Archive for the 'Tagpi tagping katinuan' Category

Ang dahilan ng malalaking eyebags, paghikab at pamumula ng mata habang naglalaho ang aking unti unti nang nasisirang katinuan. *

Alas dos ng madaling araw. Hindi na iba sakin na abutin ng ganyang oras na gising pa. Ang totoo nyan, maaga pa nga para sa akin ang alas dos. Natural na lang sa akin na matulog ng kahit hanggang alas singko ng umaga. Mainet na kape, ang mahimbing na tulog ni Papa at ng dalawa kong kapatid, makukulit na lamok at ako na dilat na dilat pa ang mga mata, pagal nang mga utak kakaisip at malapit nang masirang katinuan. Ito ang tipikal na eksena dito sa amin tuwing madaling araw. Idagdag pa ang nakakababasag na katahimikan kung saan ang tunog na likha lang ng elctric fan at ng makukulit na lamok lamang ang ingay namaririnig mo.

Siguroy nakakatuwang isipin, pero  para sa akin ay sa mga sandaling ito lang ako nakahahanap ng panandaliang kapayapaan sa sarili ko. Madalas ay hinahayaan kong mamatay ang oras sa pamamagitan ng pagsusulat ng kung ano anong mga bagay, karamihan ay mga bagay na walang konsepto at hindi mo alam kung may pupuntahan(o katuturan) nga ba? (katulad ng mismong entry na to’).

Ngunit hindi lamang sa pagsusulat palagi nauuwi ang pagpupuyat ko. May mga pagkakataong inaatake ako ng katakawan kaya nag fu-food trip na lang ako. Madalas ay ang napagdidiskitahan ko ay ang tirang pagkain namin para sa hapunan, kung wala naman ay nagluluto ako ng pansit canton(ung hot and spicy).

Pero nitong mga nakaraang linggo at buwan, nakasanayan ko nang magpuyat sa wala. As in wala. Literal na nakaupo lang o naka higa habang nagiisip ng malalim. Kung ano ang aking iniisip? Ang sagot ay marami. At ang mga bagay (o tao) na ito ang kriminal na dapat sisihin sa aking malalaking eyebags, paghikab at kung bakit pasado ng alas dose ng tanghali na naman ako magigising mamaya at kung bakit pasado alas singko na naman ako matutulog ngayong araw na to.

Kontradiksyon sa sarili. Isa sa mga bagay sa aking isipan na matagal tagal ko naring pinagpupuyatan. Madalas kong maisip kung ano nga ba talaga ang gusto ko sa buhay. Kung kailan ako makakawala mula sa pagkakaalipin ko sa mga bagay na nakasanayan ko nang gawin. Kung kailan ako makakatawid sa mga linyang pumipigil sa akin para gawin ang gusto ko. At kung kailan at kung paano ako makukuntento sa buhay ko. Dahil sa ngayon..Hindi ako kuntento sa buhay ko. Maging sa sarili’t pagkatao ko.

Panghihinayang sa ilang bagay(at tao). Madalas ko ring maisip kung ano kayat ginawa ko o di ginawa ang isang bagay? Dahil sa totoo lang : nabubuhay ako ng palaging may panghihinayang. Ang masama pa nito, karamihan sa mga bagay na ito’y di na mababago pa. May mga pagkakataon sa buhay na kapag nasimulan mo nang gawin ay hindi kana makakabalik o makakalingon man lang sa likod. Meron ngang nagsabing : Ang tamang bagay at panahon ay wala na ring saysay kapag wala na ang tamang tao. Ang tao pwedeng mag adjust. Pero ang bagay at panahon hindi.

Ang nakababagot ngunit di mabitawang PAGHIHINTAY. Kahit na alam kong mahirap at nakakainip ang maghintay..Isa parin ito sa mga bagay na pinaka gusto kong panghawakan sa ngayon. Kahit na di ko talaga sigurado kung may pupuntahan ba talaga ang paghihintay na to. Sa lahat ng naghihintay : Wag maging mainipin.

Ilusyon. Masarap tumakas sa masaklap na realidad paminsan minsan. Pagkakataon ito upang pansamantalang kalimutan ang ilang masasalimuot na pangyayari. Binibigyan din ako nito ng pansamantalang pag asa na magkakatotoo ang isang ilusyon. Ngunit pagkatapos ay babalik at babalik din ako sa totoong buhay. Sa masaklap na realidad. Pero libre lang naman mangarap diba? Haha.

Pagmamhal. Maka ilang beses ko na rin sinubukang balewalain ang salitang yan. Ngunit di ko alam na tatamaan pala ako nito ng matindi na parang isang hagupit. At ang salitang iyan ang dahilan ng aking ilusyon at kung bakit ako nagiintay. Sa totoo lang : Ang salitang ito ang pinaka gusto kong mawala habang ito rin naman ang pinaka gusto kong maranasan. Ngunit dahil sa kasalukuyang sitwasyon ngayon..wala akong magagawa kungdi balewalain ito ng pansamantala. Just for now. *sigh*

Lahat ng bagay na aking nabanggit  sa itaas at kasama ng isang mainit na kape o tsokolate, ang mga dahilan ng malalaking eyebags, paghikab at pamumula ng mata habang naglalaho ang aking unti unti nang nasisirang katinuan.

Bilang pagtatapos ay nais kong hilingin na naway magising ako ng maaga mamaya. Dahilo may lakad ako mamaya, at kahit na puyat ay kailangan kong puntahan ang aking mga kolektib sa JRU. Mornyt!

– SORAL
0533AM/021609
*Habang naghihintay dalawin ng antok*

*Para sa mga taong mahilig uminom ng mainet na kape o tsokolate sa kalagitnaan ng madaling araw.

Protected: Minsanang katapatan.

This content is password protected. To view it please enter your password below:


Pages

Status

  • 25,946 hits

TULONG KABATAAN


ISANG MILYON. ISANG PANATA

TAYO ANG PAGBABAGO!


The Youth is on a Mission to Rock Philippine Politics. Be part.

no to CONASS!


2010 is nearing and as expected by many..CHACHA is now being pushed by the shameful CONASS! I would like to adress my shame to our Congressman Roman T. Romulo of Pasig for supporting the very unconstitutional CHACHA through the passing of HR 1109.

Come and join the widespread campaign of protesting against CONASS! Let us blog and post to all of our social networking sites such as Friendster, Multiply, Facebook our rage against the hasty passing of HR 1109.

-SORAL
(Image courtesy of : http://brianong.blogspot.com/)

Currently listenin’


Named after the traditional Navajo tobacco pipe given as a peace offering, PEACE PIPE arrives on scene bearing gifts: 10 songs with the same promise of their namesake to transport one from the natural world to the spectral world.
more at their MySpace : here

Blog scheds

May 2024
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031