Archive for August, 2008

Dressing up..

So I do bet that you guys are familiar with the image on teh left. Especially those Information Technology students like me. But for those that didnt know a thing bout HTML..

We use the tag </> to end a certain command. And from that I do believe that you had already comprehend what Im trying to explain here.

Kung kasing dali lang sana ng isang HTML document ang bawat problema at krisis na hinaharap natin sa buhay. Siguro wala nang kailangang mahirapan at mag-way. Kung pwedeng lang sanang kapag nag type tayo ng </poverty> eh matataos na ang kahirapan sa mundo. Eh di ang sarap sana nun. Kaso lang hindi ganun kadali ang buhay eh. Araw araw tayo nakaka saksi ng mga masasaklap na realidad ng buhay.

Siguro nakakakita rin tayo ng mga taong naghihirap. Or much worse,Nararanasan nating maghirap..first hand. And in these cruel days. Everyone seems to ignore these realities. Were being sidetracked with all the booze and not-so-important things. But there’s something in me that wants to swim against the flow. And spreaking up these days will turn you into a joke. Seriously. To be honest, madalas akong ma dissed sa klase dahil isa raw akong Aktibista. But that aint a big deal. Siguro hindi lang sila ganun ka “mulat”.

And the best way to present yourself as an Activist is by being what you are. From the way you write,,speak and wear your clothes. And according to Kris Canimo..:The coolest way to make your social statement and enable the public to see it is to proudly wear them out – and that is the very reason ClosingTagTees is here. In these high tech days, HTML is like a universal language. Every average person with a modem and a little common sense would easily recognize what’s printed in your shirt, making ClosingTagTees a perfect tool to spread social awareness, and at the same time, personal opinion.”

By seeing whats printed on your shirt..People will start to think..to think deeper. And hopefully the will get hooked too. And by the following day. They will too help eradicate and eliminate the burden that we used to call social Apathy.

RAGE!

RAGE – The Jerks!

Children begging at the streets at night
Knocking on cars till the morning light
People standing in line for a kilo of rice
Welcome to the dark ages, the era of lies

Dreams of progress, of visions gone mad
Mendiola’s still drenched with innocent blood
Demolition men rumbles through smokey mountain homes
Darkness indeed, justice dressed in gloom

But I’ll go not gently into the night
Rage against the dying of the light
Sing a song about this terrible sight
Rage until the lightning strikes

Go not gently, go not gently, go not gently
And RAGE with me

And the names and faces of the tyrants change
But poverty, pain and murder remains
And the voices of truth are locked up in chains
Darkness remains, freedom in flames

May bago na akong favorite song. Kung sakaling makikita ko pa ang mga lumang “slam-book” na sinagutan ko dati..ay babaguhin ko ang dati kong naisulat na fave song dun at ilalagay ko ang kantang ito ng The Jerks. Actually dati ko pa to naririnig pero ngaun ko lang talaga naintindihan ang mensahe and esensya ng kanta. Ang sarap paulit ulitin. Siguro dahil sa mga oras na ito ng aking buhay ay ngayon ko nararanasan at nararamdaman ang talagang nais ipahatid ng kanta. Maraming kanta na ang narinig ko. Pero ito lamang. Ang tagos tagusan at nagbigay sakin ng kakaibang pakiramdam.

At ang pakiramdam na iyon ay, GALIT.

Behind Those Lines

Siguro malinaw linaw naman sa pagkakataong ito ang imaheng nasa gilid nyo ano? At siguro malinaw din naman nating nababasa ang mga nakasulat sa papel. Yeay ayt. First impression? Matatawa kau sa mababasa nyo. “Ano ba to? Ang korny naman” Sabay napa isip ako. Oo nga naman korny talaga ang labas ng nakasulat dito at ang cool sa aming paninging mga burgis ay mga babasahing comics, playboy, FHM at online games katilad ng DOTA,Ragnarok,CAbal. At nga TV shows ng KAPUSO at ABSCBN. At pagatapos maisip yun. Umabot ako sa konklusoyon. Patay na nga ang Nasyonalismo para sa karamihan ng tao. Kapag nakarinig sila ng salitang “rally” at mga “aktibista” nag aangat agad sila ng kilay. At iniisip nila agad ay “baduy” at korny ito. Ang nasa isip na lang ngayon ng isang tipikal na estudyante o mamamayan ay ang mga bagay na nagpapasaya sa kanila..Luho..Alahas, Mallings, PSP, at ibat ibang uri pa ng pagpapa sosyal. Tama ang nabasa ko noon sa isang libro.

“Kung ang mga Espanyol ang naging dahilan sa pagsibol ng Nasyonalismo sa ating mga Pilipino..Ang pagdating naman ng Amerika ang pumatay dito”

At ngayon bilang nalang sa daliri ang mga kabataang nais ma involve sa pagsupil sa represyon at paglaban sa disgustong makikita sa lipunang ating ginagalaw. Wala na silang pakialam sa mga bagay na wala naman silang kinalaman. Malala na ang antas ng “Apathy” sa mga tao ngayon. Bastat mabuhay lang sila at walang inaalala, ayos na sa kanila. Wala silang pakialam kahit napakaraming tao ang namatay sa Mendiola dati. Wala silang pakialam sa mga bilanggong pulitikal na nakulong dahil lang sa lumaban sila sa pamahalaan. Wala silang pakialam sa mga Sumilao Farmers na inagawan at pinagkaitan ng lupang masasaka. Wala silang pakialam. Wala na silang pakialam.

Pero lahat tayo ay dapat makialam. Dahil lahat tayo ang apektado dito. Mananatili na lang ba tayo sa mga pansarili nating buhay kahit na nakikita natin ang mga kabulastugan at gaguhan mismo sa harap ng mga mata natin?

Makialam kayo. Karapatan nyo yan

– S.O.R.A.L

Facing the deadline

Badtrip naman. Ang labo ng IMG. Ala palang saysay itong pagpapa scan ko ng pulyetos. Tsk tsk. Bale ganto na lang i susulat ko kung ano ung sinasabi ng IMG sa gilid. Kesa naman maduling kayo kakabasa.

” Dir Pepe,

UI musta jan sa loob ng campus? Anu mu trip ngeon? Sumulat na ako kc ala na pang-lod, pang weply seo, cut pa din kc allowance q eh!

Nga pla hindi pa din pala aq naka2pasok, aun kasama pla ako sa mga nasuspend na 19 students, nakaabala dw kc kami sa mga nag kklase, bawal pala manawagan na ibaba ang presyo ng mga bilihin at langis, ibasura abg oil deregulation law at itaas ang sueldo ng parents naten?

Tae diba? Panu ung mga nangungulit sa loob ng klase? Unfair talaga! 2wiks na kami absent! ang kit noh? umabot na pala sa mga priv8 skulz ung fascism ng estado? At e2 pa! may tuta pala sa admin ang mga aso sa palasyo?

Astig! Diba?

Newei patay na pala si hustisya? Maki ramay tau ha? Paki sabi na rin sa mga tropa na sa darating na AUGUST 2008 BLACK SHIRT DAY, wala na kc ang hustisya eh….. Tuesday un tol ha!

P.S gimik narin pala tau sa AUGUST 5 2008, TUESDAY, 2PM jan lng sa main g8 ng campus, JAMMING TAU! kasama ibang tropa sa ibang skulz…live to tol via satelyt, Para kay hustisya!

Asahan kita ha….?! “

Tropa mo to

-Luwad-

Siguro by teh time na mababasa nyo ang blog entry na to ay tapos na ang porpuse nya. Kakabanas kasi eh..ngaun lang ako nagkaroon ng panahon(at pera) para mag propaganda gamit ang blogger ko.

The image on teh left side is with reference to what happened on the incident that took place last July 17 2008,Thursday. Ayun napag isipan lang kasi naming maglabas ng nararamdaman namin at marinig ang boses namin sa isang simpleng programa sa loob ng aming paaralan. Pero ang akala kong pakikipagtalastasan sa mga estudyante’y mauuwi pala sa pakikipag talastasan sa abugado ng aming paaralan. Lahat ng tao dun ay halos pare pareho ang banat samin :

“What are you doing? You cant staged up a rally inside teh school..This is a PRIVATE school!”

Ayun na nga ang mali namin. Private prorty nga pala ang school namin. Hindi pala basta basta pwede nagsalita doon ng walang pahintulot. Hindi pala pwedeng magmulat ng ibang mga estudyante tungkol sa mga isyung kailangang kailangan natin pag usapan. Lalo na ngayon. Ang pinaka masama nyan eh kapag hindi ka sumunod sa kanila ay patatahimikin ka nila..at much worse tatanggalin ka nila sa paaralan.

Bale, sumalang kaming lahat..kaming 19 na estudyante, under preventive suspension.Kaming 19’ng estudyante na sa mata ng iba ay nababaliw lang kami..o dikayay walang magawa or worst, iniisip nilang mga bobo lang kami at walang utak. Well isa lang naman ang sagot ko dyan. May hindi kami nagustuhan..at may gusto kaming iparating sa lahat. Kaya ang ginawa namin ay sumigaw kami ng malakas para marinig ng lahat. And I can say this with bravado. At least may bayag kami para magsalita at sabihin naming hindi kami masaya at kuntento sa mga bagay bagay. Hindi kami papayag na manahimik na lang sa isang sulok dahil lang sa natatakot kami.

Yes nasuspindi nga kami. Pero ayus na rin un. At least napanindigan namin ung gusto naming iparating. Nalaman ng lahat na seryoso talaga kami sa ginagawa namin. Sa ngayon nakakapasok na ako. At salamat naman sa iba kong prof na pinayagan at tinanggap parin ako kahit two weeks akong nawala sa klase.

Pero hndi parin ako ganun kasaya. Dahil apat sa amin ang naparusahan ng “forced transer”. Kung tutuusin daw dapat lahat kami ay FT ang parusa pero inilaban daw kami ng Presidente at ng aming Dean para ma retain. And I appreciate that..I really do. But I feel sympathy for my four friends. Kung tutuusin dat first offense pa lang naman to ah. Kasi isang beses palang naganap ang ganung bagay. Sana napag bigyan na lang din sila katulad naming kinseng magaaral na nakakapasok na ngayon. Nanghihinayang ako dahil ang dalwa sa kanila ay graduating na. Sana napagbigyan na lng sila. Pero sa nakikita ko sa kanila, hindi rin naman ganun kasakit yun. Dahil alam nila na walang mali sa ginawa namin. Nanindigan kami. At yun nga ang consequences sa side nila.

Humihingi ako ng suporta, kung hindi suporto ay kahit simpatya lang para sa 4 na kasamahan ko na na FT sa aming paaralan. Hindi nila yun ginawa para sa sarili nila kungdi para sa lahat. Although alam ko namang corny ang dating naming mga aktibista sa mga mata nyo. Haha I even hear some mocking us. Pero ayus lang naman samin un. Ang iniisip na lang namin ay hindi kaya ganun kamulat sa mga bagay bagay na. Pero alam din naman namin na matino at mahusay naman kaung kausap at taga pakinig.

Kaya ngayon sana pakinggan nyo kami.

-S.O.R.A.L


Pages

Status

  • 18,988 hits

TULONG KABATAAN


ISANG MILYON. ISANG PANATA

TAYO ANG PAGBABAGO!


The Youth is on a Mission to Rock Philippine Politics. Be part.

no to CONASS!


2010 is nearing and as expected by many..CHACHA is now being pushed by the shameful CONASS! I would like to adress my shame to our Congressman Roman T. Romulo of Pasig for supporting the very unconstitutional CHACHA through the passing of HR 1109.

Come and join the widespread campaign of protesting against CONASS! Let us blog and post to all of our social networking sites such as Friendster, Multiply, Facebook our rage against the hasty passing of HR 1109.

-SORAL
(Image courtesy of : http://brianong.blogspot.com/)

Currently listenin’


Named after the traditional Navajo tobacco pipe given as a peace offering, PEACE PIPE arrives on scene bearing gifts: 10 songs with the same promise of their namesake to transport one from the natural world to the spectral world.
more at their MySpace : here

Blog scheds

August 2008
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031