beer bash and drunk his/her ass to death. But not me. I choosed to spend my day alone in our house. Tamang txt lang at patugtug ng cd’s. Hindi ko nga pinagkalat sa mga tropa ko na birthday ko. Tinitignan ko kasi kung sino lang talaga ang mga nakakaalala sa akin. And thank god may mga nakaalala naman. Pero medyo nakakalungkot dahil ung mga taong dapat makakaalala ay parang nakalimutan na ata.  Pero ayus lang, katulad nga ng sabi ng “kapatid” ko..Those who remembered were the REAL friends. Bat ba kasi ganun ung mga may birthday? Masyadong papansin? Kelangan pa nilang ipagsigawan na sa mismong araw na yun eh iniluwal sya at lumabas sa mundo. And in my case, ginamit ko pa ang Information Age sa tulong ng internet para isigaw sa buong “blogosphere” este, sa buong mundo na : Hoy pansinin nyo ko!! Birthday ko ngayon! Whew. Call it a lame or immature act. But thats just the way it is.

(Those who dared to remember..Haha)

This year, mas kaunti ang bumati sakin sa mismong birthday ko. Halos karamihan ay mga tropa ko sa PES, isang online community kung saan ang mga miyembro ay mga partipipol na walang ginawa kungdi uminom at makinig ng musika.(Nah, all of you guys knows that theres more to this..haha).

So far, ang mga bumati lang sa akin ay sila : Elmo, Phap, Dood Chloe, Trisha, Rian, Fradge, Kenddi, Party Tovy, Gayle, Timo, Jec-Gloom, Aybhanne, G.A-Ashee, Jhanine, Perot. Hinihintay kong batiin ako ng mga batchmates ko sa HS pero hindi na yata talaga nia naalala(O alam nila, pero alam din nilang wala akong ipapainum sa kanilang alak..haha) .

But the best thing I got today is a Happy Beerday fansign galing sa aking “kapatid”. Talagang kinulit kulit ko pa sya,tas umarte pa ko at nangunsensya(kaunti lang). Kaya ayun. But really, dood. Thanks for this huh. Haha.

(Closing remarks of a 20 year old douchebag)

So there you have it. Although i dont know how many online hits this birthday driven blog entry will get. And how many comments and greetings I’ll received. But this is still, by far, the best birthday for me. I dont need a beer bash or to throw a party just to felt being celebrated and appreciated. As long as there are people, real people who really cares. And if there is something I would wish today, It will be to hope that these people circling me around wont disappear. I dont like the feeling of being left behind. And thats why I wont left then either. So aun, sa lahat ng bumati thru txt at comment sa FS. Kudos sa inyo.

This is the SonOfRageAndLove, ^^

Rian’s last minute pahabol..


Enough said. Mamats Rian. ^^


Pages

Status

  • 18,988 hits

TULONG KABATAAN


ISANG MILYON. ISANG PANATA

TAYO ANG PAGBABAGO!


The Youth is on a Mission to Rock Philippine Politics. Be part.

no to CONASS!


2010 is nearing and as expected by many..CHACHA is now being pushed by the shameful CONASS! I would like to adress my shame to our Congressman Roman T. Romulo of Pasig for supporting the very unconstitutional CHACHA through the passing of HR 1109.

Come and join the widespread campaign of protesting against CONASS! Let us blog and post to all of our social networking sites such as Friendster, Multiply, Facebook our rage against the hasty passing of HR 1109.

-SORAL
(Image courtesy of : http://brianong.blogspot.com/)

Currently listenin’


Named after the traditional Navajo tobacco pipe given as a peace offering, PEACE PIPE arrives on scene bearing gifts: 10 songs with the same promise of their namesake to transport one from the natural world to the spectral world.
more at their MySpace : here

Blog scheds

November 2008
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930