Archive for December, 2009

Kape at kontradiksyon

Mag-aala sais na ng umaga.

Matagal koring di naranasan to – ang mapuyat ng todo. Siguro ay dahil sa palagi na akong natutulog ng maaga(kung maaga din para sayo ang alas dos ng umaga). Pero dahil nga sa holiday vacation ngayon – balik na naman ako sa dati kong gawi. Ang abutin ng umaga kaka inom ng mainet na kape habang pilit na pinipiga ang utak para may maisulat na kahit ano lang. At tagumpay na naman ako dahil 1. napuyat ako at 2. dahil may naisulat akong isang sanaysay (seriously – hindi ko alam kung ano ang itatawag ko dun, tula ba o essay?)

Natatawa nalang ako.

Kasi ba naman, kaninang bandang maaga aga pa (9 to 11pm) ay pinipilit ko ang sarili ko na magsulat. Na para bang gustong gusto ko magsulat pero 1. di ko malaman ang uunahin at 2. hindi ko alam kung paano ito isulat. Iyon nga mismo ang problema – hindi dapat pinipilit ang pagsusulat, kung nasa tamang tempo at ritmo ang damdamin mo – malaya kang makakapag sulat.

At para sakin, upang makuha ang sinasabing tamang ritmo o tempo ng damdamin – kailangan ko ng tatlong components (parang dorobo lang noh? haha). 1.Paulit ulit na pag inom ng mainit na kape sa madaling araw, 2. Tulog na dapat lahat ng kasama ko sa bahay at 3. Mabangag kakainom ng kape.

At presto! Meron na kong panibagong draft para sa aking blog (either produktibo o kaya’y patapon).

Ang iniluwal ng aking masalimuot na pagsisikap ay ang “elibs”. Kung sa slang na termino sa salitang Pilipino – ang ibig sabihin nito ay “bilib”. Bale, kung babasahin para syang pagpupugay sa aking mga kolektib dahil magkakasama parin kami ngayon. Pinapakita rin doon kung paanong mula sa pagiging makasariling mga tao ay na organisa sila at namulat sa reyalidad ng buhay. Kung bakit may pagsasamantala, sino ang mga nagsasamantala at kung paano lalabanan ang pagsasamantala. At mula sa mga panimulang pundasyong ito ay nagpatuloy sila sa pagpapalalim at tumagal sa kilusang mapagpalaya na kinabibilangan nila.

Kung babasahin, makikitang ginawa ito para i-cheer up ang kanyang mga kolektibs para hindi manghina, mapagod at lalo pang tumaas ang moral. Pero makikita rin na hindi lang ito ginawa para ahitahin(agit-in) ang kanyang mga kasama – kungdi para rin mismo sa kanya.

Dahil higit kanino man, alam nating minsan tayo mismo ang pinanghihinaan ng loob. Parang ako. Lalo na kapag hindi nagagawa ng masikhay ang mga gawain – Minsan umaabot sa pagka demoralisa.

Hindi dahil alam kong nagkasala ako sa king kalihin.

Kungdi dahil alam kong nagkasala ako sa masa.

At dala narin ng natitirang hibo ng liberalismo – madalas ay tinatago nalang natin ito sa ating mga sarili. Siguro ay dahil sa ayaw nating ipakitang nanghihina tayo.

Oo. Liberal na ako.

Bilang konklusyon,

Ang “elibs” ay isinulat ko dahil sa dalawang inspirasyon.

1. Pataasin ang moral ng aking mga kolektib at 2. Pataasin ang sarili kong sadsad sa lupang moral.

Totoo nga ang kasabihang habang lumalawak ang pang-unawa mo at dumadami ang kaalaman mo sa lipunan ay lumalaki at dumadami din ang mga kontradisyon na kakaharapin mo. Isang bagay lang, tandaan lang kung “PARA KANINO” ang mga ginagawa natin.

Kayat wag dapat panghinaan ng loob.

Para sa kilusang mapagpalaya – at para sa masa.

Teka, sobrang lamig na pala ng kape at paubos na. Makapag timpla pa kaya ng isa?

SORAL
23DEC09
0704am
Advertisements

Elibs*

Elibs na elibs talaga ko sayo eh..

Naalala ko kasi dati..

Halos magkatulad lang tayo nun..

Kuntento na sa tipikal na pag inog ng buhay,

nakakulong sa ating mga makasariling interes :

makakain ng tatlong beses sa isang araw,

..umatend ng konsyerto,

..malasing sa alak,

..hindi malamangan sa mga bagay bagay,

..WALANG PROBLEMA.

Malabo pa ang konsepto natin ng kalayaan noon :

basta nagagawa natin ang gusto  natin,

..nabibili ang hilig natin,

..nasusunod ang mga burges na luho natin,

..WALANG PROBLEMA,

..WALA NA TAYONG PAKI SA IBA.

Pero dati yun.

Pagtapos ay may bigla na lang tayong nakilalang isang tao – o isang grupo ng mga tao..

Mga taong bigla nalang bumasag sa lahat ng konsepto natin sa buhay..

Pagtaops ay hinapagan tayo ng isang unibersal na katotohanan – na tayong lahat ay parte ng nabubulok na sistema ng lipunan.

Hindi bat sa kanila natin nalaman ang pagkaka – konektado ng lahat ng krisis sa ating lipunan?

..Tuition Fee Increase

..Campus Repression

..Privatization

..Political Killings

..Enforced Disappearances

..Oil Price Hike

..Monopolyo sa lupa

..Import Dependent – Export Oriented economy

Hindi bat sila rin ang nagpakilala sa ating uri at kung bakit tayo napagsasamantalahan?

..magsasakang inaagawan ng lupa,

..manggagawang alipin ng sistemang sahuran,

..peti-burgesyang estudyante na nakatali sa bulok na sistema ng edukasyon,

..pambansang burgesyang dinudurog ng mga malalaking burgesya komprador.

Naglantad sa uring mapagsamantala :

..swapang sa lupang mga Panginoong May Lupa,

..ganid sa salaping mga Malaking Burgesya Komprador,

..at pasistang mga burukrata – kapitalista.

Matyagang nagpaliwanag sa tatlong salot ng lipunan :

Imperyalismo,

..Burukrata – Kapitalismo,

..at katutubong Pyudalismo.

at syempre – naghapag ng solusyon sa mga problemang ito :

Armadong Pakikibaka bilang pangunahing porma,

at Parliamentong pakikibaka bilang sekundarya.

Lahat ng yon ay matyaga nilang ipinaintindi satin.

Mula sa konserbatibong mga pananaw natin ay nagkaron tayo ng obhetibong pag unawa kung bakit may pagsasamantala – at kung paano ito lalabanan.

Naintindihan nating kaya pala maging makasarili ng ating panananaw noon ay dahil sa ganoong paraan tayo hinubog ng super structure ng lipunan.

At dahil don ay namuhi tayo sa superstructure.

Namuhi tayo sa kasalukuyang mala-kolonyal at mala-pyudal na sistema na pumipigil sa pag unlad.

Nagkaron narin tayo sa wakas ng kolektibong hangarin – ang baguhin ang lipunan at palitan ito ng pinaka abante at pinaka sulong na uri ng lipunan.

At dahil doon ay naging kabilang narin tayo sa kanila.

Mga taong hindi nagsasawa sa pagpapaliwanag kung bakit nga ba ganto.

Mga taong hindi nagsasawa sa pag aaral – sa lipunan.

Mga aktibista pala sila.

Silang nagsusulong ng Pambansang Demokrasya!

At dun natin nalaman na kolektib pala ang tawag sa samahan nila.

At oo, parte na tayo ng kolektibong iyon.

Kaya nga elibs ako sayo eh :

..dahil nandito ka aprin hanggang ngayon,

..kasama naming nagmamartsa sa init ng araw,

..kasama naming sumisigaw para sa  karapatan,

..kasama naming binabago ang lipunan.

Unti unti..

sa tema ng MDB,

Unti unti..

tungo sa tagumpay ng PDR,

Unti unti..

hanggang sa tagumpay ng SR,

Unti unti.

Kaya nga elibs ako sayo eh :

Dahil gusto mong kumawala sa sistema,

Wag tayong mapagod,

Labanan ang kontradiksyon,

Hanggang sa tagumpay.

estipi – estiar

SORAL
23DEC09
0546AM
*Ang “elibs” ay salitang kalye sa pilipino na ang ibig sabihin ay “bilib”.

Pampataas lang ng moral…

Militant students shout slogans as they hold a rally calling for an end to martial law in southern Maguindanao province as they commemorate International Human Rights Day just outside the gates of the Malacanang Presidential Palace in Manila, Philippines, Thursday, Dec. 10, 2009. Critics called it a dangerous precedent, but cabinet members said martial law was needed to stave off a rebellion by the powerful Ampatuan clan, the main suspects in the Nov. 23 killings of 57 people, and their thousands-strong private armies ready to fight the government.

Pampataas lang ng moral.

Para sa lahat ng kasama. Sa mga kasamang pinanghihinaan ng loob at tinatalo ng p********ng kontradiksyon na yan.

Sa lahat ng nahahagip ng burges na kulturang pinagmulan nating lahat na ating binabaka sa pamamagitan ng pagpapanibagong-hubog.

Sa lahat ng napapagod at pinanghihinaan ng loob…

Kung patuloy tayong magpapatalo sa mga kontradiksyon na yan…

Lagi’t lagi lang natin tatandaan…

Na palagi nalang magiging ganyan ang sitwasyon. Katulad ng litrato sa taas. Kung saan natatakot tayong makita ang ating muka sa tuwing naiisip natin na baka hagupitin tayo ng ating Admin at supiling muli.

Lagi’t lagi lang natin tatandaan…

Dumaan na ang ating kolektibo sa ibat ibang kampanya at tagumpay sa loob ng ating pamantasan. Red Shirt Day. JRU19 at TOFI(Tuition and Other Fee Increse) Fight. Mga kampanya at pakikibakang masa na humubog sa atin bilang mga aktibista. Kung saan binabasag natin ang kulturang laganap lalo na sa isang burgers na pamantasan -tulad ng JRU :“Mag-aral nalang kayo, wala kayong mapapala dyan.” -Isang kultura kung saan nilalayo ang estudyante sa mga usaping pampulitika ng ating bansa, na para bang hiwalay ang buhay sa loob ng pamantasan sa lipunang ating ginagalawan.

Lagi’t lagi lang natin tatandaan…

Dec 10, 2009. Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao : Naging parte tayo ng kasaysayan kung saan nairehistro natin ang ating boses -hindi lang sa Mendiola kungdi sa Gate7 mismo ng Malacanang para kundenahin ang pagsasabatas ng Martial Law sa Maguindanao. Isang panawagang nararapat at napapanahon lamang.

Nasa panahon na naman tayo ng ligalig. Kailangang kumilos para baguhin ang lipunan. Ang bulok na umiiral na sistema ng lipunan sa ating bansa.

Anong sagot sa Martial Law? : D******! D******! D******! B****!

Ang tao! Ang Bayan! : A**** nalang ang kulang!

Kung nandun ka nung makasaysayang araw na yon. alam mo ang sagot. At kung wala ka naman noon -sumama sa mga susunod na pagkilos. Nang sa susunod ay kasabay kana naming nagcha-chant ng radikal na pagbabago ng lipunan.

Pampataas lang ng moral. ^

SORAL
121209

Martial Law. Oo sa Maguindanao palang sa ngayon. Pero paano kung pati sa buong bansa na? Hindi ka parin ba kikilos? Mga kasama. Nasa panahon na tayo ng ligalig. Kaya naman makatwiran at napapanahon(at palagi naman talagang napapanahon) ang mag rebolusyon!

Isang taon na naman ang nadagdag sa aking nadudurog nang katinuan. ^

Kung noong nakaraang taon ay napag ukulan ko ng panahon ang pagsusulat ng isang blog entry para ipagdiwang ang aking kaarawan; ngayong taon ay wala akong naisulat para sa aking kaarawan. Dala narin siguro na masyado akong naging busy sa eskwela at sa kadahilanang may trangkaso ako noong araw na yun-ay hindi na ako nakagawa ng isang year end blog entry para i-assest ang naging larga ko sa loob ng isang taon na namang pagkakadagdadg sa aking edad.

Pasensya na kung napaka late na nito para sa isang blog entry sa aking kaarawan na halos isang buwan nang lumipas…

Buti nalang at nandyan si VSF at hindi nakalimutan ang aking kaarawan. Sa gantong paraan namin ipinagdiwang ang aking kaarawan.


Pages

Status

  • 19,220 hits

TULONG KABATAAN


ISANG MILYON. ISANG PANATA

TAYO ANG PAGBABAGO!


The Youth is on a Mission to Rock Philippine Politics. Be part.

no to CONASS!


2010 is nearing and as expected by many..CHACHA is now being pushed by the shameful CONASS! I would like to adress my shame to our Congressman Roman T. Romulo of Pasig for supporting the very unconstitutional CHACHA through the passing of HR 1109.

Come and join the widespread campaign of protesting against CONASS! Let us blog and post to all of our social networking sites such as Friendster, Multiply, Facebook our rage against the hasty passing of HR 1109.

-SORAL
(Image courtesy of : http://brianong.blogspot.com/)

Currently listenin’


Named after the traditional Navajo tobacco pipe given as a peace offering, PEACE PIPE arrives on scene bearing gifts: 10 songs with the same promise of their namesake to transport one from the natural world to the spectral world.
more at their MySpace : here

Blog scheds

December 2009
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031